Stephanie Marley Molina's POV Naalimpungatan ako ng maramdam ko na may humahaplos sa buhok ko pero hindi ako gumalaw, at nagkunwaring tulog pa. "Alis na ko, my labs. Sleep well." Bulong niya sa tapat ng tenga ko sabay naramdaman ko na hinalikan niya ko sa aking buhok, at naramdaman ko na parang umalis na siya sa kama. Hindi pa rin ako gumalaw at nagkunwaring tulog pa din hanggang sa marinig ko ang mahinang pagbukas at pagsara ng pinto. Dahan-dahan kong inikot ang katawan ko mula sa pagkakadapa para mapatihaya ng higa, at nagkunwaring tulog pa din, ewan baka kasi hindi pa siya nakakaalis kaya kailangan ko muna magsiguro, at nang wala na kong naririnig na anumang ingay ay idinilat ko na ang aking mga mata, at pasimpleng nilibot ang aking paningin sa buong kwarto. So, ako na lang talag

