Drake Jordan Delgado's POV Halos sabay kaming napatingin kay Stephanie dahil ang lakas ng pagtawag niya kay mommy. Ano'ng problema ng babaeng 'to?! Nagulat tuloy si mommy at nakakayamot pa ay inisip na niya agad na may ginawa ako'ng masama sa may labs ko, well... Tinitigan ko siya ng maigi sa mga mata niya and I'm giving her a fùcking warning. Subukan lang talaga niya magsumbong kay mommy pero naisip ko bakit ba ko nag-aalala eh narinig naman niya siguro na matindi ang galit ni mommy sa taong nagpasimuno ng tsismis laban sa akin kaya sa kanya din babalik ang lahat kung sakaling magsumbong siya. Pero si mommy mabilis din ang mata at napansin niya pala ang paninitig ko ng masama kay Steph na itinanggi ko agad at hinimok ko pa ang my labs ko na magsalita na pero siguraduhin niya lang na

