Chapter 8: Boyfriend

1843 Words
“TINATANGGAP mo ba ang offer, Kate?” pukaw sa kanya ni Gabby. “Pero may trabaho ako, sir,” katwiran niya. Nais man niyang tanggapin ang alok nito, kailangan niyang ilayo ang sarili sa mag-tatay. Sa kabilang parte ng kanyang damdamin, alam niyang iyon ang pinakamagandang desisyon. Saglit na natahimik ang lalaki. Maya-maya ay inilapat ang likuran sa silya habang diretso ang tingin sa kanya. “Ilang oras kang nagtatrabaho sa casino?” “Nine to twelve hours.” Depende sa overtime at hiling ng sitwasyon. “Good. Walang problema kung gano’n. I worked for sixteen to twenty hours a day.” She was again speechless. Ano ang kinalaman niya sa pagtatrabaho nito nang matagal? Mukhang nabasa naman nito ang nasa isip niya dahil sinagot kaagad nito iyon. “Kung kaya ko ay siguradong kaya mo rin, Kate. You can stay in my suite with Gabriel. Wala ka pang magiging problema dahil hindi mo na kailangan pang bumiyahe pauwi at papasok dito sa hotel. Hindi ka na dadanas ng traffic at may makukuha ka pang bayad sa pag-alaga kay Gabriel.” “Mr. Yong, I think you misunderstood me. I don’t need money or another income. Ang kailangan ko lang gawin ay bayaran ang naganap kanina.” Sapat na siguro ang isang araw na kabayaran. Ngunit kung ang gusto nito ay permanente siyang yaya ni Gabriel, hindi niya kaya. Alam niya kasi na mahuhulog ang loob niya rito. Hindi niya kailangan ng pera. Ngunit hindi niya masisisi ang lalaki kung isipin nito na naghihikahos siya lalo at halos maluma na ang mga gamit niya. Bibihira nga siyang magdala ng bag dahil wala naman siyang ilalagay roon. “What exactly is the reason you’re declining? Ayaw mo ba sa anak ko?” tanong ni Gabby. Napalingon siya kay Gabriel na namimilog ang mata at nagpapaawa. She likes him, and that was the reason. She’s not supposed to like Gabby’s kid, or any other kid. Bumuntonghininga si Kaitlin. “Ayokong kumuha ng tsismis. He called me ‘mommy’ kanina. Paano kung marinig ‘yon ng asawa mo?” “But I don’t have a mom!” sabad ni Gabriel. “Gab…” banta ng lalaki. “W-walang ina si Gabriel?” Okay, this is a plot twist. Ang malaking dahilan kung bakit niya inaayawan ang lalaki ay dahil ayaw niyang mapagbintangan siyang nanlalandi ng may-asawa. “I… I got him by mistake.” Nag-iwas ito ng tingin. Tumango-tango siya. Hindi niya masisisi ang lalaki. Binata ito at posibleng lagalag sa mga kababaihan. Nakadisgrasya ito ng babae at si Gabriel nga ang naging bunga. “Pag-iisipan ko. Tulad ng sinabi ko kanina ay hindi ko naman kailangan ng pera.” “Pwede ka nang mag-isip ngayon. I’ll give you five minutes.” What??? “Kulang? I’ll give you ten minutes then.” Tumingin ito sa relo nito. “Mr. Yong, I need time. Like, time to think.” Mga isang linggo. Pak! Gano’n! “Ten minutes is still a time. Matagal na ‘yon kumpara sa ibang business deals na nagawa ko.” Auuugh! Ang hirap makipagtalo sa lalaki. “One minute had passed. You still have nine minutes,” anito sa seryoso. Sa palagay niya ay hindi iyo papayag na umayaw siya. “Kate?” Isang tinig ang nagpapukaw sa kanila. Nagtaas siya ng paningin nang makita si Dmitri na nasa likuran ni Gabby. Ang huli naman ay walang reaksiyon at dedma. Nagpatuloy lang sa paghigop ng kape nito. “Dmitri,” mahinang usal niya. Tila lason na ang pangalan nito sa kanyang bibig. Napuna nito si Gabriel at sa nakatalikod na si Gabby, at pagkatapos ay ngumisi. “Parang kailan lang noong humahabol-habol ka pa sa ‘kin. Mukhang iba na ang hinahabol-habol mo ngayon. Nagpakababa ka na ba talaga at pumapatol ka na sa may-asawa ngayon? Don’t get me wrong, I just know na walang matinong lalaki na papatol sa ‘yo kung hindi mo bubuhusan ng mamahaling regalo.” Pinasadahan nito ang anyo niya na nakasuot ng uniform ng casino. Nanginig ang kamay niya sa sinabi nito. Aminado siya na nagpakatanga siya rito noon. Ginamit siya nito kahit alam niya sa sarili na ibinasura nito ang damdamin niya. Tumayo si Gabby na hindi nakatiis. “M-Mr. Yong!” Nabigla si Dmitri nang humarap ang lalaki rito. Pinagpalit-palit nito ang tingin sa kanya at kay Gabby. “Mr. Ruiz, you mean hindi ako matinong lalaki?” tanong ng huli. Nanlaki ang mata ng dati niyang nobyo. “You think kailangan ko ng mamahaling regalo mula kay Kate?” “No! H-hindi ‘yon ang ibig kong sabihin, sir! I’m sorry if I offended you!” “I don’t care what’s your relationship in the past, but leave Kate alone, Mr. Ruiz! Ayokong makita na lumalapit ka pa sa nobya ko.” Kita niya ang pagrolyo ng lalamunan ni Dmitri. Nag-iwas siya ng tingin dito. “I’m sorry. I hope you forget this incident,” narinig na lang niya na sabi nito bago ang mga yabag nito papalayo. Umupo muli si Gabby sa silya nito na parang walang nangyari. “Ms. Kate, are you okay?” tanong ni Gabriel. “Who is that bad wolf?!” Ngumiti siya rito nang simple at mapait. “Siguradong hindi ka na muna guguluhin ng taong iyon—at least, not under my sight,” ani Gabby. Hinarap niya ang mata nito. Sa posisyon ni Gabby, ito lang talaga ang tanging makatutulong sa kanya para makalayo sa toxic na si Dmitri. Kilala niya ang dating nobyo. Kakapit ito sa kung saan ito makakakuha ng pabor—tulad niya noon. Parehas ito at si Isabel. “Thank you!” “Paano ba ‘yan? Nadagdagan ang utang mo sa ‘kin,” ani Gabby na nakangisi. Kumunot ang kanyang noo. “What?” “I told him you are my girlfriend. Sa pagpapanggap ko at pag-arte ko kanina, mas malaki ang talent fee ko kumpara kay Gabriel.” She was speechless. Nais niyang mahulog sa kanyang kinauupuan. Tama ang hinala niya rito. This is scum! Gabby is the biggest scummer of all! “P-papaano—” “Ten minutes are over! What is your answer, Kate?” *** “YOU mean Kate is Gabby Yong’s girlfriend? That’s impossible!” ani Isabel sa kanyang manager at nobyo na si Dmitri. “It’s true! Binantaan ako ni Mr. Yong sa coffee shop. Layuan ko raw si Kate!” anang lalaki na basta sumalampak sa puting-puting couch. “That woman! How could she met someone like Gabby?” “Ano ba kasi ang ginawa mo, Dmitri?! Hindi bat binantaan kita na lumayo ka kay Kate? Lalong -lalo nang huwag mong painitin ang ulo ni Mr Yong! Kailangan natin siya para suportahan ang budget sa concert!” Humithit siya ng sigarilyo bago bumuga sa hangin. This Dmitri is useless! “Kasalanan ko ba kung hahara-hara si Kate sa harapan ko? I just—” Pinakatitigan ni Isabel ang lalaki at saka siya napangisi. “It’s just that you missed her. You missed those days when she followed you.” Napangisi na lang siya nang makita ang totoo sa mukha ng lalaki. She’s no longer love Dmitri that’s why she felt nothing! Noon ay may thrill—noong naagaw niya ang lalaki kay Kaitlin nang walang kahirap-hirap. Noong naagaw niya ang lahat kay Kaitlin at napabilog niya ang ulo ni Dmitri. But time passed and she already get what she wanted. Kaitlin! That woman will forever be her nemesis if she’s not careful. Ngayon ay may Gabby na handang sumuporta rito? Gabby Yong who owns an automobile company, who earns millions of dollars, and a bachelor. Napangisi si Isabel. Kailangan niyang putulin kaagad ang suporta o binti ni Kaitlin bago pa ito makabangon at makuha ang kung ano ang mayroon siya. Hindi malabong magawa nito iyon kung may relasyon ito kay Gabby. She might have loved Dmitri, but now, she wants Gabby Yong! Kung nagawa ko noon na maagaw si Dmitri, hindi malabong maagaw ko si Gabby Yong! Napatingin siya kay Dmitri. “Let’s breakup! This relationship is no longer make sense!” “What?!” “You heard me!” “Isabel!” May kumatok sa pintuan. Napangisi na lang siya dahil tumawag siya ng maglilinis sa kanilang silid. May inihagis siyang vase sa pader na naabot ng kanyang kamay at saka siya sumigaw. “Nooo, Dmitri! Huwag mo akong sasaktan!” Napatigil sa pagkatok ang nasa labas ng pintuan. Sigurado na natatakot na ang kung sino ang nasa likod niyon. “Y-you’re crazy!” singhal ng lalaki na nabigla sa pag-arte niya. “Kung inaakala mo na basta tayo maghihiwalay ay nagkakamali ka!” “Maawa ka, Dmitri! Nooo!” Nataranta ang lalaki. Hindi nito alam ang gagawin. Ngunit kita niya ang galit na nasa likod ng mata nito. Lumapit ito sa kanya at saka siya niyugyog nang marahas sa mga balikat. “This isn’t over, Isabel! You hear me? You are mine!” Itinulak siya nito sa carpet bago kinuha ang coat nito na nakapatong sa couch. Naglakad ito papalabas ng pintuan. Naroon pa rin ang maglilinis ng silid na nanginginig sa takot. “You heard nothing, b*tch!” singhal ng lalaki sa kawawang babae sa labas bago naglakad papalayo. Umiyak si Isabel. Naglandas ang mga luha niya. “Ma’am Isabel, ayos lang po ba kayo? Gusto n’yo po bang tumawag ako ng security?” Good! Nakikilala siya nito. “No, please... Sigurado na sasaktan niya ako ulit. N-nakita mo ang mga nangyari ‘di ba?” Tumango naman ang babae. “Huwag po kayong matakot, ma’am! Ginamitan ka niya ng dahas kaya kailangan niyang magbayad!” “Please… Huwag na. Kilala ko si Dmitri. Sasaktan niya ako kapag isinumbong ko siya sa security. Pabayaan na lang natin itong naganap, okay?” Nagpunas siya ng luha. Nag-aatubili ito. Alam ni Isabel na kahit hindi ito magsumbong sa security, sigurado siya na ikakalat nito ang nasaksihan o narinig nito kanina. Normal iyon dahil napabalita ang pagdating niya sa bansa sa ilang news at talkshow. May pangalan siya at normal na bantayan ng tao ang mga nagaganap sa kanya. Siyempre pa, madali nyang mabibilog ang ulo nito nang hindi nito namamalayan. Haaay Dmitri. It’s your fault because you are useless! *** MAS mabilis tamarin si Kaitlin ngayon kumpara sa mga nakalipas na araw. Pinagod kasi ni Gabby Yong ang isip niya. Mabilis siya nitong napapayag na bantayan si Gabriel kapag abala ito sa trabaho dahil sa dagdag niyang utang dito. Anyway, pwede ko namang i-donate sa The Pink Girls Club ang ibabayad niya sa ‘kin. Bumalik siya sa staff area nang dumating ang oras niya ng breaktime. “Si Ms. Isabel daw ay ginulpi ng nobyo. Rinig na rinig ng maid na maglilinis sa kuwarto nila. Natakot nga daw at binato pa yata ng vase doon sa VIP suite. Kawawa naman.” Iyon ang naabutan ng tainga ni Kaitlin matapos niyang makapasok sa loob. “Isabel? Yong VIP na ballet dancer?” “Oo!” Natigilan si Kaitlin sa pagkilos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD