Stephanie Marley Molina's POV Napaka sinungaling at walang modo talaga ng lalaking 'to, ang akala ko ba ay hindi niya ko pipilitin pero ano 'tong ginagawa niya, sinisibasib na naman niya ng halik ang aking labi at hindi ko naman maiwasan na... "Ahhh ang sarap!" sigaw ng aking isipan pero teka hindi pwede 'to! Kamuntikan na naman ako'ng madala sa mga halik niya at habang nasa tamang pag-iisip pa ako ay tinulak ko siya para maghiwalay ang aming labi at agad ako'ng nagsalita. "Oo na, oo na pumapayag na ko sa gusto mo, humiga ka na at gigisingin na kita ulit kunwari!" Mabilis kong sabi dahil mas okay na siguro na sundin ko ang gusto niya. Bakit ba kasi kumontra kontra pa ko eh alam ko naman bandang huli siya pa rin ang mananalo sa aming dalawa. Tinitigan niya ang mukha ko, at hinawakan an

