3. By Hook Or By Crook

1210 Words
Drake Jordan Delgado's POV Nabigo ako nung alukin ko si Stephanie magtrabaho sa akin nung last na usap namin kaya dapat planuhin kong maigi ang aking susunod na hakbang para hindi siya makatanggi sa akin this time. Nasa loob ako ng backseat ng sasakyan pauwi ng bahay. Hawak ko ang aking bagong cellphone at nagbukas ako ng social media, and fùck! Agad ko din sinara ang app, at medyo nakalimot ako sa part na trending nga pala ako online. "Sige sayong sayo na yan panali ng buhok ko tutal bakla ka naman!" Napangisi ako ng maalala ko ang sinabi niya, pasalamat lang siya dahil paalis na siya ng sinabihan niya ko ng ganu'n dahil kung hindi ay baka hindi na siya tuluyan nakauwi sa bahay niya dahil papatunayan ko sa kanya kung gaano 'to katigas. Kung hindi niya sinabi 'yon ay hindi magkaka-ideya si Layla na gawan ako ng issue but on the brighter side nalaman ko naman ang ang tungkol sa tunay na pagkatao ng baliw na babae, at since sa kanya naman talaga nanggaling ang salita na ipinakalat ni Layla online ay oras na para singilin ko siya sa kalasalan niyang nagawa sa akin. Kadadating ko lang sa bahay ng makita ko si mommy, at agad ako'ng sinalubong. Fùck! Sa itsura pa lang ng kanyang face ay mukhang alam ko na kung bakit siya nandito. "Good evening, mommy." Aniko sabay kuha ko sa isang kamay niya para magmano. "Drake, tumawag sa akin si Layla, panay ang iyak. Ano 'yung sinasabi niya na ayaw mo na daw siya papuntahin sa opisina mo, totoo ba?" And here we go, nakapagsumbong na pala sa kanya ang baliw na babae. "Sinabi ba niya ang dahilan kung bakit?" "Oo, ano 'yung sinasabi niya na may iba ka daw babae, na ipinagpalit mo daw siya sa iba? Drake naman hindi pa nga tapos 'yung issue tungkol sa'yo dadagdagan mo na naman, Diyos ko napapadasal na lang ako ng tungkol sa mga nababasa ko sa'yo!" At nag-sign of the cross pa si mommy na para bang kinakalibutan siya. Panigurado nakita niya 'yung mga pekeng pictures at videos na ginawa about sa akin. "Mommy ano'ng bang sabi ko sa'yo lumubay ka muna sa social media, wala lang 'yun lilipas din yun balita tungkol sa akin kapag may bagong issue na lumabas, at tsaka ano'ng sinasabi sa'yo ni Layla, hindi ko nga siya girlfriend para magsalita or magreklamo siya na may iba ako'ng babae." Paliwanag ko. "Wait, hindi mo ba siya girlfriend? Ang buong akala ko ay," bakas ang pagkalito sa mukha ni mommy habang nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Fùck! Aaminin ko may kasalanan din ako na bakit ko ba kasi hinayaan na dumikit ng dumikit sa akin si Layla, hayan tuloy ang alam ng karamihan ay may something sa aming dalawa. "Pero sino ang sinasabi niyang ibang babae na ipinalit mo daw sa kanya?" Pag-uusisa pa ni mommy. "Hindi siya ibang babae, she's my girlfriend." Wala sa sarili kong nasabi, at narindi ako sa pagsasabi niya ng ibang babae na ipinalit eh sinabi ko na ngang hindi ko naman naging nobya si Layla Deluca. "Ano? At sino naman ang ibang naging girlfriend mo bukod kay Layla? Hayan na naman 'yung salitang ibang babae, hindi nga siya ibang babae eh, and again hindi ko nga naging girlfriend si Layla. Ang kulit din nito ni mommy! Okay, maybe this is the time na sabihin ko sa kanya ang tungkol sa kunwaring lihim na relasyon namin ni Stephanie, I know she likes the girl, at para hindi na rin siya mabigla kung iuwi ko dito 'yung may loves ko. "Mommy, patawarin mo ko pero I'm having a secret relationship with someone special, at sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, sa lahat ng eskandalo kinakaharap ko ay napag-isip isip ko na hindi ko na siya kayang itago pa ang lahat." Maramdamin kong sabi. Napatakip naman ng bibig si mommy ng marinig niya ang kunwaring lihim ko. Mas inilapit ni mommy ang kanyang sarili sa akin, at hinimas niya ang isang balikat ko. "Ano bang sinasabi mo Drake, hindi ko naiintindihan, hindi ka na bata para magkaroon ng secret relationship unless kung may sabit ang karelasyon mo kaya hindi pwedeng ipagsabi kahit kanino. Nagugulahan ako, sino ba siya?" Mommy talaga, nakagawa na agad ng conclusion. May sabit agad ang nasa isip niya, hindi ba pweding keeping it private lang kaya walang ibang nakaalam. "You know her, and sobrang nahihiya siya inyong dalawa ni daddy kaya nakiusap siya na ilihim na muna ang relasyon naming dalawa, but since tinatanong mo na kung sino siya ay kailangan ko ng sabihin sa'yo." Nanlaki ang mga mata ni mommy, at parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. "At bakit naman siya mahihiya sa amin ng daddy mo? Drake Jordan Delgado, huwag mo ko pinagloloko ah! Is this one of your stupid prank? You better tell me now kung sino ang babaeng 'yan kung ayaw mong matamaan sa akin!" Gigil na sabi ni mommy sabay palo niya sa braso ko. "Ouch!" Napadaing ako sa bigat ng kamay ni mommy. Nagbanta pa eh, sinaktan na ko agad. "Ano magsalita ka? Sino? Sino?" Halos pasigaw ni mommy, at namumula na ang kanyang mukha. Ang sakit sa tenga, sasabihin ko naman talaga kung sino, hindi makaantay. "Si Steph," Aniko habang hinihimas ko ang braso ko na pinalo niya. Natigilan naman si mommy, at tinignan ako ng seryoso. "Stephanie Marley Molina, 'yung anak ng namatay na sekretarya ng daddy mo?" Pagkumpira niya. "Yes." Sambit ko. Saglit natigilan si mommy pero nagulat ako ng muli niya ko pinaghahampas. "Nakakahiya ka, ano'ng ginawa mo sa anak ni Sarah, ang bait bait na bata ni Stephanie tapos itatago at ikakahiya mo lang habang kasama mo si Layla. Hindi ganyan ang pagpapalaki namin sa'yo ng daddy mo." At walang tigil niya kong pinagpapalo. Si mommy tumatanda na talaga, hindi ba niya naintindihan ang unang sinabi ko, wala nga kaming relasyon ni Layla, at dahil matanda na ay hinayaan ko na lang siya hanggang mapagod. "I'm sorry ma, pero uulitin ko wala talaga kaming relasyon ni Layla, siya ang punta ng punta sa tanggapan ko, hindi mo ba napapansin ang tungkol sa bagay na iyon. At dapat lang na hindi na niya ko puntahan dahil isasapubliko na namin ni Stephanie ang relasyon namin dahil magpapakasal na kami." Napaawang naman ng labi si mommy sa narinig na sinabi ko, at hindi makasalita. "I know nabigla ka pero kilala mo naman si Stephanie 'di ba? Siya ang gusto ko pakasalanan, and I need your support about this!" Seryoso kong sabi sa kanya. "Drake, anak, ano bang sinasabi mo? Of course susuportahan kita, nagagalit lang ako dahil bakit hindi mo ipinaalam sa akin ang tungkol sa bagay na 'to. Alam mo mula noon kung gaano kalapit ang loob ko kay Steph, lalo na sa namayapa niyang ina. Now you better call her and tell her na alam na namin kaya hindi na dapat siya mahiya pa." Sabay tapik sa balikat ko. Napangiti naman ako sa sinabi niya, at mukhang nakalimutan na niya ang tungkol sa reklamo ni Layla. Yeah, that's what I'm going to do. I'm going to call her. By hook or by crook ay iuuwi ko si Stephanie ngayong gabi dito sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD