Natigilan sa pag pasok si Diego ng makita ang magulong gamit sa bahay nila sa makati ng sumunod muna s'ya pauwi ng sabihin ni Dennis na umuwi daw muna ang mga ito sa mansion nila sa makati na pag-aari ng parents n'ya na bihira naman uwian ng mga ito. Inintay muna n'yang mag stable ulit ang tiyan ni Klary bago s'ya nag paalam na uuwi muna. Naiwan sa hospital ang parents ni Klary na hindi nag kikibuan. Hindi pa umaamin ang ama ni Klary sa asawa nito kaya nag-aalala s'ya sa magiging outcome kapag lumabas ang matagal ng lihim ng parents nila. Natatakot s'ya na baka maging apektado sila ni Klary sa posibleng mangyari kapag lumabas ang katotohanan. "Dennis." kinabahan s'ya ng makitang umiiyak ito ng lingunin s'ya. "May alam ka ba sa totoo? tanong pa nito. Hindi s'ya makasagot na tatakot s'yang

