Stephanie Marley Molina's POV Sobrang lapit na naman ng mukha niya sa mukha ko. Kitang kita ng mga mata ko ang gwapo niyang mukha habang seryosong nakatingin ang mga mata niya sa labi ko. Sobrang bilis ng tib0k ng puso ko lalo pa at unti-unti na niyang nilalapit ang labi niya sa may labi ko. Hindi naman ako gumalaw at pinanood ko lamang siya at sa kanyang paglapit ay unti-unti ko ng ipinipikit ang aking mga mata ng bigla bigla naman tumunog ang bagong cellphone ko. As in sobrang lakas kaya hindi natuloy ang pagpikit ng mga mata ko, at natigilan din si Drake sa kanyang balak dahil sabay kaming napatingin sa cellphone ko. Makikita sa screen ng bago kong cellphone na sunod-sunod na nagsisidatingan ang mga messages na sobrang dami at puro pangalan ni Eloisa ang nababasa ko sa notification

