bc

Substitute Bride for The Mad Mayor

book_age18+
3.2K
FOLLOW
40.9K
READ
billionaire
family
forced
opposites attract
friends to lovers
arrogant
badboy
heir/heiress
bxg
lighthearted
campus
small town
kingdom building
substitute
like
intro-logo
Blurb

Dalawa lang ang pwede mong pagpilian, KULONG O KASAL?

-----------

Si Stephanie Marley Molina at Drake Jordan Delgado ay may komplikadong nakaraan, kung saan palaging binu-bully ni Drake si Stephanie dahil sa kanilang magkaibang estado sa lipunan. Ngunit nagkrus muli ang kanilang landas nang maging alkalde si Drake at nangangailangan ng photographer para sa isang okasyon. Pumayag si Stephanie, na nagtatrabaho bilang freelance photographer.

Sa muli nilang pagkikita ay nagkaroon na naman nang hindi pagkakaunawaan at dala ng labis na galit ay may nasabi si Stephanie laban kay Drake na parang apoy na kumalat na siyang ikinasira ng pangalan at magandang imahe ng alkalde sa mga mamamayan.

Bilang ganti naman ng alkade ay pinilit niya ang dalaga na pakasalan siya para maibalik ang reputasyon na nawala sa kanya.

-----------

#TL Prompt Writing - Substitute Bride

❗WARNING: This story contains adult themes (strong language, detailed sѐx, alcohol, etc.) that are unsuitable for some readers. Reader discretion is advised.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Stephanie Marley Molina's POV Dahil sa sobrang inis ko kay Drake Jordan Delgado ay may nasabi ako na hindi dapat at sa isang iglap ay kumalat iyon hindi lang sa buong bayan, kung hindi sa buong Pilipinas. Sino si Drake Jordan Delgado, well siya lang naman ang kilala bilang butihing Mayor ng aming bayan dito sa San Agustin. Oo, hayan ang tingin ng halos lahat ng tao sa kanya dito sa bayan namin - Makatao, Mahabagin, Malambot ang puso at laging handang tumulong sa mga nangangailangan but not me, hindi niya ko maloloko dahil kilalang kilala ko ang tunay na ugali ng walang hiyang lalaki na 'yun. Nagtitimpi lang ako sa ginagawa niyang pang-aapi sa akin dahil malaki ang utang na loob namin ni Nanay sa mga magulang niya pero take note ah sa magulang niya at hindi sa kanya. Maaga kasi nabiyuda ang nanay ko, at nagkaroon siya ng pagkakataon na makapagtrabaho bilang isa sa mag sekretarya ng dating butihing Mayor Duncan Delgado at sa mga panahon na 'yun ay hindi maiiwasan na lagi magku-krus ang landas namin ng walanghiyang lalaki. Simula bata pa lang kami ay magkakilala na kami ni Drake. Sa buong buhay ata na kilala ko siya ay wala man lang ako'ng maalala na naging maayos ang pakikitungo niya sa akin. At kahit mga nagbinata at nagdalaga na kami ay hindi pa rin natigil ang pang-aasar niya sa'kin. Parang mas lumala pa nga at kung ano ano pa ang mga pinagsasabi niya sa'kin. "Ang pangit mo." "Ang taba mo na." Tapos hindi pa siya nakukuntento sa pang-aasar niya, lalapitan at hihilahin pa niya ang kulay na itim na panali ko sa aking buhok, ilalagay niya sa may kamay niya na para bang bracelet at hindi na ibabalik pa. Hindi lang isa o dalawang beses niyang ginagawa sa akin 'yun kaya ang ending ay laging ako'ng nawawalan ng panali at naiiwan tuloy nakalugay lang ang itim at mahaba kong buhok. Sobrang nakakainis dahil ang init pa naman, lagi ko kasing tinatalian ng ponytail style ang aking buhok para presko sa pakiramdam na lagi naman pinagdidisikitahan ni Drake tuwing may pagkakataon siya. Ayaw kasi pumayag ni nanay na magpaiksi ako ng buhok dahil bagay daw sa akin ang mahaba lalo pa at medyo kulot daw ang dulo nito. Kapag nagsumbong naman ako kay nanay sa ginagawang pang-aasar sa akin ni Drake ang lagi naman sinasabi sa akin ay pagpasensiyahan ko na lang daw at marami naman daw ako panali sa buhok ko sa bahay. Inis na inis ako dahil gustong gusto ko na siyang patulan sa mga pang-aasar niya sa akin pero pinaintindi sa akin ni nanay na dapat pakisamahan kong mabuti si Drake dahil malaki ang utang na loob namin sa pamilya nila. Malaki ang ibinigay nilang tulong ng nawala si tatay tapos binigya pa nila ng trabaho si nanay at hindi lamang yun, sagot pa nila ang pag-aaral ko. Sinunod ko na lamang si nanay at hindi pinagpapansin ang mga pang-aasar at pangbu-bwiset ni Drake sa buhay ko tuwing nakikita namin ang isa't-isa. Hindi naman kasi maiiwasan na hindi kami laging magkita dahil laging may pagtitipon sa bahay nila o sa Munisipyo at lagi ako'ng isinasama ni nanay. Hanggang sa tumuntong na ako ng kolehiyo at nagkaroon ng mga manliligaw at may isa ako'ng sinagot. Sa madaling salita nagkaroon ako ng nobyo at sa hindi malamang kadahilanan ay nalaman iyon ni Drake at hindi ko nagustuhan ang sinabi niya sa akin. "Ang landi landi mo! Sayang lang ang pagpapaaral sa'yo ng mga magulang ko tapos ganyan lang ang gagawin mo!" Sobrang nasaktan at ang dami kong iniyak nung time na 'yun dahil kahit nag-boyfriend ako ay hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko. Grabe talaga siya magsalita sa akin samantalang ang mga magulang niya ay sobrang bait sa akin at wala naman sinabi na kahit ano'ng komento nung naikwento ng nanay ko sa kanila na nagkaroon ako ng nobyo. Siya nga ang dami niyang naging girlfriend eh, papalit palit pa pero wala naman ako'ng sinasabi sa kanya at wala ako'ng pakialam, ni hindi ko nga siya pinapansin tapos pakikiealam niya ang love life ko. Mula ng sinabihan ako ni Drake na malandi ay hindi na ko nasama kay nanay sa pagpunta sa bahay nila or kahit ano mang event ng pamilya niya, mapabahay man o munisipyo ay lagi ako'ng nagdadahilan na busy ako or hindi akma sa schedule ko at nakakalusot naman kaya talagang hindi na muling nagkrus ang landas naming dalawa hanggang sa nabalitaan ko na lang na umalis na siya sa bayan namin para ipagpatuloy daw ang pag-aaral niya ng kolehiyo sa Maynila pero sa isip-isip ko ay baka naman may ginawang kalokohan at pinatapon siya ng ama niya doon. Hindi rin naman kami nagtagal ng naging nobyo ko at nagkahiwalay din kami dahil natuklasan ko na dalawa pala kaming nobya niya buti na lang ay hindi ko rin masyadong sineryoso at hindi ko ibinigay ang pinakaiingatan kong pagkababaѐ. Nasaktan ang damdamin ko pero ayos lang naman dahil buti nalaman ko habang maaga pa at naging lesson sa akin na huwag basta basta maniniwala sa sinasabing matatamis na salita ng mga lalaki kaya naging medyo matigas ang puso ko at hindi na ko muling nagkaroon ng nobyo hanggang sa makatapos ako ng kolehiyo. At kung kailan naman ready na ako bumawi kay nanay sa sakripisyo niya sa akin ay isang malaking pagsubok naman ang dumaan sa buhay ko dahil sa isang iglap ay kinuha na siya ng may kapal. Wala ako'ng kaalam alam na may sakit pala sa puso ang nanay at sa isang iglap ay naiwan na ko mag-isa. Maaga na ngang nawala si tatay ay hindi rin nagtagal ay sumunod na rin si nanay. Nung una ay hindi ko matanggap pero sa awa naman ng Diyos ay nakayanan ko naman na wala si nanay sa tabi ko at iniisip na lamang na masaya ng magkasama ang mga magulang ko sa langit at ako naman na nandirito ay kailangan magpatuloy sa buhay. Marami naman ako'ng dapat ipagpasalamat sa itaas na kahit mag-isa na lamang ako ay maayos naman ang buhay ko, nakapagtrabaho ako sa bangko pero kalaunan ay nag-resign din ako at nag-focus na lamang ako sa pagiging event photographer. May season na matumal, may season din naman na hindi ako magkanda-ugaga dahil sa sunod sunod na gig ko pero dito ako masaya eh at isa pa hawak ko ang oras ko. Siyempre dahil dalaga ako hindi rin naman maiiwasan na may manligaw sa akin pero ewan wala ako'ng matipuhan talaga, parang naging silbing aral sa akin 'yung first heartbreak ko, at ang gusto ko kung susunod na papasok ako sa isang relationship ay 'yung talagang seryoso na at sa tingin ko ay hindi pa siguro ako handa or hindi ko pa nakikilala 'yung talagang tao na magugustuhan ko. Ano naman ang balita kay Drake? Siyempre as expected dahil dating Mayor ang ama niya ay siya din ang pumalit sa pwesto nito bilang alkalde ng magbalik siya dito sa bayan ng San Agustin. Sa abot ng aking makakaya ay talagang pinipilit ko na iwasan siya. Alam kong matagal na ang huling usap namin kung saan sinabihan niya ko ng malandi pero ewan kahit matagal na 'yon ay hindi ko pa rin siya mapatawad. Talagang tumatak na sa puso at isipan ko at ayaw ko na talaga siyang makasalamuha pa kahit kailan pero kahit ganu'n ay binoto ko pa rin naman siya nung eleksyon bilang pagtanaw na lang din ng utang na loob sa kabutihan na ipinakita sa amin ng kanyang pamilya. Hanggang sa dumating ang oras na hindi na talaga maiiwasan at muling mag-krus ang aming mga landas dahil kinontak ako ng mommy niya dahil nagkaroon daw ng emergency ang official photographer para sa mga political events and program ng anak niya at meron daw ganap sa may plaza kinabukasan at walang ibang makuhang kapalit at ako daw ang pumasok sa isipan niya. Medyo na-touch naman ako at nakaramdam ng hiya dahil hindi ko man lang naisapan na dalawin sila, simula kasi ng namatay si nanay two years ago ay hindi na talaga ako nakipag-communicate sa kanila eh gayong ang laking tulong nila sa buhay namin kaya hindi ako nagdalawang isip na pumayag tutal as kapalitan lang naman sa pagliban ng official photographer ng anak niya. Hindi naman siguro ako mamamatay kung makasama ko si Drake ng isang araw. At dumating na ang araw na makita ko siyang muli, at grabe ha kahit medyo inis ako sa kanya hindi maitatanggi na gwapo talaga si Drake, well cute naman siya dati pa kaso aanhin mo ang pogi kung masama naman ang ugali kaya nga hindi ko siya naging crush dati. Dahil madami siyang supporter ay dinumog na siya agad ang mga tao pagdating niya, at hindi na kami nagkaroon pa ng interaction basta ginawa ko na lamang ang trabaho ko nang magsimula na ang programa. Buti na lamang ay magandang klase ng camera ang meron ako kaya kahit hindi ako lumapit ng husto sa kanya ay walang problema, kahit malayo ako ay mukhang malapit na din ang mga kuha ng pictures niya. Napansin ko naman ang pagtingin tingin niya sa akin kapag may pagkakataon, at parang ang sama niya tumingin ah, siguro ayaw niya na nandito ako, well ang totoo ayaw ko din naman pumarito kaso mommy niya ang lumapit sa akin and bilang respeto ay pumayag ako pero kung siya lang, hay naku hindi bale ng wala ako'ng kitain ngayong araw kaysa naman siya ang maging katrabaho ko. Habang nakuha ako ng mga litrato ay hindi naman maiwasan na makapakinig ako sa programa. Actually maganda yung project na tinalakay eh about sa livelihood program kung saan magbibigay ng panimulang capital at libreng training para sa mga mamayan ng San Agustin na willing magtayo ng micro-business to improve their lives, hindi lang sa sarili nila para na din sa kanilang pamilya. Sa dami ng na sinerbisyuhan ko na binyag, kasal, birthday ay ang masasabi ko ay mas mahirap pala kapag ang gig ay political event, Diyos ko sa dami ba naman ng taong nandirito hindi katulad kapag private event na bilang lang ang tao ang naroroon tapos isabay mo pa na sobrang init ng panahon. Kahit mainit at nanglalagkit ang pakiramdam ko ay tiniis ko na lamang hanggang sa kinaya ko naman at nagawa ko ang trabaho ko. Nang matapos ang event ay agad na kong umuwi para mag-edit ng mga pictures. Habang nag-e-edit ako ay hindi ko naman maiwasan na titigan ang ilang pictures ni Drake, karamihan hindi na kailangan ng edit dahil talagang likas ang kagwapuhang taglay niya. "Kung naging mabait ka lang sana." Wala sa sarili kong sabi, at ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa matapos ako. Ipanadala ko ang link ng drive kung saan pwedeng ma-access at ma-download ang mga pictures sa email address na sinabi sa akin ni Mrs. Delgado, agad naman ako'ng nakatanggap ng reply mula 'yon sa secretary ni Drake at sinabi na magpunta na lamang daw ako bukas sa Mayor's office para kunin ang cheque. Ah, bakit naman ganu'n, pwede naman thru mobile wallet apps or online bank na lamang, masyado naman hassle ang mode of payment pero sayang naman kung hindi ko kukunin kaya nag-confirm na lamang ako na pupunta ako. Kinabukasan ay nagpunta na ako sa munisipyo, at siyempre dahil matagal nagtrabaho ang nanay ko dito ay hindi maiwasan na maka-kwentuhan ko ang mga ilang empleyado na ka-batch ng nanay ko na nandito pa rin. Wala ako'ng nagawa nung pinalapit nila ako sa pwesto nila ng makita nila ang pagdating ko. "Ang ganda ganda mo naman, bakit hindi ka pa nag-aasawa, gusto mo ireto kita du'n sa pamangkin kong seaman, pwede bang ibigay ko ang peysbuk account mo." Paalam sa akin ni Tita Barbara, isa mga naging kaibigan ni mama dito pero tanging ngiti lang itinugon ko. Kaya ayaw ko magpunta dito eh, ganito ang mga nangyayari eh laging topic ang pagiging single ko. "Hay naku huwag mo ng pakiealaman ang pagiging single niyan ni Steph, ganyan ata ang generation nila hindi agad nag-aasawa ng maaga parang si Yorme, 'di ba magkasing edad kayo." Sabat naman ng isa pang dating kasamahan ni nanay na si Tita Ruth. "Huy, ano ka ba huwag mo ngang idamay si Mayor Drake sa usapan natin baka may makarinig sa'yo?" Sagot naman sa kanya ni Tita Barbara. "Oh bakit totoo naman 'yung sinabi ko single at walang asawa si Mayor parang heto si Steph." At talagang napadiin na naman 'yung pagiging single ko dito. "Hindi natin masasabi dahil 'di ba palaging nagpupunta dito 'yung anak ni Gov binibisita siya sa opisina" Sagot naman ni Tita Barbara. "Sa tingin ko hindi naman ata niya girlfriend 'yun, mukhang 'yung babae lang ang may gusto." Sagot naman ni Tita Ruth. At sa hindi sinasadyang pangyayari ay napakinig pa ko ng tsismis ng wala sa oras kahit hindi ko naman kagustuhan. Ano bang pakiealam ko sa lovelife ni Mayor Drake Jordan Delgado at bago pa man dumami ang mga nalalaman ko ay nagpaalam na ko para pumunta sa Mayor's office. "Sige pasok ka na sa loob." Nakangiting sabi sa'kin ng secretary niya. Napakunot naman ang aking noo at bakit kailangan kong pumasok sa opisina niya, hindi ba dapat ay ibigay na lamang niya sa akin ang cheque dahil iyon lang naman talaga ang ipinunta ko dito. "Ah, nandito lang ako para pick-up in ang cheque gaya ng sabi mo sa email, I don't think na kailangan ko pang pumasok sa loob." Sabi ko pa. "Eh Miss wala sa akin yung tseke na kay Mayor Delgado, sige na pasok ka na, alam naman niya na nandito ka na." Sabi pa sa akin ng babae. Ano ba naman 'yan, bakit naman nasa kanya pa. Nakaligtas nga ako kahapon na hindi siya makapaglapit sa kanya tapos ngayon no choice ako kung hindi ang pakiharapan siya dahil nasa kanya pala ang kailangan ko. Kung huwag ko na lang kaya kunin, sabihin ko na lang na okay na as pa-thank you ko na lang sa family niya, hmmm kaso sayang din naman. Hindi naman siguro ako mamatay kung makaharap at makausap ko siya saglit kaya kahit ayaw ko ay sige na nga. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago ako pumasok sa loob ng office niya. "Good morning po Mayor." Sabi ko pagkapasok. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya na para bang nanghahamak. Pasalamat nga siya at nagbigay galang ako sa kanya kahit ang totoo ay napipilitan lamang ako. "Hmmm, nandito ako para kunin 'yung cheque." Sinabi ko na agad ang kailangan ko at para makaalis na agad ako dito. Nawala ang ngiti sa mga labi niya at tinitigan ako ng masama, at hindi ko maintindihan kung bakit dahil wala naman masama sa sinabi ko. "Closed the door, and come here, let's talk first." Seryosong sabi niya habang hindi inaalis ang paninitig sa akin. Diyos ko naman, ano naman kaya ang pag-uusapan namin at para matapos na agad ay sinunod ko na lamang ang utos ni Mayor, tumalikod ako saglit sa kanya para isarado ang pinto ng opisina niya at pagkatapos ay lumapit ako sa kanya at tahimik na umupo sa isa sa mga upuang nasa harap ng table niya. "Bakit umalis ka agad kahapon at hindi ka pa nagpaalam?" Seryosong sabi niya. Nagulat naman ako sa itinanong niya, at isa pa hindi naman ako nagpabaya sa trabaho para sabihin niya 'yon dahil tapos na ang event ng umalis ako. Nagsisimula na ngang maglinis ng buong lugar eh kaya pano naman ako makakapagpaalam pero wait bakit kailangan ko magpaalam eh hindi naman siya ang kumuha sa akin ang mommy niya. Mukhang may sanib na naman ata ang lalaking ito, na-miss ata ako'ng pag-tripan. Gusto ko sana siyang sagutin kaso naisip ko huwag na lang at baka humaba pa ang usapan namin, sasagutin ko siya, sasagutin niya ako, imbes na makaalis ako agad ay baka magtagal lang ako dito lalo at ang pinaka-worst scenario na pwedeng mangyari ay baka hindi pa niya ko bayaran kaya ang ending yumuko na lang ako ng bahagya at nanahimik. "So, tulad ng dati hindi mo pa rin ako papansinin at mananahimik ka lang." Sabi pa niya. Oo, tulad ng dati dahil 'yon ang turo sa akin ni nanay, at isa pa isa din 'yung way para tumigil at manahimik siya sa pangbu-bully niya sa akin. "Kung sabagay alam ko naman na hindi na mauulit pa 'yung maling ginawa mo so here's the cheque at ang list ng schedule ko this month, huwag ka ng manguna sa pagpunta sa venue at ipapasundo na lang kita sa bahay mo pati pag-uwi ay ipapahatid na lang kita. Delikado ang panahon ngayon, lalo pa at mamahalin 'yung camera na dala mo, and para na din makasiguro na din na hindi mawawala o mapapasakamay ng iba ang mga importanteng pictures na kinuha mo." Sabi niya habang inaabot sa akin ang tseke at isang bond paper kung saan nakasulat ang list ng schedule niya. Maling ginawa talaga? Talagang ang taas ng tingin niya sa sarili niya ano, porket ba siya ang Mayor ng bayan na ito ay lagi siya ang tama. Napakayabang talaga pero teka lang ano naman 'yung sinasabi niyang schedule at gusto niya pa na hatid sundo ako tuwing may event kaming pupuntahan. Naguguluhan man ay tinanggap ko ang iniaabot niya at hindi naman ako tanga para hindi ma-gets ang sinabi niya at this time ay hindi na ko pwedeng manahimik dahil wala naman sa usapan na magiging permanent photographer niya ko at kailangan ko na siyang kausapin. "Teka lang ang usapan namin ng mommy mo ay reliever lang ako dahil may emergency lang 'yung photographer mo." Nalilitong sabi ko. "Well not anymore, from now on ikaw na ang official photographer sa mga political events and projects na gagawin ko, at 'yun lang, pakisara na lang ang pinto pagkalabas mo." Sabi pa niya at biglang naging busy na siya sa pagtingin sa mga papeles na nasa ibabaw ng desk niya na para bang wala na ko sa harapan niya. Aba magaling, kung kailan naman nasa mood na ko na kausapin siya ay bigla naman niya ko papaalisin. Wala ako'ng natandaan na nag-aplay ako sa kanya para bigla bigla siyang magdesisyon na ako na ang magiging official photographer niya at hindi ako makakapayag sa gusto ng arogante, mayabang at walang modo na lalaking 'to kaya ang ginawa ko ay itinago ko ang tseke sa loob ng bag ko at pagkatapos ay tumayo ako sa harapan niya. "Well, I'm sorry Mr. Mayor Drake Jordan Delgado wala ako'ng natatandaan na pumayag ako na maging employee mo, at kung ito ang way mo para alukin ako ng trabaho ang masasabi ko lang po tumatanggi po ako, hindi ko po matatanggap so 'yun lang thank you and goodbye." Sabi ko sabay ipinatong ko sa ibabaw ng lamesa niya ang papel kung saan nakalagay ang list ng schedule niya at pagkatapos ay tumalikod na ko at ready na umalis sa opisina niya pero napatigil ako sa paglakad ng dahil sa sinabi niya. "So wala ka talagang utang na loob." Nagpantig ang dalawang tenga ko. Nilingon ko siya at kita ko ang pagngisi niya na siyang dahilan para lalong kumulo ang dugo ko kaya halos padabog ako'ng lumapit sa kanya. "Bakit ba panay ang sumbat mo ha, eh hindi naman ikaw ang tumulong sa akin kung hindi ang mga magulang mo, at ang kapal ng mukha mo mag-assume na magtra-trabaho ako sa'yo, kahit siguro maghirap at wala na kong makain ay hinding hindi ako hihingi tulong sa'yo!" Asik ko sa kanya at hindi na ko makatiis. Wala na sumabog na, tapos na ang pananahimik ko at rinding rindi na ko sa panumumbat niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ba lagi niya kong pinag-iinitan, wala naman ako'ng natatandaan na ginawang masama sa kanya para tratuhin niya ko ng ganito. Pero ang walanghiyang lalaki ay tinawanan lang ako. Para bang pinaparamdam niya sa akin na ang baba ng tingin niya sa akin. Hay naku heto na nga ba ang sinasabi ko dapat hindi ko na lang siya pinatulan, heto ang napala ko, uminit lang ang ulo ko at nagtagal pa ko dito sa loob ng opisina niya. Kahit naman magalit ako ay wala rin naman ako magagawa kaya nagpasya ako na talikuran na lamang siya para umuwi na pero tang-ina hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa niya. Hindi natuloy ang paghakbang ko dahil bigla niyang hinawakan ang isang balikat ko at ang isa kamay niya ay mabilis na nahila ang tali sa buhok ko. Walanghiya talaga! Malalaki na kami at may kanya kanya ng propesyon pero ang sama sama pa din ng ugali niya. Nang lumugay ang aking buhok ay agad ko siyang hinarap para subukang bawiin ang itim kong panali pero kagaya ng dati ay inilagay niya ay isinuot niya ito sa kamay niya at inangkin na naman niya. Okay, wala na kung papatulan ko pa siya ay baka lalo lang mainis at hindi naman ako mananalo sa kanya kaya naglakad na ko papunta sa pinto ng opisinang ito para makalabas. Nabuksan ko na ang pinto at ready na sana ako'ng lumabas pero hindi na naman natuloy dahil tinawag niya lang naman ang buong pangalan ko. "Stephanie Marley Molina!" Kahit inis na inis na ko ay nagawa ko pa din siyang lingunin at mukhang hindi pa siya tapos sa pang-aasar sa akin. "Akin na 'to, and see you soon." Sabi niya sabay kindat, at hindi pa nakuntento sa pang-aasar niya dahil itinaas pa niya ang kamay niya kung saan makikita na nakasuot ang itim na panali ng buhok ko na para bang ginawa niyang bracelet. Ah, para siyang bata sa inaasal niya, talagang tinawag pa talaga niya ko para lang sabihin sa'kin 'yun. "Sige sayong sayo na yan panali ng buhok ko tutal bakla ka naman!" Sigaw ko sabay labas at padabog kong sinara ang pinto ng opisina niya. Inayos-ayos ko pa ang buhok kong nakalugay na ngayon gamit ang kamay ko at ng pag-angat ko ng tingin ay... Parang gusto ko ulit pumasok sa loob ng opisina ni Drake dahil lahat lang naman ng tao na nandirito sa labas ay tahimik na nakatingin sa akin. Diyos ko po, nakalimot ako at nakapagsalita ako ng hindi maganda tungkol sa aming Mayor. Ang Mayor na iginagalang ng lahat at bago pa man ako makuyog dito ay tumakbo na ako hanggang sa makalabas na ako ng Munisipyo. Abot-abot naman ang pasasalamat ko sa itaas dahil nakauwi naman ako agad sa bahay at ipinagdasal na lamang na huwag ako'ng balikan ni Drake sa sinabi ko sa kanya. Siya naman kasi eh ang nagsimula, talagang pinikon niya ko ng husto pero sa totoo lang medyo natatakot din ako dahil marami siyang supporter at panigurado kawawa ako kapag kumalat ang alitan naming dalawa. Kinagabihan habang nakahiga ako sa aking kama ay naisip ko na magandang opportunity sana na makapagtrabaho ako kay Drake kaso kung araw-araw naman niya ko aasarin ay baka malugi pa ko at baka 'yung kikitain ko ay ipambili ko lang ng gamot dahil panigurado magkaroon lang ako ng sakit na hypertension gawa ng masamang ugali niya. Kinabukasan after kong magawa ang lahat ng gawaing bahay ko tulad ng paglilinis, paglalaba at pagluluto ng pagkain ko ay pumuwesto na ko ng upo sa sala ko para mag-scroll online at halos mapatayo ako sa kinauupuan ko sa sobrang pagkagulat sa mga nababasa ko. Hindi nga kumalat yung away naming dalawa pero 'yung sinabi kong bakla siya ay trending ngayon sa social media. Parang apoy na mabilis kumalat, hindi lang sa bayan ng San Agustin kung hindi sa buong Pilipinas na ata na ang gwapo, makisig at butihin na si Mayor Drake Jordan Delgado ay hindi isang tunay na lalaki kung hindi may pusong babae, in short binabae, shoki, beki o bading. Tagaktak na ang pawis ko at medyo nanginginig ako sa kaba habang binabasa ko ang mga komento na nababasa ko na sinasabi ng mga tao. Merong mga loyalist na talagang hindi naniniwala pero sa mga nababasa ko ay mukhang mas lamang ang naniniwala na totoo ang balita na bakla si Drake. May isang nag-comment na sinasabi na mula daw nagsilbi si Drake bilang alkalde ng aming bayan ay wala ngang napabalita na nagkaroon siya ng nobya, sabi naman ng iba meron naman daw baka super private lang, tapos may nabasa pa ko na baka palabas lamang iyon para mapagtakpan ang kabaklaan nito. Sa dami ng nabasa ko ay masasabi ko talaga na mas lamang ang naniniwala na isa siyang binabae, karamihan ay mga nanghihinayang dahil nga sobrang gwapo at macho daw ni Mayor Drake, at ang sagot naman ng iba ay ganu'n naman daw ang mga beki ngayon, mga hot at lalaking lalaki ang pormahan pero ang totoo ay mas malandi pa sa isang tunay na babae. Ibinaba ko na ang aking cellphone, at hindi ko na kayang basahin pa sa dami ng mga comments. Talagang trending at sikat na sikat ngayon si Drake sa social media. Hindi ako mapakali at nagpapabalik balik ako ng lakad dito sa may sala ko dahil nagi-guilty ako dahil alam ko na sa akin nagsimula ang hindi totoong balita. Alam ko naman na hindi siya bakla pero hindi nga ba?! Lagi niyang pinagdidiskitahan ang panali ko sa buhok, hindi kaya naiinggit siya dahil hindi siya makapagpahaba ng buhok at kaya siya laging galit sa akin dahil tunay ako'ng babae. Ah, ano ba 'yun kung ano-anong pumapasok sa kukote pero kung totoong bakla man siya o hindi ay alam ko na ako pa rin ang may mali dito dahil ako ang source ng wrong information na kumalat. Bigla naman ako nakaramdam ng pagkatakot pano kung idemanda niya ako, ano'ng gagawin ko?! Ayokong makulong at ang malala ay baka pagbayarin din niya ko ng malaking danyos. Halos hindi ako makatulog kakaisip sa mga pwedeng mangyari pero awa naman ng Diyos ay lumipas na ang dalawang araw ay wala naman paramdam si Drake, so sa tingin ko ay abswelto na ako sa kasalanang nagawa ko sa kanya pero akala ko lang pala 'yun dahil pagsapit ng ikatlong araw ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya. "Hello." "Hello Steph, this is Drake, we need to talk. Pumunta ka sa bahay ngayon din." Ma-awtorisadong sabi niya. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko, hindi agad ako makapagsalita sa mga salitang narinig ko mula sa kanya. "I know you can hear me, naririnig ko ang paghinga mo, at wala kang karapatan tumanggi, may atraso ka sa akin kaya pupunta ka sa ayaw at gusto mo." Aniya sabay nawala ang tawag. Inilayo ko na sa tenga ko ang cellphone, at napatitig ako doon. "Kung makautos kala mo kung sino?" Inis kong sabi habang nakakunot ang aking noo. Pero sa isang sulok ng aking isipan ay sinasabi na... Siya lang naman ang Mayor ng bayan na ito at talagang may kasalanan ka sa kanya, pwedeng kang makulong kung hindi mo susundin ang kagustuhan niya. Nakaramdam ako ng matinding pagkatakot. Simula pa noon ay matindi na ang galit sa akin ni Drake kahit wala pa naman ako'ng ginagawa sa kanya, lalo pa kaya ngayon. Sa sobrang taranta ko ay namalayan ko na lang ang aking sarili na iniimpake ang ilang damit at gamit ko na isinisilid ko sa isang duffel bag, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero heto lang ang tanging paraan na naisip ko. Ang magpakalayo-layo. Masakit man sa puso ko na iiwan ko ang bahay namin pero kailangan ko itong gawin at ayokong makulong. Kalalabas ko lang ng aking kwarto bitbit ko ang aking bag at ready na ko lumabas pero nauna ng bumukas ang pinto ng bahay ko. Halos masira na ito sa lakas ng pagkakabukas na tila ba may sumipa ng malakas kahit hindi naman naka-lock iyon, buti na lang ay hindi pa ko nakakalapit sa may pinto dahil panigurado bukol ang abot ko. Pumasok ang lalaking tatakasan ko sana at hindi siya nag-iisa, kasama niya ang kanyang mga bodyguard na para bang ready na kong dakpin para dalhin sa presinto. Hindi naman ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko dahil ano pa bang sasabihin ko?! Hindi pa man ako nakakalabas ng bahay ko ay nahuli na agad ako. Seryoso siyang naglakad palapit sa akin habang ako naman ay hindi pa rin makagalaw dito sa kinatatayuan ko at abot-abot ang kaba sa dibdib ko hanggang nakalapit na siya sa akin. Nakatayo na sa harapan ko si Mayor Drake Jordan Delgado at tinitigan niyang maigi ang mukha ko bago siya nagsalita. "Tamang tama pala ang dating ko, nakapag-impake ka na pala. Tara na may love, Iuuwi na kita!" Nakangising sabi niya. Parang medyo nabawasan naman ang kaba sa dibdib ko ng marinig ko ang sinabi niya na wala naman pala siyang balak ipakulong ako pero halos manlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto ang sinabi niya. Tama ba ang pagkakadinig ko tinawag niya kong my love tapos iuuwi pa daw niya ko sa kanila?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook