Halos 'di mapakali si Diego sa labas ng emergency room hindi s'ya pinayagan pumasok sa loob pero si Arrow ang pumasok sa loob at nag pakilalang Doctor. Ilang minuto pa bago muling lumabas si Arrow. "How's my wife." "Kinailangan namin s'yang i sedate dahil ayaw n'yang mag pahawak sa mga doctor at nurse sa ER malalagay sa peligro ang baby n'yo kung di namin ginawa iyon." "How's our baby?" "The baby is fine pero dahil sa severe contraction medyo bumaba ang baby at hindi magiging maganda kung mag tutuloy tuloy." "My God." nasapo ni Diego ang ulo. "We can't lose your Baby Diego. Kapag nawala ang bata malaki ang posibilidad na hindi kayanin ni Klary." Napapikit si Diego kasabay ng mura. "Kailangan bumalik si Klary or kahit si Klay sila na lang ang pag-asa para maging safe ang bata." "Ano

