Drake Jordan Delgado's POV Sa wakas ay nakauwi na din kami, at bukod pa du'n ay talagang nanahimik na si Stephanie. Tumupad naman siya sa usapan na hindi na siya magrereklamo 'yun nga lang parang nakakapanibago. Nakakabingi ang katahimikan niya kung hindi ko pa siya tatanungin ay hindi siya magsasalita. Hindi ko alam pero parang may kutob ako na may binabalak siya oh baka naman sadyang sumuko na siya at tinanggap na lamang niya ang kapalaran niya na ako ang magiging asawa niya. Alam kong natakot ko siya ng husto kanina sa presinto pero 'yon lang ang naisip kong paraan para hindi na siya umangal pa sa kagustuhan ko. Nakakainsulto lang talaga kasi ang ginagawa niyang pagtanggi sa akin gayong madaming babae ang nagkakandarapa na makasama ako na hindi ko pinapatos lalo pa't may pangalan

