Stephanie Marley Molina's POV
Nagpalakad lakad pa ko dito sa may sala ko at iniisip kung ano ba ang gagawin ko?
Susundin ko ba ang utos niya? Pupuntahan ko ba siya? At kung sakaling pupunta ako, ano naman ang pwedeng mangyari sa akin?
Sa pagkakakilala ko sa pagkatao ni Drake ay hindi siya papayag na hindi makaganti kaya hindi na ko magugulat kung ipapakulong niya ko.
Naglakad ako patungong kwarto at binuksan ko ang kahoy kong cabinet at kinuha sa may taas ang malaking bag, at namalayan ko na lang ang aking sarili na iniimpake ang ilang damit at gamit ko na isinisilid ko sa duffel bag na kinuha ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero heto lang ang tanging paraan na naisip ko.
Ang magpakalayo-layo.
Masakit man sa puso ko na iiwan ko ang bahay namin pero kailangan ko itong gawin at ayokong makulong.
Ano ba kasing kamalasan ang nangyari sa buhay ko, dapat kasi talaga ay hindi ko na lamang pinatulan ang pangbu-bully sa akin ni Drake katulad ng laging bilin sa akin ni nanay noon. Kung noon nga ay hindi ako manalo sa kanya ngayon pa kaya na siya na ang Mayor ng aming bayan.
Kalalabas ko lang ng aking kwarto bitbit ko ang aking bag at ready na ko lumabas pero nauna ng bumukas ang pinto ng bahay ko.
Halos masira na ito sa lakas ng pagkakabukas na tila ba may sumipa ng malakas kahit hindi naman naka-lock iyon, buti na lang ay hindi pa ko nakakalapit sa may pinto dahil panigurado bukol ang abot ko.
Pumasok ang lalaking tatakasan ko sana at hindi siya nag-iisa, kasama niya ang kanyang mga bodyguard na para bang ready na kong dakpin para dalhin sa presinto.
Hindi naman ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko dahil ano pa bang sasabihin ko?!
Hindi pa man ako nakakalabas ng bahay ko ay nahuli na agad ako.
Seryoso siyang naglakad palapit sa akin habang ako naman ay hindi pa rin makagalaw dito sa kinatatayuan ko at abot-abot ang kaba sa dibdib ko hanggang nakalapit na siya sa akin.
Nakatayo na sa harapan ko si Mayor Drake Jordan Delgado at tinitigan niyang maigi ang mukha ko bago siya nagsalita.
"Tamang tama pala ang dating ko, nakapag-impake ka na pala. Tara na may love, Iuuwi na kita!" Nakangising sabi niya.
Parang medyo nabawasan naman ang kaba sa dibdib ko ng marinig ko ang sinabi niya na wala naman pala siyang balak ipakulong ako pero halos manlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto ang sinabi niya.
Tama ba ang pagkakadinig ko tinawag niya kong my love tapos iuuwi pa daw niya ko sa kanila?!
Kinuha niya ang bag na nasa kamay ko sabay hawak sa akin, at hinila na niya ko.
"Teka, teka bakit mo ko iuuwi?" Nalilitong sabi ko habang pilit kong tinatanggal ang malaki at malakas niyang kamay na nakahawak sa akin pero parang bingi si Drake dahil hindi niya sinagot ang tanong ko.
Halos makaladkad na nga ako sa laki ng mga hakbang niya hanggang sa makalabas na kami ng bahay, at nang nasa tapat na kami ng sasakyan niya ay binitawan na niya ang kamay ko. Binuksan niya ang pinto ng SUV at pinapauna niya ko na sumakay sa loob pero ayokong sumakay baka pwede pa namin pag-usapan nito.
"Drake, pwede ba mag-usap muna tay-"
"Sasakay ka o ipapakulong kita!" Mahina pero madiin niyang sabi habang ang kanyang mga mata ay tila nanlilisik na nakatingin sa akin.
Ano pa bang tamang choice sa sinabi niya, siyempre ayokong makulong kaya agad na kong pumasok sa loob ng sasakyan, at sumunod naman siya sa akin ng tabi, umusog naman ako sa may bandang dulong bahagi pero umusog din siya kaya ang nangyari ay magkadikit na magkadikit kami ng tabi habang ako ang nasa dulo tapos siya ay nasa may gitna na. Ang lawak ng space sa kabilang gilid niya at wala naman na ibang umupo, dalawa lang kami dito sa may likod pero talagang siniksik niya ako.
Nakakaubos talaga ang pasensiya ang lalaking 'to! Gusto ko sana magreklamo kaso baka hindi na niya ko bigyan ng choice sa susunod at basta na lamang niya ko ipakulong.
Ngayong magkatabi kami ng husto ay hindi ko naman maiwasan na malanghap ang amoy niya. Ang bango pala niya, lalaking lalaki ang amoy na parang nakaaakit pero teka ano bang nangyayari sa akin? Talagang bang pinuri ko pa ang amoy niya sa aking isipan gayong balak niya kong ipakulong.
Medyo nagulat naman ako ng bigla niya ulit kinuha ang isang kamay ko, at pinagsaklob niya ang aming mga kamay.
Ano na namang trip 'to?! Sa tingin niya ba makakatakas pa ko gayong siksik na siksik na nga ako dito.
Nilingon ko siya para tignan. Seryoso at diretcho lang siyang nakatingin sa may daan dahil kasalukuyan ng naandar ang sasakyan.
Ibinalik ko naman ang aking atensyon sa mga kamay namin magkasaklob, dahil pakiramdam ko ay mas lalo niya hinigpitan ang pagkakahawak.
Ang laki ng palad niya bukod pa du'n ay ang init, sinubukan kong alisin ang kamay ko ng tahimik pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak pero ang itsura niya ay ganu'n pa din. Tahimik at seryoso pa din nakatingin sa daan.
Tang-ina sarap sapakin sa mukha eh, kaso baka madagdagan pa ang kaso ko kung sakali kaya I give up, hinayaan ko na lamang hawakan niya ang kamay ko hanggang sa nakita ko na ang malaking gate ng bahay nila.
Grabe ang tagal kong hindi nagpunta dito, ang huling punta ko ay 'yung sinabihan niya ko ng malandi.
Nakapasok na ang sasakyan sa loob, at napansin ko ang dami na palang nagbago at bukod pa du'n ay dalawang malaking bahay na pala ang nakatayo, dati kasi isa lang.
"Bahay ko 'yung isa, at doon tayo pupunta."
Napalingon naman ako sa kanya, at nakatingin na pala siya sa akin, at kinuha ko na ang pagkakataon para makausap siya.
"Drake, I mean Mayor Drake tungkol sa hindi magandang nasabi ko sa'yo nung nakaraang araw ay humihingi ako ng sorry, patawarin mo na ko, please!" Hingi ko ng tawad sa kaniya at heto lang ang tanging naisip ko na paraan at baka sakaling maawa siya sa akin.
Magpapakumbaba na lang ako dahil alam ko naman na wala ako'ng laban sa kanya.
At kagaya ng ginawa niya kanina ay para siyang bingi at hindi ako pinansin, binitawan na niya ang kamay ko at binuksan na niya ang pinto sa may gilid niya at nauna na siya bumaba pero hindi siya umalis sa pinto ng sasakyan hangga't hindi ako sumusunod sa kanya.
May choice ba ko? Kaya kahit ayoko ay bumaba na din ako kahit hindi ko alam kung bakit ba niya ko dinala dito, sabi niya kanina ng tinawagan niya ko kailangan namin mag-usap, eh dalawang beses ko ng sinubukan na kausapin siya hindi naman niya ko pinapansin.
Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong nakita si Mrs. Delgado na palapit sa aming dalawa.
Diyos ko po, alam ka niya 'yung sinabi ko sa anak niya, sobrang nakakahiya. Ang laki ng utang na loob namin ni nanay sa kanya.
Naku baka kaya ako dinala dito ni Drake dahil isinumbong niya ko sa mommy niya. Mabait si Mrs. Delgado kung sa mabait pero ang alam ko palaban din ito, at masama magalit.
Habang palapit siya ng palapit sa amin ay palakas ng palakas ang aking kaba lalo pa at seryoso ang kanyang mukha.
Ano ka ba naman Steph, alangan naman ngitian ka niya eh pinagsalitaan mo ng hindi maganda ang anak niya.
Nang makalapit siya ay agad na nagmano si Drake, at ng matapos ay inilahad naman ni Mrs. Delgado ang kamay niya sa tapat ko at tinignan ko lamang iyon.
"Mag-bless ka!" Bulong naman sa akin ni Drake, at parang nagising ako ng wala sa oras.
"Naku sorry po." Sabi ko sabay kuha sa kamay ni Mrs. Delgado at agad ako'ng nagmano.
Nagulat naman ako ng bigla niya kong niyakap.
"Okay lang Steph, kinakabahan ka siguro. Ako na ang humingi ng despensa sa ginawa ng anak ko, at gusto kong malaman mo na hindi mo kailangan mahiya sa amin lalo pa ngayon ay nagpaplano na kayo."
Napakunot naman ang aking noo, at hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya, bakit inihingi niya ng despensa ang anak niya gayong ako ang may atraso, at tsaka ano 'yung sinasabi niyang plano namin.
Binitawan na niya ako, at nginitian ako, at wala naman ako'ng nagawa kung hindi ang ngumiti din kahit hindi ko naiintidihan kung ano ba talagang nangyayari.
"Oh siya sige madilim na, Drake ipasok mo na siya sa loob ng bahay basta bukas Steph maaga tayong aalis ah, may pupuntahan tayo."
At saan naman kami pupunta? Litong lito na ko sa mga oras na 'to!
"Sige po ma," sagot naman sa kanya ng kanyang anak at muli na naman niyang hinawakan ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad.
Ang mommy niya ay nagpaalam na sa amin at nagtungo na doon sa talagang bahay nila na lagi namin pinupuntahan ni nanay at kami naman ni Drake ay pumasok sa bagong bahay, so nagpagawa pala siya ng solo niya pero isang compound lang.
Medyo mas modern ang disenyo nitong bagong bahay kumpara sa kabila.
Hawak pa din niya ang aking kamay at nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa may inakyatan kaming hagdan at nakarating na kami sa may second floor at dinala niya ko sa isang kwarto, tsaka lang niya binitawan ang kamay ko nung nasa loob na kami.
Siguro naman oras na para mag-usap kami at ang dami ko ng tanong sa isip ko.
"Drake sobrang naguguluhan ako sa mga nangyayari? Ano'ng sinasabi ng mommy na nagpa-plano tayo at tsaka bakit mo ba ko dinala dito?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang sinusundan ng mga mata ko ang kilos niya.
Naglakad kasi siya pabalik sa may pinto, at isinara niya iyon.
Wait, bakit niya sinarado eh dalawa lang kami dito, napalingon naman ako sa kama na nasa aking likuran, at bigla na naman bumilis ang tìbok ng aking puso sa kung ano'ng makamundong pumasok sa isipan ko sa posiblemg mangyari sa aming dalawa ngayong gabi.
Ibinalik ko naman ang paningin ko sa kanya at napapitlag ako dahil nasa harapan ko na pala siya bigla, at hindi lang 'yon sobrang lapit pa ng mukha niya sa mukha ko, at hindi ko magawang umatras dahil kama na ang nasa likuran ko.
Bakit ba kasi hindi ako lumipat ng pwesto?
"I will prove to you that you are wrong about what you said about me, and be ready, cause you're gonna be my fùcking bride!" Mariin niyang sabi sabay hapit sa bewang ko.
Sa bilis ng pangyayari ay hindi na ko nakagalaw pa dahil tuluyan na niyang nailapat ang labi niya sa labi ko na kay init damhin, at mapusok niya kong hinalikan.