Stephanie Marley Molina's POV Sa wakas napaliwanagan na si Eloisa at hindi na siya nagtanong pa kung pano kami nagkaroon ng relasyon ni Drake, at kung makapag-usap na nga siya sa lalaki ay parang hindi niya pinagdudahan ang intensyon nito sa akin, mukhang dikit na nga sila agad, at inihatid pa namin siya sa bahay niya pag-uwi, Nakatayo kami ngayon sa labas ng bahay niya, inanyayahan niya pa kaming pumasok pero inunanahan ko na si Drake sa pagsagot at baka magtagal pa kami. "Ah, pwedeng next time na lang, gabi na din kasi. Kailangan gumising ng maaga ni Drake bukas, alam mo na to serve the people." Para ako'ng tanga na nag-joke pa kasabay ng pagkumpas ng aking kamay. "Oo nga medyo late na pala, sorry talaga sa abala Mayor ah, pero one request na lang pwedeng pa-picture. Steph, kuhanan

