Drake Jordan Delgado's POV Sinalubong naman kami ng kaibigan kong si Chief Marquez at simula na ng aming munting palabas. Ang totoo kasi ay kasalukuyang walang nakakulong sa selda ng mga babae ngayon sa presinto at ang mga naroon ngayon ay mga pulis din. Kwento pa sa'kin ni Chief Marquez ay may background experience daw ang mga iyon sa acting dahil ng minsan ginamit ang bayan namin na shooting sa isang pelikula noon ay nag-extra ang mga Police Officer na iyon bilang pulis din pero ngayon naman iba ang magiging role nila dahil they gonna act as prisoner. Sana ay huwag mahalata ni Stephanie na palabas lang ang lahat ng ito, at mabubulilyaso ang plano ko. Nandito na ako ngayon sa loob ng opisina ni Chief Marquez at pareho kaming nakatingin sa malaking screen ng TV na nakasabit sa wall, a

