EPISODE 1.

4915 Words
“REALITY LIES” EPISODE 1. ◆General's POV.◆ Kasalukuyang nakatayo sa may tindahan nila Aling Mayang si Rianna Jace o mas kilala bilang RJ. Kasama niya ang kaibigan niyang si Jonah o Joe sa palayaw. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa babaeng nagngangalang PAULEEN EVANS na anak ng isa sa pinakamayamang businessman sa mundo. “Ano? Alam mo na ba kung saan-saan siya gumagawi?.” Tanong ni RJ kay Joe habang umiinom ng softdrink. “Oo, at mas naglalaan siya ng oras sa Hospital. Syempre doon siya nagtatrabaho eh.” Sagot nito at umupo sa upuang nasa labas lang din ng tindahan. “Pare, tanong ko lang. Sigurado ka na ba dito? Alam mong maaari tayong makulong dito lalo na't kidnapping na to. Hindi nman natin gawain to ah?.” Dagdag pa nito na halatang nababahala. Alam ni RJ na tama ang kaibigan niya pero hindi niya na muna iniisip yun. Trabaho na muna ang naiisip niyang unahin. Siya si Rianna Jace Dominguez o mas kilala bilang RJ. Dalawampu't walong taong gulang na siya. Nakatira sila ni Joe sa Baryo ng Manggahan kung saan malayo sa kamaynilaan. Simula nung inabandona si RJ ng kanyang mga magulang noong anim na taong gulang palang siya ay natuto na siyang mag-isip at gumawa ng kung anu-anong paraan para lang mabuhay. At nakilala niya si Joe sa lansangan dahil palaboy din ito. Magkasing-edad lang sila kaya hindi naging mahirap ang pagiging magkaibigan nila. Kung anu-anong trabaho ang pinasok nila, nariyan yung naglilinis sila ng mga sasakyan, nangangalakal at kung anu-ano pa. Naging masaya naman sila kahit papaano, hanggang sa makilala nila si Boyong noong walong taon na sila. Sinabi nitong may kilala itong taong makakatulong sa kanila upang makaahon sila sa kahirapan. Sumama sila ni Joe at sa pagsama nilang yun ay naging impyerno ang buhay nila. Isang sindikato ang napasukan nila. Maraming mga batang katulad nila, mga batang patapon. Ginawa silang magnanakaw at taga-benta ng drugs. Hindi rin sila makasuplong sa mga Pulis dahil may kakampi ang sindikato na mga kapulisan. Ito ang naging dahilan kaya naging matigas na tao si RJ. Natuto rin siyang depensahan ang sarili niya. Hanggang sa umabot sa puntong nabahiran ng dugo ang mga kamay niya. Ito ay nangyari noong labing-tatlong taong gulang siya. ⇨FLASHBACK⇦ ◆RJ's POV.◆ “Siraulo ka! Dudugaan mo pa ako ha!!.” Sigaw ng aming among si Mang Aldo habang pinapalo ng sinturon ang isa naming kasamahan. “Araaayyy!!!! Tama na po Mang Aldo. Hindi ko na po uulitin. Tama na po! Masakit po! Araayy!.” Hiyaw rin ni Tonton na sobrang nasasaktan at patuloy na umaagos ang luha. Lalapit na sana ako dahil hindi ko na gusto ang nakikita ko nang hawakan ako ni Joe sa braso. “Huwag kang mangialam diyan at baka ikaw pa ang pagbalingan ng galit ni Mang Aldo.” Bulong niya sa akin habang nakatayo at nakatingin lang sa nangyayari. “Kayong lahat!!!.” Sigaw ni Mang Aldo na siyang nagpabalik ng tingin ko sa kanya. “Tandaan niyo!! Kung mayroon mang magtangkang gawin ulit ito, hindi lang sinturon ang aabutin niyo sa akin. Sa susunod, makakaharap niyo na si Satanas! Naiintindihan niyo?!.” Sigaw niya ulit habang nakatingin samin ng masama. Siya ay may edad na rin, malaki ang tiyan at kalbo. “Opo master!.” Sabay-sabay namang sagot ng kasamahan ko na nagpangisi ng malaki kay Mang Aldo. “Tama ka! Sa susunod may mamamatay na!.” Bulong ko ng madiin habang nakatingin dito ng masama. “Oizzzt. Narinig ko yun pare!.” Si Joe habang namimilog ang mga mata pero hindi ko siya pinansin. “Bumalik na kayo sa trabaho niyo!! Bilis!! Alis!!.” Sigaw pa ulit ni Mang Aldo habang tinutulak ang mga nasa unahan, dahilan para mapaatras sila at muntik pang matumba ang iba. “Ay! Siyanga pala. Dahil sa nangyari, wala kayong tanghalian ah? Hahaha.” Dagdag niya pa sabay talikod habang baliw na tumatawa. Napakuyom ako ng kamao at tiningnan siya ng masama. “Anong tinitingin-tingin mo diyan? Gusto mo ring makatikim ng sinturon ni Hudas? Bumalik ka na dun!!.” Pasigaw na sita sa akin ng isa sa mga galamay ni Mang Aldo. Tinitigan ko lang siya dahil alam kong wala pa akong laban sa ngayon. “Tara na. Pare naman eh!.” Sabay hila sa akin ni Joe palayo doon. “Titingin-tingin pa, wala namang silbi!.” “Hahaha. Hayaan mo na ang mga yan. Wala naman silang magagawa eh.” “Hahahahaha.” Rinig ko pang usapan nila at humalakhak ng malakas bago sumunod sa amo nilang damuho. -(Magdiwang kayo ngayon! Tsk. May araw rin kayo samin! Balang araw makakaalis din kami sa mabahong gusali na ito!.)- Saad ko nalang sa isip ko habang nangangalaiti sa galit. Hindi nga kami pinakain ng tanghalian ni Mang Aldo kaya gutom kami habang nagtatrabaho. Ngunit ganun paman ay nagnakaw pa rin kami para wala ng masaktan pa. Mabuti na lang at marami akong nanakaw nung sumapit ang gabi. Muntik pa nga akong mahabol ng binatilyo na kasama nung babaeng pinagnakawan ko ng cellphone eh. Kaya walang lingon akong tumakbo ng mabilis. May narinig rin akong sumigaw pero binalewala ko na. Ang importante hindi nila ako nahabol. Nagtatrabaho kami sa umaga, tanghali at gabi. Wala kaming karapatang magreklamo. Wala din kaming mahingian ng tulong kaya naman nagtitiis nalang kami sa luma at mabahong gusali na ito kasama ang mga masasamang tao. ----- Lumipas ang mga buwan na ganun pa rin ang sitwasyon namin. Kami ang nagtatrabaho habang sila ay nagpapalaki lang ng tiyan. Ngayon ay malalim na naman ang gabi. Mahimbing na ang tulog ng mga kasamahan ko habang ako ay gising pa rin at nagpupunas ng punyal. Ang punyal na nakuha ko sa tindahan ni Aling Lucia kaninang tanghali. “Pare, bakit merun ka niyan? At saan mo nakuha yan?.” Nagtatakang tanong ni Joe na mukhang nagising, na siyang kinagulat ko rin. “Pambihira ka naman. Pinakaba mo ko ah!.” Bulong kong saad sa kanya. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!.” Madiin niyang bulong na may halong kaba. Sigh... “Ano ka ba pare. Proteksyon ko lang to. At kina Aling Lucia ko ito nakuha. Nung rumaket ako dun kaninang tanghali.” “May binabalak ka ba, ha pare? Wala tayong laban sa kanila! Maliliit tayo kumpara sa katawan nilang malalaki!.” “Alam ko yan. Kapag nagkagipitan lang naman saka ko ito gagamitin eh.” Kung nagtataka kayo. Magkapatid na ang turingan namin at oo, kahit sa murang edad ay alam na naming mga babae kaming may pusong lalaki. Gupit lalaki, bihis lalaki at kilos lalaki. “Pero hindi pa rin----” Natigil sa pagsasalita si Joe nang may marinig kami. “Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ko!.” Tinig ng batang babae na halatang umiiyak. “Tumahimik ka! Kung hindi gigilitan ko yang leeg mo!.” Rinig pa namin at sigurado akong isa yun sa mga galamay ni Mang Aldo. “I wanna go home. Please pakawalan niyo ko. I wanna go home. Huhuhu.” Dahil sa narinig namin ay napatitig ako kay Joe. “Teka pare, saan ka pupunta?!.” Kabadong tanong ni Joe ng makitang palabas na ako ng silid kung saan kami natutulog. Isang silid na butas-butas at walang gamit na nakalagay. Sa lapag lang kami nakahiga at tanging karton lang ang panlaban sa lamig. Magkakatabi kami at kahit ano pa ang posisyon. Katulad nung nakatira pa kami sa kalye. “Titingnan ko lang kung sino na naman ang kinidnap nila Boyong.” Sagot ko sa kanya. Alam kong nangingidnap sila ng mayayamang bata kapalit ng pera. At si Boyong ang namamahala dun. Nalaman ko ang tungkol dito nang minsang magising ako nung isang gabi dahil naihi ako at nakita kong may bitbit silang batang lalaki na umiiyak. Sinundan ko sila nun at nakita kong dinala nila ito sa silid ni Mang Aldo. At doon ay narinig ko ang lahat. “Alam mong delikado dahil baka mahuli nila tayo!.” Saad ni Joe at hinawakan ako sa kaliwang braso. “Sisilipin ko lang naman at babalik ako agad.” Saad ko pa at itinago ang punyal sa likod ng luma kong short. “Kung ganun, bakit kailangan mo pang dalhin ang punyal na yan?.” Tanong niya at binigyan ako ng nagdududang tingin. Sigh... “Basta dito ka na lang.” Sagot ko na para matapos ang usapan at tumalikod na sa kanya. “Ui.ui.ui. Sasama ako. Hep! hep! Wag ka ng kumontra.” Saad niya naman at inunahan pa ako. Napailing nalang ako saka sumunod na rin. Habang papunta kami sa silid ni Mang Aldo na medyo malayo sa silid namin ay tahimik lang kami. Palipat-lipat din ang tingin namin at minsan ay napapayuko pa upang masigurong walang makakita samin. “Pare, bumalik nalang kaya tayo. Delikado talaga tayo dito eh.” Kabadong saad ni Joe. “Huwag ka nga diyan! Pinapaiwan kita kanina eh. Ikaw tong nagpumilit. Kung gusto mo, balik ka nalang.” Sagot ko naman habang patuloy pa rin ang lakad. Nanahimik naman siya at nagpatuloy na sa pagsunod sakin. Pero eksaktong pagliko ko sa kanto ay saktong nakita ko ang dalawang tauhan ni Mang Aldo na sina Boyong at Galoy na pabalik na kaya makakasalubong namin sila. Bigla kong nahila si Joe para magtago sa likod ng mga patong-patong na drum na nakalagay sa may gilid. “Arraayy!.” Igik na daing ni Joe kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. “Sssssshhhhhh...” Bulong ko sa may tenga niya. “Pare teka, parang may narinig ako.” Sa boses palang, siguradong si Galoy ang nagsalita. Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko ng papalapit na sila samin. Tanging anino lang din nila ang nakikita namin. Mabuti nalang madilim dito. Tanging ilaw lang na galing sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Unti-unting lumapit ang isang anino sa kung saan kami nagtatago kaya mas lalo akong kinabahan. Ramdam ko din ang panginginig ni Joe. “Ahah! Kayo lang pala ha!.” Rinig kong sigaw ni Galoy dahilan para mapalingon ako at manlaki ang mga mata ko. “Mga bwesit kayo ha!.” Hiyaw niya ulit. “Bwesit na mga pusang to! Akala ko kung ano na!.” Dagdag niya pa. “Tara na nga pare ng makatulog na tayo. Pati sa pusa natatakot ka! Hahaha.” Rinig kong asar ni Boyong kay Galoy. “Hindi ako takot ah!.” “Haha sige sabi mo eh. Tara na dahil bukas tiba-tiba na naman tayo.” “Haha oo nga pala. Tara.” Usapan pa nila habang papalayo samin. Napabuga ako ng hangin habang nakatingin pa rin sa pusang nasa tabi lang din namin na may kinakain na daga. Hindi ito natatakpan ng drum. “Salamat pusa! Niligtas mo kami. Hoooohhh...” Rinig kong bulong ni Joe na nakahinga din ng maluwang. “Tara na nga bago ka pa masiraan ng bait diyan!.” Kantiyaw ko sa kanya at nagpatiuna na ulit nang makitang malayo na sila Boyong at ligtas ng lumabas. “Tsk. Nagpapasalamat lang eh!.” Pabiro niyang saad at sumunod na rin. Nang makarating kami sa pintuan ng silid ni Mang Aldo ay mataman kaming nakinig. Walang tao kaya malaya naming naidikit ang tenga namin sa pintuan. “Please huwag po. Huwag po kayong lumapit sakin. Maawa na po kayo.” Boses ng batang babae habang umiiyak. “Halika ka na. Ipaparamdam ko sayo ang langit iha. Siguradong magugustuhan mo ang gagawin natin.” Nang-uudyok ang boses ni Mang Aldo. Balak niyang gawan ng kalapastanganan ang batang babae. Walanghiya siya! Naiisip ko pa lang na marami na siyang nabiktima ay gusto ko na siyang patayin!. “Aaahhh!!! Bitawan niyo po ako. Please huwag po! Araayy!!! Masakit po!! Tama na po!! Nasasaktan po ako.” Agad kong binuksan ang pinto ng kunting awang upang makasilip. Nakita ko kung gaano kahigpit ang hawak ni Mang Aldo sa dalawang braso ng batang babae. Wala nang ibang damit si Mang Aldo maliban sa suot nitong brief. Patuloy rin ang agos ng luha sa mata ng batang babae habang nagpupumiglas. “Pleaseee bitawan niyo po ako. Gusto ko ng umuwi. Maawa na po kayo sakin.” Patuloy na umiiyak ang batang babae. “Hmmm.. napakabata mo pa at napakaganda. Siguradong sariwa ka pa kaya umpisahan na natin. Hihihi..” Nakangising saad ni Mang Aldo saka inumpisahang tanggalin ang suot na palda ng batang babae na patuloy sa pag-iyak. “Aaahh!!! Huwag po!! Maawa na po kayo!!!.” Patuloy na tutol ng batang babae na ngayon ay nakapanty nalang at naka-blouse dahil natanggal na ni Mang Aldo ang palda niya. Hindi ko na kinakaya ang nakikita ko kaya pinulot ko ang kahoy sa may tabi at papasok na sana nang hawakan ako ni Joe sa braso at balikat. “Pare, huwag na tayong makialam dito. Siguradong papatayin nila tayo kapag nangialam pa tayo.” Nanginginig sa kabang bulong ni Joe kaya napatingin ako sa kanya. Tama siya. Siguradong buhay namin ang kapalit kapag nangialam ako!. “Tara na. Bumalik nalang tayo sa silid at kalimutan ang nakita natin.” Dagdag niya pa at hinila na ako. Nagpaakay nalang din ako habang malalim na nag-iisip. “Noooooo!!!! Tama na po!! Please po!!.” Rinig kong sigaw ng batang babae kaya napalingon ulit ako sa pinto ng silid. “Tara na.” Saad pa ulit ni Joe na sumulyap lang sakin at nagpatuloy na sa paglalakad. Tumango nalang ako at humakbang na rin paalis. ----- ◆General's P.O.V.◆ Nagpatuloy sa paglalakad sina RJ at Joe. Tahimik lang si RJ at hindi na ito pinansin ng nauunang si Joe na nakafocus lang ng tingin sa unahan niya. “Pare, kailangan na nating magmadali. Baka mamaya may gising pa sa kanila. Naku, wala na naman tayong pagkain bukas kapag nahuli tayo ngayon. Ikaw kasi eh! Dapat nakinig ka sakin. Dapat hindi nalang tayo sumunod kina Boyong. Eh di sana nananaginip na tayo ngayon! Haaayyy....” Panenermon pa ni Joe na nakapukos sa nilalakaran. Sinisiguro niya kasing wala silang makakasalubong na tauhan ni Aldo. Samantala, patuloy naman ang pagpupumiglas ng batang babae kay Aldo. Patuloy na nakikiusap. Pero sa kasamaang palad ay tila bingi si Aldo na halata ang pagnanasa sa batang babae. “Please huwag po. M-Maawa na po kayo sakin.” Pakiusap pa ng batang babae sa nanghihinang tinig nang tumayo si Aldo at may kinuha sa kabinet nito. Siniksik pa niya ang sarili niya sa uluhan ng maliit na katre ni Aldo kung saan siya kasalukuyang nakaupo. “Tutal ayaw mo namang makinig. May ipapatikim nalang muna ako sayo bago tayo maglaro. Hahaha.” Tawang saad ni Aldo habang may hawak na pang-inject na ang laman ay droga. “Please huwag po. P-Please maawa na po kayo. Please po. I-Iuwi niyo na po ako.” Pagmamakaawa pa ng batang babae habang patuloy na umiiyak. “Please huwag po. Maawa na kayo. Blah blah blah. Hahaha.” Natatawang panggagaya naman ni Aldo sa bata. “Oh! Di ba gusto mo ng umuwi? Tapusin na natin ito at bukas ihahatid kita sa papa mo. Hahaha.” Dagdag pa ni Aldo na tiningnan pa ang bata mula ulo hanggang paa. Punong-puno ng pagnanasa ang mga mata nito. Ngumisi ito at tiningnan ang injection na nasa kamay nito bago muling tumingin sa bata. Takot naman ang nakabakas sa mukha ng batang babae. Unti-unting lumapit si Aldo sa bata hanggang sa mahawakan ang braso nito. “Huwag po! Huwag po! Huwag po!.” Patuloy namang sigaw ng bata habang pilit na hinihila ang kamay na hawak ni Aldo. “HUWAG KANG MALIKOT KUNDI SUSUNTUKIN KITA!!!!!.” Malakas na sigaw ni Aldo kaya naman napatigil sa pag-galaw ang bata. “Yan. Ganyan nga. Behave ka lang at magkakasundo tayo. Masarap naman tong gagawin natin eh.” Nakangising saad ni Aldo na hinaplos pa ang mukha ng batang babae. Hinawakan niya ulit ito sa braso at unti-unting tinurok ang injection. “Aarrgghh!!!.” Impit na daing ni Aldo nang may maramdaman siya sa likod. Tumingin siya sa batang babae habang iniinda ang nararamdaman at unti-unting lumingon sa likod para tingnan kung ano ang tumama sa likuran niya. “Salamat at malapit na rin tayo. Makakahiga na rin. Sandali na lang. wohooh! Haha.” Masayang bulong ni Joe sa inaantok na boses. Pero napatigil siya sa paghakbang nang makita niya sina Boyong at Galoy na gising pa at nakaupo sa upuang gawa sa kahoy. “Ui pare, dalhin mo na rin itong telepono para matawagan ni Bossing yung ama nung bata. Sabihin mo tumawag na tayo at gustong makausap ang bata bago makipag-negosasyon.” Kausap ni Boyong kay Galoy. “Pero.. hindi ba magagalit si Bossing kung iistorbohin ko siya? Mamaya ko nalang kaya ibigay itong mga papeles? Alam mo na.. kapag tapos na siya?.” Pag-rason naman ni Galoy na takot mapagalitan ni Aldo. Iba kasi magalit ang matanda. Walang sinisino at kinikilala. “Hindi yan. Huwag ka nalang pumasok at iwan mo lang yan sa labas ng pinto. Alam mo naman yun, kapag nag-utos kailangan sundin agad. Saka, lalabas naman yun kapag tapos na eh. At isa pa, madaling araw tumatawag si Bossing para makasigurong walang pulis na sagabal at makikinig.” Mahabang paliwanag pa ni Boyong. “Aah sige sige. Hatid ko lang to.” Paalam na ni Galoy. Dahil sa narinig na pag-uusap ay mabilis na yumuko si Joe at umatras habang ang mata ay nasa unahan pa rin, kina Boyong at Galoy. Nang makitang papunta na sa direksyon nila si Galoy ay nagpanic na siya. “Patay! Patay! Patay! Pare atras at nang makatago tayo. Bilisan mo na. Baka maki----” Bulong na kausap ni Joe kay RJ at kinakabahan. Pero lalo siyang nangamba nang sa paglingon niya sa likod ay wala siyang RJ na kasama. “Pare? Pare asan ka? Haizzzt! Bumalik ba siya? Kainis naman oh! Haizzzt lagot kami nito eh!! Bakit ba hindi siya nakikinig sakin?!.” Naiinis na bulong ni Joe sa sarili niya. At nang marealize niyang hindi niya kasama si RJ habang siya'y nagsasalita ay napasabunot nalang siya sa kanyang buhok dahil sa frustration. “Kanina pa ako nagsasalita! Kaya pala walang sumasagot! Naku, talaga naman pare! Patay tayo ngayon nito eh!.” Kausap pa ni Joe sa sarili habang binibilisan ang hakbang upang hindi siya makita at maunahan ni Galoy. Naisip niyang balikan si RJ para hindi ito mapahamak. Sa paglingon ng dalawa, ni Aldo at ng batang babae, ay nakita nila si RJ na may hawak na kahoy na siyang ginamit nito sa pag-hampas sa likod ni Aldo. “Ahmmpgh!.” Muling daing ni Aldo na bigla pang napasubsob sa katre niya nang hampasin ulit siya ni RJ at sa mukha siya tinamaan. Nabitawan niya din ang injection. “Huh!.” Maangas na paghinga ni RJ at muling itinaas ang hawak na kahoy para hampasin ulit si Aldo. “Arrrggghh!.” Impit na daing pa ng isa sa kanila pero sa ngayon ay galing naman iyon kay RJ. Sinipa siya ni Aldo sa may tiyan nang nakataas ang mga kamay niyang may hawak ng kahoy dahilan para mapasandal siya sa pader ng kwarto at mabitawan niya ang kahoy. “Tingin mo kaya mo ako ah! Huh! Mag isip-isip ka!.” Gigil na saad ni Aldo kay RJ at saka inumpisahan itong pagsisipain. “Umf!.” “Ahmp!.” “Arrggh!.” “Aahh!.” Mga daing naman ni RJ habang ginawang pantakip ang mga braso sa kanyang ulo. Naaawang nakatingin lang din ang batang babae na hindi alam kung ano ang gagawin. “Huh! Yan ang...*hmp!* bagay *hmp!* sayo! Napaka-pakialamero mo! Siraulo ka! *Hmp!*.” Sigaw pang saad ni Aldo habang patuloy na sinisipa si RJ. Hingal na tumigil si Aldo habang napapangisi kay RJ. Nakita niya din ang nahulog na pang-inject na may droga at pinulot ito. Muli pa siyang napangisi nang mapatingin siya sa droga at kay RJ. Dahan-dahan namang napatayo si RJ kahit hirap dahil sa mga sugat na natamo. Tiningnan niya din si Aldo at nang makitang sisipain na naman siya nito ay mabilis niyang inayos ang kamay niya at hinawakan ang paa nito pagkatapos ay hinila niya iyon pakanan kaya napaupo ito sa sahig. Agad namang nakatayo si Aldo at sinuntok si RJ sa mukha. Napatalbog si RJ sa kanto ng kwartong iyon. Masakit ang mukha niya dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Aldo. “Walang hiya ka!!! Papatayin kitang gago ka!!!!.” Galit na sigaw pa ulit ni Aldo at tinaas ang hawak na injection para itusok kay RJ. Hinawakan niya si RJ sa balikat at inamba ang kamay na may injection para itusok sa leeg nito pero hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa nito. “Ummmppphhh!.” Daing ni Aldo na namilog ang mga mata at napabitaw sa injection. Tiningnan niya si RJ na nakangisi na sa kanya. Lumipat ang tingin niya sa gilid ng tiyan niya at nakitang may nakatusok na punyal doon na kasalukuyang hawak ni RJ. Napahawak naman siya sa punyal para tanggalin sana ito sa pagkakatusok nang magsalita si RJ. “Sinusundo ka na ni kamatayan!.” Madiing bulong ni RJ sa kanya. “Ammppff... Aarrrgghh...” Impit na daing pa ni Aldo nang idiin pa ni RJ ang pagkakasaksak sa kanya. Napaatras siya at natanggal ang pagkakasaksak ng punyal. Hinawakan niya ang side ng tiyan niyang patuloy na umaagos ang dugo. Nakaawang ang bibig niya at nakadilat ang mga mata dahil sa sakit na nararamdaman. Dahil sa nakikitang magandang pagkakataon, agad pang sinipa ni RJ si Aldo kaya napahiga ito sa sahig at nawalan ng malay. Makalipas ang ilang sandaling pagtitig sa bangkay ni Aldo ay natauhan si RJ sa nagawa. “N-Napatay ko s-siya.” Kinakabahang bulong ni RJ at tiningnan pa ang sariling mga kamay na may mga dugo. Dahil sa naisip ay gulat na napabitaw siya sa punyal. “N-Nakapatay ako ng tao. N-Napatay ko si M-Mang Aldo!.” Wala sa sariling bulong niya pero nang mapatingin siya sa dako ng batang babae ay nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. “P-Pero tama lang ang ginawa ko dahil halang ang k-kaluluwa niya!.” Nakakuyom niya ng saad na binalik ang tingin sa bangkay. Inayos niya ang sarili at kinuha ang nahulog na punyal. Ipinunas niya ang punyal sa damit ni Aldo para matanggal ang naiwang dugo. Nagkrus pa siya sa katawan ni Aldo bago tiningnan ang punyal na hawak niya. “Buti na lang at mahigpit ang pagkakaipit ko sayo, kung hindi ay baka nahulog ka na kanina habang binubugbog ako.” Kausap niya pa sa punyal niya saka ito muling itinago sa likod niya. ----- ◆Mariah's P.O.V.◆ Nakita ko kung paano sinaksak ng binatilyong lalaki ang mamang gustong humalay sakin. Matangkad ito at maitim pero ganun paman ay hindi ito naging hadlang para makita kong gwapo ito. Nandito pa rin ako sa may bandang ulo ng katre at nanginginig pa rin dahil sa takot. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin ngayon. Lumapit naman ang binatilyo sakin kaya lalo pa akong kinabahan at nagsumiksik sa headboard ng katre kahit wala na akong mapagsiksikan pa. “Huwag kang matakot. Hindi naman kita sasaktan eh.” Saad niya sa mahinahong tinig habang ako ay nakayuko lang at nakayakap sa mga tuhod ko. Napansin niya sigurong takot pa rin ako. “Ahm bata.” Tawag niya pa sakin kaya napatingin ako sa kanya at napansing namamaga ang kanyang mukha at dumudugo ang kanyang labi. Mayroon ding naiwang dugo sa kanyang kamay. “Kailangan na nating umalis kung ayaw mong maabutan tayo ng mga tauhan ni Mang Aldo dito.” Dagdag niya pa at tumingin sa mama upang sabihing ito ang tinutukoy niya. Tumango naman ako sa kanya at nagpasalamat nang iabot niya sakin ang palda ko. At pagkatapos kong masuot ang palda ko ay hinawakan niya ako sa kamay. Papalabas na sana kami sa pinto nang may pumasok na isa pang binatilyong lalaki. Kita namin ang gulat at takot sa mga mata nito nang makita nito ang duguang nakahandusay at wala ng malay na mama sa sahig. “P-Pare, a-anong n-n-nangyari?.” Kinakabahang tanong pa nito sa nagligtas sakin. “Mamaya ko nalang ipapaliwanag pare. Pero sa ngayon ay kailangan na muna nating umalis para hindi tayo maabutan ng mga tauhan ni Mang Aldo.” Saad naman nitong katabi ko. “Haizzzt! Okay pare! Pero papunta dito si Galoy kaya hindi tayo pwedeng lumabas sa pintuang ito.” Kabadong saad naman nung pumasok at tinukoy ang pinto na nasa likod niya gamit ang sariling ulo. Kahit hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy nito ay alam ko namang mapanganib ang taong tinutukoy nito. “Haizt! Patay! Tara tingnan natin sa CR kung may madadaanan dun.” Nagpapanic ng saad nitong katabi ko at mabilis akong hinila papunta sa sinasabi niyang CR na walang pintuan, madumi at mabaho pa. Sumunod na din yung isa pang binatilyo. Pagkapasok namin ay nakita naming may butas sa may taas ng CR malapit sa Ceiling. Agad na inayos nung tumulong sakin ang mga box na nandun para gawing apakan palabas sa butas. “Mauna ka na pare. Tingnan mo kung may tao ba na nakabantay at tingnan mo na rin kung saan tayo pwedeng dumaan para makalayo dito.” Saad nung nagligtas sakin sa kaibigan niya. Magkaibigan naman sila eh. Pare pa nga ang tawagan nila. “Sige akong bahala pare. Maaasahan mo ako.” Nakangiting sagot nito at saka lumabas na. Hindi rin ganun kalaki ang butas. Tamang-tama lang sa mga batang tulad namin. “Pare, safe dito. Tara na. Labas na kayo.” Paanas ng saad nung binatilyong nakalabas, na siyang medyo kinakampante ko. “Boss? Si Galoy to. Ilalagay ko lang po dito sa labas itong mga papeles na pinakuha niyo pati na itong telepono para matawagan niyo na po yung ama ng bata. Tinawagan na po namin yung ama niyan kanina at gusto munang makausap ang anak niya.” Okay na sana pero bigla kaming kinabahan dahil may tao sa labas. Napatigil din kami upang hindi makagawa ng ingay. Mukhang safe kami dahil hindi papasok yung sumigaw. (BLAG!) Pero nangamba kami nung may marinig kaming kalabog sa loob ng kwarto. May nahulog na babasagin na mukhang kagagawan nung mamang muntik ng gumahasa sakin. “Boss? Boss? Anong nangyayari? Boss? May problema po ba? Papasok po ako.” Saad pa nung nasa labas. “s**t! Bilisan mo na!.” Nagmamadaling saad na nitong katabi ko pagkatapos marinig ang huling sinabi nung nasa labas. “Boss? Anong nangyari sayo? Boss?.” “Arrrggghhh...” “Sinong may gawa nito sayo Boss?.” “R--R--R--...” “Boss? Boss? Boss!!!! s**t!! Wala na si Bossing! Haizzzt! Bwesit! Kung sino man ang may gawa nito, siguradong hindi pa sila nakakalayo!.” Rinig na rinig namin ang galit sa boses ng taong pumasok habang nagsasalita. “Ay!.” Bigla naman akong nadulas dahilan para makagawa ako ng ingay. Kinabahan ako habang namimilog naman ang mga mata ng kasama ko. “s**t! Sa CR.” Dahil sa huling narinig namin ay nagmadali akong lumabas sa butas. Bumagsak ako sa lupa at agad na tinulungan nung kaibigan nung nagligtas sa akin. “Ahah!! Ikaw pala RJ ah!! Ikaw ang pumatay kay Bossing!! Walanghiya ka!!.” Dahil sa malakas na sigaw na yun ay napatingin kami nitong kaibigan nung nagligtas sakin sa butas kung saan kami lumabas. Nakita namin yung nagligtas sakin na tanging ulo pa lang ang nakikita. Lalabas na sana siya nang mapakunot ang noo niya at tumingin sa may ibaba niya. Medyo mataas kasi ang pader kaya mahirap akyatin. “Bitawan mo ako!!.” Nagpupumiglas niyang saad na parang pilit inaalis ang kung ano mang nakahawak sa kanya. Nag-aalala na rin ako dahil siguradong papatayin siya nung mga tauhan ng mama kapag hindi siya nakatakas. “Please do something!.” Sigaw ko sa kanya kaya napalingon siya sakin. “Pare..” Nag-aalalang saad na rin nitong katabi ko. “Ugh!!!.” Kasabay ng tunog na iyon ay ang daing ng lalaki sa loob. “Aaarrrgghh....” Mabilis na lumabas ang nagligtas sakin kaya napabagsak siya sa lupa ng walang balanse. “Okay ka lang ba?.” Tanong ko ng makalapit sa kanya habang inaalalayan siya ng kaibigan niya. “Oo. Tara na!.” Sagot niya nang makatayo. “Hoy!!! Saan kayo pupunta? Tatakas pa kayo ah!! Tigil!.” Malakas na sigaw ng isang lalaking may hawak na baril kaya napatingin kami sa kanya. Mukhang nagbabantay ito sa paligid at nakarinig ng ingay mula samin. “Tara!! Takbo na!! Dito tayo!!.” Nagpapanic na saad nung kaibigan nung nagligtas sakin kaya tumakbo na kami. Hawak-hawak din ako nung nagligtas sakin para mapabilis ako ng takbo. “Habulin mo sila at dalhin dito dahil pinatay nila si Bossing!!!.” Rinig pa naming sigaw nung lalaki sa loob ng CR kaya muling bumangon ang kaba sa dibdib ko. Siguradong patay kami kapag nahuli kami nung lalaki. -(God.. kayo na pong bahala samin.)- Mahinang dasal ko pa sa isip ko. “Hoy tigil!!!.” Sigaw nung humabol samin at pinaputukan kami. (Piiiiiiirrrrttt.. Piiiirrrrtttt... Piiiirrrrtttt... Piiiirrrrtttt....) Tunog ng armalite habang pinuputok samin ng lalaki. Takbo lang kami ng takbo ng walang lingon likod dahil sa sobrang kaba. -(Please! Huwag niyo pong hayaang may masamang mangyari samin!.)- Dasal ko pa ulit sa isip ko habang nakatingin sa langit. Mukhang malayo pa naman yung humahabol sa amin. Sana makaalis na kami dito ng ligtas. Sana lang. ⇨END OF FLASHBACK⇦ ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD