Stephanie Marley Molina's POV May saltik ata ang lalaking 'to! Ano'ng gagawin ko? Teka subukan ko ulit maki-usap, samantalahin ko ang pagkakataon kahit sobrang gulong-gulo na ang utak ko sa mga ipinapakitang kilos ni Drake sa akin. Kanina galit siya, tapos ngayon naman ay pangiti-ngiti siya sa akin, at since good mood siya ngayon ay susubukan ko ulit na makiusap sa kanya. "Huwag mo ng pansinin 'yung sinabi ko hindi na mahalaga 'yon! Please naman Drake sorry na kasi, patawarin mo na ko. Gusto ko ng umuwi sa bahay." Mangiyak-ngiyak kong sabi habang magkalapat ang magkabila kong palad at seryosong nakatingin sa kanya na tila ba dinadasalan ko siya. Pero sa totoo lang panay talaga ang dasal ko na maawa siya sa akin. Umiling-iling naman siya, at bigla na naman naging masungit ang kanyang

