CHAPTER 3
Rolled eyes
Who would have thought that I will be given the hope to get Ranzell as my trainer?
I really didn’t expect this! Plano ko pa lang sanang mag-isip ng paraan. Pero mukhang pumabor sa ‘kin ang panahon at binigyan kaagad ako ng sagot.
I carefully walked away from Ranzell and his girl. Carefully yet immediately. Grabe pa ang pagkabog ng dibdib ko sa takot na baka makita ako ng isa sa kanila. Fortunately, they seemed carried away with lust. Naging advantage ko ‘yon para makaalis nang hindi nila napapansin.
Nang nakalayo na ay muli kong nilingon ang kaninang pinanggalingan ko at tiningnan kung may nakasunod ba, mabuti at mukhang hindi nila ako napansin.
After that, I called Fred, Daddy’s katiwala, right away. I was sweating bullets because of nervousness until now. Panay pa rin ang sulyap ko sa pinanggalingan.
Gusto kong magsisigaw sa tuwa dahil sa nakuhanan. For sure, magagamit ko talaga ‘to kahit pang-blackmail sa Ranzell na ‘yon.
“Ma’am?” As soon as Fred answered, I instantly told him what I wanted him to do.
“I will send a video. Make a hard copy of it. As many as possible.” Hindi ko na hinayaan pang makasagot ang nasa kabilang linya at pinatay ko na ito.
I smirked like an i***t. My heart was still racing so fast.
This is just a part of my plans. Naisip kong subukan muna siya sa mabait na galawan gaya na lang ng pagbibigay sa kanya ng gifts. Kapag hindi siya pumayag, do’n ko na ipaaalam ang nakuha kong baho niya.
I called Fred again and told him to buy some gifts for a guy and put it in Ranzell’s locker. Alam kong magagawan niya naman ng paraan ‘yon. Kailangan niyang gawan ng paraan kun ‘di, magsusumbong ako kay Daddy.
After that, I needed to attend my next class. Nagmamadali pa nga akong tumungo sa room para maikuwento kay Fely ang nakuha ko but she was not there. Mukhang hindi pa sila tapos sa project nilang magkakagrupo.
I was about to pout because I was excited pa naman na ikuwento agad sa kanya what I saw. Buti na lang, hindi pa lumilipas ang mahabang oras, dumating na rin siya.
She looked kinda nervous as she wandered her eyes around our room.
“Fely!” excited na kaway ko sa kanya para agawin ang atensyon niya. Kaagad naman siyang tumakbo patungo sa katabi kong upuan kahit na hindi naman siya ro’n dapat umupo.
“Shinel! Oh god!” Hinihingal pa siya na siyang nagpakunot ng noo ko. What’s the matter?
“I have something to tell you-” Kaagad niyang pinutol ang pagiging excited ko.
“Me first, please?” Balisa pa siyang tumingin ulit sa pintuang pinasukan niya na animo’y may kung sino ang maaaring pumasok do’n.
I felt nervous. Nawala tuloy ang kasiyahan sa mukha ko.
“Okay, spill it. You’re making me nervous!”
Mabilis siyang kumapa ng kung ano sa kanyang bulsa. Nilingon niya pa ang mga kaklase namin bago mabilisang iniabot sa ‘kin ang isang cellphone.
“Keep it,” utos niya. Sa takot ay muntik ko pang hindi kuhanin mula sa kamay niya ‘yon.
“Whose cellphone is this?” mahinang bulong ko.
What the f**k? Did she just steal this from someone? Why?!
I waited for her answer. Uutusan ko na sana siyang ibigay sa lost and found ang iniabot niyang phone pero nagbago ang isip ko nang sinabi niya kung sino ang may-ari.
“That’s Ranzell’s!” she muttered with a hint of joy in her voice. Unti-unti namang nagliwanag ang mukha ko.
“Really?!”
“Yeah! I took advantage of my suitor which happened to be his teammate.” My lips arched to form a smile.
“Ang ganda mo talaga!” papuri ko tuloy sa kanya bilang pambobola.
“I know, right.”
Seems like destiny is in favor of me, huh? Ewan ko lang talaga kung makatanggi ka pa sa lahat ng plano ko, Ranzell.
When I went home, I ran on my way to Fred’s room. Hindi ko inalintana ang dulas ng porcelain floor namin. I even threw my bag somewhere sa kamamadali.
I really wanted to open Ranzell’s phone na. Gusto kong makita ang laman at baka may pictures siya ni Zanrell. Also, I need to find more and more things that I can use to blackmail him. ‘Yong tipong hindi niya na talaga matatanggihan ang offer ko kapag ipinang-blackmail ko na sa kanya iyon.
“Mag-ingat ka sa pagtakbo, ija!” saway sa ‘kin ni Aling Lita, isa sa mga pinakamatagal ng kasambahay sa amin. Puti na ang lahat ng buhok niya na laging nakasikop. Medyo kuba na rin kaya magagaang trabaho na lang ang ipinagagawa nina Mommy. Pero kahit na ang itinuturing ko siyang lola ay hindi niya ako napigilan sa pagtakbo sa silid ni Fred.
“Fred!” I called him and knocked on his door. Ilang taon na ring katiwala ni Daddy si Fred at ilang taon ko na rin siyang naaasahan sa mga ganitong bagay. If I remembered it clearly, rito na niya ini-celebrate ang birthday niya mula noong 21 years old siya hanggang sa mag-30 siya last year. He is working for us for so many years na rin.
Siya ang naisipan kong lapitan para mabuksan ang cellphone ni Ranzell. Hindi ibig sabihin na magaling siyang magtanggal ng password kun ‘di nagagawan niya kaagad ng solusyon ang mga ipinapagawa sa kanya.
Bumukas ang pinto ng kuwarto nila Fred. Mukhang alam niya na agad kung bakit ako nagmamadaling tumungo sa silid nila.
“Ma’am-” Before he could start talking, I handed him Ranzell’s phone right away. Kaagad namang nangunot ang noo niya.
“Unlock it. Make it fast. And by the way, did you already put the gifts that I’ve told you in Ranzell’s locker?”
“Ranzell del Grico ba? Nagawa ko na, Ma’am,” sagot niya na ikinatango ko na lang.
“Now, do that naman,” nguso ko sa iniabot ko sa kanya.
I can’t wait anymore! Hindi na ako makapaghintay pa na mabasa ang messages nina Ranzell at Zanrell! I can’t wait to see if he has some pictures of Zanrell in his gallery so I can save it.
Gano’n ako kaatat na ma-unlock na nga ang cellphone ng snob na del Grico kaya naman hindi ko na napigilan ang mapatili nang tuluyan na ngang nagawan ng paraan ni Fred ang ipinagagawa ko.
Fuck! This is it!
“Shinel! Nandito na ang Daddy mo!” Sa sobrang excite ko sa cellphone ni Ranzell, hindi ko na binaba pa si Daddy para salubungin. That has been my hobby kasi whenever Daddy comes home. But for now, mas interesante ako rito.
I neglected their call and sat on my queen-sized bed before I started checking Ranzell’s phone. I first opened his messages and as expected, there was a lot of texts. Halos lahat ay unknown number pero halata naman na mga babae ‘yon.
Every minute, his phone vibrates. Well, what do I expect from a womanizer and a fucker like him?
Umiling na lang ako at hinanap na lang ang pangalan ni Zanrell sa kaniyang messages. Muntik ko pa ngang hindi mahanap. Iba kasi ang pangalan.
My blood boiled when I saw that he named his Kuya’s contact as “motherfucker”. How could he! Nahirapan tuloy akong hanapin ang conversation nila. Tch!
Nang nahanap ko ito ay dali-dali ko itong pinindot. Adrenaline filled my whole damn body.
I expected that they have a long conversation just like me and Kuya Ynigo but my expectations ruined when I only saw one text from Zanrell.
Motherfucker:
I’ve heard, Shinelle will fly back here anytime soon.
My heart jumped as I saw the name Zanrell mentioned. At first, akala ko ay pangalan ko ang binanggit niya. Muntik na ‘kong atakihin sa puso! f**k it!
But wait. Shinelle? Who’s that?
Walang ni-reply si Ranzell na kahit ano sa message ng kuya niya. Like, what the f**k?! He just ignored Zanrell’s text while I’m here, trying my very hard just for him to reply to my messages? f*****g privileged guy! So annoying!
Mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman ko sa Ranzell na ‘yon. Hindi niya pinahahalagahan ang text sa kanya ni Zanrell!
Well, kahit naman ako minsan, hindi na nare-reply-an pa si Kuya Ynigo kapag nagte-text sa akin. Puro pang-aasar lang naman kasi ang inite-text no’n sa ‘kin ‘pag bored siya.
But wait. Once again, I read Zanrell’s text.
Shinelle? Obviously, that’s a girl’s name. Pero... sino siya? Bakit kailangan pang balitaan ni Zanrell si Ranzell na darating na ang babaeng ‘yon dito? May malaki bang epekto ‘yon kay Ranzell? Mahalaga ba ang babaeng ‘yon sa kanya? And why didn’t he even reply? Is he annoyed? Can I use that girl to make him agree with what I want?
Maraming tanong ang kumain at pumailanglang sa isipan ko. Sa sobrang dami, nakatulugan ko na lang.
When it comes to stalking especially on social media, I can already handle it. I don’t know how. Sadyang magaling lang akong mang-stalk sa social media. Do’n ko nga nalaman na niloloko pala ako dati ni Deym na siyang kaisa-isang naging boyfriend ko. Fortunately, I was not really into him so it didn’t hurt. Nakipag-break ako agad noon.
Now, because of curiosity, I tried checking that Shinelle’s account on f*******:. Gusto ko magbakasakaling makita ang itsura ng babaeng tinutukoy ni Zanrell.
At first, I hesitated to search her name on the search bar of my account. Baka mamaya kasi, may makakita at sabihing ini-stalk ko ang account ng kung sino. Tch. But yeah. Aalisin ko na lang kaagad ang pangalan niya sa recent searches ko later.
As I searched her first name, an account of a model-like lady instantly appeared. Shinelle Menzel ang buong pangalan niya. Parang familiar ang apelyido pero hindi ko na maalala kung sino ang kapareho niya ng apelyido. Kaagad ko nang ini-click ‘yong nang makita na marami kaming mutual friends.
Her account has a lot of followers but I didn’t focus on it. Instead, I clicked her profile picture to see her face clearly.
Her profile picture was just a stolen shot that was why I couldn’t see her whole face. Well, even though it was just a stolen shot, I could tell that she’s pretty. Hindi malabong maging ex siya ng gaya ni Ranzell dahil maganda naman talaga siya.
Sa stolen piture niya ay makikinita kung gaano katangos ang kanyang ilong. Her eyes were closed that was why the thickness of her eyelashes became visible. But, mukha namang peke e. I’ll just assume that she wore fake eyelashes at that time.
My eyes then went down to her kissable lips. Okay. I won’t deny that her lips were perfect. Siguro, may lip filler. She was tilting her head on the picture, showing her long neck. Undeniably, she looked really hot.
Ex kaya talaga siya ni Ranzell?
Pinindot ko pa ang iba niyang litrato. Ro’n ko na mas nakita ang mukha niya.
She had perfectly shaped lips and gorgeous brown eyes. I wonder kung sa photogenic lang ba talaga siya or gano’n talaga siya kaganda sa personal. She looked like an angel too with her kind eyes. Plus, her skin was as white as paper.
Tiningnan ko lahat ng kanyang profile, ngunit isang profile ang nagpatigil sa ‘kin. It was uploaded three years ago. Silang dalawa ni Ranzell ang nasa picture.
Ranzell was wearing a suit and I couldn’t deny that he really looked so handsome with that. He was hugging Shinelle from behind while he was staring at her without any expression. But still, I could tell that he looked madly in love with her.
That only confirmed that they had a thing! Pero mukhang break na sila ngayon. Not only that! Mukhang bitter pa rin si Ranzell dahil hindi niya nga nagawang reply-an ang message sa kanya ng kapatid niya.
My eyes darted on Shinelle who showed an opposite expression. Ngiting-ngiti siya habang nakatingin din nang diretso sa mukha ni Ranzell. Mistulan siyang prinsesa sa suot na pulang gown. Kung titingnan ang litrato, makikita rin kung gaano pa nila kamahal ang isa’t isa.
The only caption of the picture was “Prom.” Still, it gained thousands of hearts.
Hmm. I wonder why they ended up this way.
Nanatili akong nag-isip ng kung ano nga ba ang nangyari sa dalawa. Kahit noong kinabukasan, sila pa rin ang nasa isip ko.
Even when I was on my way to our classroom, I was preoccupied with their situation. Kaya naman nanlaki ang mga mata ko nang may makapukaw ng atensyon ko sa isang gazebo na nadaanan. The boys were so loud that they caught my attention.
Nang nilingon ko ang gazebo, nakita ko kung paano tumawa si Ranzell kasama ang mga kaibigan niya. Some boys inside the gazebo were eyeing at me. Familiar pa ang ibang lalaki ro’n dahil nanliligaw sa ‘kin.
“Hi, Shinel!” bati sa ‘kin ng isa sa mga kasama ni Ranzell sa gazebo. Dahil do’n, napukaw ko ang atensyon nilang lahat.
In some other day, I would be annoyed when someone called my name. Nakasasawa kasing lumingon at tanungan ang mga taong tumatawag sa ‘kin. But this time was different. I really hoped for that call. Hindi ko na tuloy kinailangan pang mag-effort para makuha ang atensyon ni Ranzell.
As an instinct, I acted cute as I slightly waved my hand at them. Nanatili naman ang tingin ko kay Ranzell. Hinintay kong makitaan ng pagkamangha ang expression niya pero halos tapakan niya ang dignidad ko sa kanyang ginawa.
For the second time around that our eyes met, he rolled his eyes. That completely broke my confidence.
What the f*****g f**k?!
Hindi ko na naagapan pa ang iritasyon na bumalatay sa mukha ko. Nakakainis! Bakit ba parang ang laki ng problema niya sa ‘kin?!
Fucking bitter na del Grico! Gusto kong dukutin ang mga mata niya sa inis! Ang ganda pa naman ng kulay ng mga mata niya tapos mang-iirap lang siya ng gaya ko? Is he gay? Bakit parang ang laki-laki ng galit niya sa ‘kin?!
He ruined my whole mood, first thing in the morning. Imbis na babatiin ko pa ang nag-hi sa ‘kin, nagmartya na lang ako palayo sa gazebo kung saan sila madalas tumatambay ng mga kaibigan niya.
Fuck him! Nakakainis talaga siya!
Before they could completely out of my sight, I glanced in their direction again. Kumalabog naman ang puso ko nang makitang nakatingin pala ulit siya sa ‘kin. I didn’t waste that chance anymore. I’ve been waiting for it. So immediately, I rolled my eyes at him while he was still eyeing me.
There! Finally! Nakabawi rin!
Maarte pa ‘kong tumalikod ulit at bahagya pang hinawi ang buhok kong nasa balikat para ipakitang maganda ako. I didn’t look back at them again. Baka makairap ulit siya e. Dapat, ako ang huling iirap lagi. Feeling ko, naaapakan ang pagkatao ko kapag hindi ako ang mas lamang sa iba.
Mas lalo tuloy lumaki ang kagustuhan kong ilabas na lang ang scandal niya.
Maghintay ka lang, Ranzell.