Chapter 9: He Knew Her

1838 Words
HINDI naman na siya magtataka kung may hindi magandang maganap kay Dmitri at Isabel. Gayunman ay sasarilinin na lang niya iyon. Ayaw na niyang makialam pa o kaya ay magkaroon ng ugnayan sa mga ito. Matapos ang isang oras na break ay bumalik siya sa trabaho. Muli niyang nakita si Gabby na papasok sa loob ng casino. May kasama muli itong dalawang guwardiya. Kumpara kanina na three-piece suit na suot nito, mas simple ito ngayon na tanging puting polo ang suot na maayos na nakatupi ang manggas hanggang siko. Aminado siya na malakas ang dating ng lalaki. Sisigaw ng ‘tulong’ ang eggcells ng kung sinong kababaihan. At iyon ang dahilan kung bakit nais niyang makalayo kay Gabby. Alam niya na siguradong bibigay siya rito kung hindi siya mag-iingat. “Hello, Kate!” bati nito sa kanya. “Good evening, Mr. Yong. Naligaw ka yata. And once again, I’m Kaitlin. Mabuti at kahit na busy ka sa trabaho ay nagagawa mo pang bumisita rito para mag-unwind. Akala ko ay uubusin mo sa anak mo ang iba mong oras?” Nakangiti siya nang matamis kahit sarkastiko ang kanyang mensahe. Hindi pa rin niya matanggap na naisahan siya nito. “Unfortunately, may isang babae na napangakuan ako ng date na hindi pa rin tumutupad. You see, I’m eager to find Gabriel a mommy.” Nais niya itong ikutan ng mata ngunit nakikita niya ang kanyang manager na nagbabantay sa oras na ‘yon sa floor. “Akala ko ay yaya lang ang hanap mo, sir. Hindi ba’t mas safe ang yaya kaysa mommy? Wala ka pang sabit.” Hindi niya alam kung bakit matalas ang pananalita niya kay Gabby. Siguro dahil napatunayan niya nang hindi siya talaga nito sasaktan kahit pa nga nakita niya ang pinakamasamang mood nito noong nawala si Gabriel. “You misunderstood, Kate. I can’t show my huuuge and biiiig part of myself to nannies.” Napaatras siya at saka namula ang kanyang pisngi. Diretso sa hinaharap nito ang kanyang paningin. Huge and big it is! “What do you think, Kate?” naaaliw nitong tanong. “Tsk! Kate? Kung saan-saan ka tumitingin. What I mean is my heart. I have a big heart, and I couldn’t give it away to nannies unless she’s my wife.” Nag-iwas siya ng tingin. She gritted her teeth. “What exactly is the reason why you’re here, Mr. Yong?” “Bakit ba nagpupunta sa casino ang guest ng hotel na ito?” “Para sumugal,” tugon niya. “Kung gano’n, susugal ka ba, Kate? I want to have a dinner with you. You might probably see the biggest part of my body,” bulong nito sa kanyang tainga. Nanulay ang mainit nitong hininga mula roon hangang sa maglandas iyon hanggang talampakan niya. Inikot niya ang paningin sa paligid nang namumula ang pisngi. Kita niya ang grupo na naroon sa isang mesa na matataas ang taya. Two thousand to ten thousand US dollars ang bawat halaga ng mga chips doon. “How about you play Poker. I am doing my job, Mr. Yong. Kapag nanalo ka, baka may ipakita rin ako sa ‘yo,” tudyo niya rito. “Kung talo?” “Eh ‘di, walang mapapakita. Simple lang.” Malakas ang loob niya na malabong manalo si Gabby. Halos araw-araw niyang nakikita ang mga sugarol sa mesang itinuro niya at bihasa ang mga iyon sa pustahan. Samantalang si Gabby ay sa slot machine siya inaya noong huling dumayo ito roon. “Then, be ready.” Ngumisi ito sa kanya. Kinabahan siya. Baka mamaya ay manalo talaga si Gabby. Did he deceive her last time? Mukha kasi itong inosente sa larangan na iyon. Malapit na sanang kabahan si Kaitlin, ngunit makalipas lang ang beinte minutos ay naubos na nito ang ten thousand US dollars na chips. Nahiya rin siya dahil malaki ang nagastos nitong pera para lang makipagpustahan sa kanya at mai-date siya. “Mukhang natalo ako, Kate. Wala man lang bang pakunsuwelo sa malaking pera na nagastos ko?” Napangiwi siya. Kahit papaano ay nakunsensiya siya na malaki ang halagang nagasta nito. “Let’s have a breakfast later,” sabi niya sa lalaki. “Here.” May dinukot ito mula sa bulsa at lihim na inabot sa kanya. Hindi pa man niya nakikita ay alam niyang card iyon sa pintuan ng suite nito. “Don’t be late. I have to go. May virtual meeting ako mula Amerika.” Nagawa pa nitong silipin ang relo sa pulsuhan. “May meeting ka kahit halos madaling-araw na?” “Yes.” He winked before he walked towards the main entrance. Dumagundong ang kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang anyo ng lalaki na papaalis. Sumisigaw ng salapi kahit ang awra nito. Kailangan niyang layuan ang lalaki, ngunit hindi iyon binibigay ng pagkakataon sa kanya. Bahala na nga! *** GAMIT ang card key ay pumasok si Kaitlin sa loob ng suite. Nakasuot na lang siya ng pantalon, blusa at sneakers. Nakalagay sa paperbag na bitbit ang kanyang uniform sa casino. Isang babae na sa palagay niya ay edad beinte at lalaking hindi nalalayo ang edad dito ang nabungaran niya sa loob. Sheet! Baka isipin nila na magnanakaw ako! “Hi! Sorry. Hindi ako akyat-bahay o manloloob. Pinapunta ako dito ni Mr. Yong,” ani Kaitlin na kinakabahan. “You must be Ms. Kaitlin. H’wag kang mag-alala. Naabiso niya sa ‘min ang pagpunta mo. Well, hindi lang namin inaasahan na bibigyan ka niya ng susi,” wika ng lalaki na halatang bodyguard. “M-mabuti naman kung gano’n.” “Diana na lang ang itawag mo sa ‘kin,” wika ng babae bago itinuro ang lalaking kasama nito. “Siya si Nikolas. Kami ang nagbabantay kay Gabriel sa magdamag kapag wala si Boss Gabby.” “Ms. Kate! I knew it was you!” Napalingon siya mula sa pintuan ng isang silid. Natagpuan niya roon si Gabriel. Tumakbo ito papalapit sa kanya at pagkatapos ay niyakap siya sa mga binti. “Hi!” Napangiti siya habang hinaplos ang buhok nito. She missed him! Walang duda! “Is the breakfast ready? I want to eat with Ms. Kate!” nakangiti nitong sabi kay Diana. Nagkamot sa ulo ang huli. Napuna naman ni Kaitlin ang nakahandang bilog na mesa na may mga pagkain. Sa palagay niya ay inaya siya ni Gabby para samahan ang anak nito sa agahan. “Let’s eat!” ani Kaitlin. Pipigilan sana sila ni Diana, ngunit naiupo na niya sa silya si Gabriel. “May problema?” tanong niya sa babae. “Ang bilin kasi ni Mr. Yong ay sasabay siya sa inyong kumain,” katwiran ng babae. “Ayos lang. Sigurado na hindi siya magagalit kung si Gabriel ang kakain.” Siya naman ang may kasalanan kung bakit wala siya rito! Siyempre pa ay hindi na niya iyon naisatinig. Inasikaso niya si Gabriel. Nagtimpla siya ng gatas para sa kanilang dalawa. Napupuna na lang niya na napapangiti siya habang pinagmamasdan ito na kumain. Pinupunasan niya ang labi nito tuwing mapapahiran ng sarsa o ng gatas. Ganito-ganito siguro siya kung anak niya si Gabriel. Stop it! “I hope you stay with me, Ms. Kate,” ani Gabriel. “Why? Sigurado na babalik ka sa Singapore pagkatapos ng trabaho rito ng daddy mo.” Doon kasi ang residente ng mga ito dahil naroon ang talagang opisina ng lalaki. “Masyadong busy ang daddy ko… But I am fine now. I have you!” Ngumiti ito nang matamis. Nakaramdam siya ng lungkot dahil hindi dapat siya ang kasama nito kung hindi si Gabby. Masyadong abala ang lalaki na kahit naisama nito sa Pilipinas ang anak nito ay hindi pa rin nito maasikaso. Hindi naman siya dapat makialam dahil personal nitong buhay iyon. Alam din niya na mabigat ang trabahong dala nito sa araw-araw. “Alam mo, Ms. Kate. Ikaw lang ang tanging napagkatiwalaan ni Mr. Yong sa dami ng ilang tauhan niya.” Should I be proud? Ngumiti lang siya rito at hindi na umimik pa. Matapos nilang kumain ay inaya ni Diana si Gabriel na maglinis ng katawan kaya ito nagpaalam sa kanya. Naiwan si Kaitlin sa parlor area ng suite kasama si Nikolas na kanina pa tahimik. Sinaksihan nito ang pagtanggal niya ng kanyang contact lense na kulay dark brown. “Sorry, makati na kasi sa mata,” aniya. Nabigla ito dahil berde ang tunay na kulay ng mata niya. “B-berde ang orihinal na kulay ng mata mo, miss?” “Yeah… Kailangan kong ibagay ang sarili ko rito sa Pilipinas kaya gumagamit ako ng brown na contact lense. Minsan light brown.” “Unusual.” “Right…” May natagpuan siyang libro sa gilid at binasa niya iyon habang nakaupo sa couch. Dahil magdamag siyang gising, idagdag pa na puyat siya ng nagdaang araw ay normal na makaramdam siya ng antok. Hindi na niya alam ang mga sumunod na naganap dahil tahimik na lang niyang naipikit ang mata. *** HINDI inaasahan ni Gabby na mag-e-extend siya sa kanyang meeting. Hindi siya makaalis dahil kailangan nila ng matinong plano. Nang matapos ang meeting ay isang oras at kalahati na siyang late sa alam niyang oras ng tapos ng trabaho ni Kaitlin. Mula sa inupahang silid para gawing opisina ay tumuloy siya sa presidential suite nila ni Gabriel sa hotel. Tila nawala ang lahat ng kanyang pagod nang matagpuan si Kaitlin na tahimik na nakasandal sa couch at nakapikit. Nasa binti nito si Gabriel na halatang sinamahan ito sa pagtulog. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib kasabay ng takot sa tagpong iyon. “Pasensiya na, Mr. Yong. Hindi ko sila napigilan na kainin ang agahan,” ani Diana. “Nakatulog si Ms. Kaitlin sa paghintay. Tinabihan lang siya ni Gabby.” Napangiti siya nang simple. Matapos kumain ng agahan ay natulog muli ang kanyang anak na pinakapayapang nakita niya sa buong buhay nito. Pinangko niya si Gabriel bago ipinasa kay Nikolas. “Ibalik mo na siya sa kuwarto niya.” Tumango lang ito. Kasunod niyon ay si Kaitlin naman ang pinangko niya. Alam niya na malaki ang tanong ni Diana sa isip, ngunit wala siyang pakialam sa iisipin ng mga ito. Ipinasok niya sa kanyang silid at inilapag sa malapad na kama si Kaitlin. Habang tahimik ito na nakahiga ay hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito na tumatabing sa pisngi ng babae. He knew Kaitlin since the start of her career. Kilala niya ito bilang Odette at isa siya sa madalas magpunta sa konsiyerto nito kahit sa Europe pa iyon ginaganap. He was one of Kaitlin’s fans and knew everything about her. He followed her everywhere, to every concert hall. But he had to stop his dreams back then. Kailangan niyang humakbang at magseryoso para sa kanyang pamilya. He never thought both of them had quit their dreams. Nagbunga siya ng hangin habang malungkot na nakatingin dito. Ilang saglit pa ay tumabi siya rito para damhin naman ang babae. I never thought God has plans for us, Kate. Kumirot nang matindi ang kanyang dibdib dahil sa maraming dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD