Chapter 7: Agreement

1648 Words
GABBY was furious. Marami siyang kailangan asikasuhin. Namomroblema siya sa design na pinasa sa kanya at nalaman pa niya na ninakaw ang parehas na commercial ng modelo ng sasakyan. Inilabas na ang sneak peek ng commercial ng Sheldon Company, ang kakumpetensiya ng Yong Automobile, at halos kaparehas iyon ng commercial na ginawa nila. Someone from his team is a spy from that stupid company. At pagkatapos ay ibubungad sa kanya na dalawang oras nang nawawala si Gabriel. Sino ang hindi mag-iinit ang ulo? Ngunit higit sa lahat, Kaitlin misunderstood him. Wala sana siyang plano na makipagkrus ng landas sa babae ngunit may dahilan kung bakit siya narito sa Pilipinas. Kailangan niya ang tulong ni Kaitlin. “Sir, n-nasa date po si Ms. Kaitlin at ka-date po ang assistant ni Madam Helena.” Naningkit ang kanyang mata sa narinig. Matapos nitong umalis sa kanyang suite ay nakipag-date na kaagad ito sa iba? She has the nerve?! “Where is Gabriel?” *** “I’M SORRY! Kanina ka pa ba?” tanong ni Kaitlin kay Josh. Naghihintay ito sa coffee shop ng hotel. “No, I’m fine. Ayos lang naman dahil may pinatapos din sa ‘kin si Madam Helena,” nakangiti nitong tugon. May lumapit sa kanilang staff ng coffee shop at ibinaba sa kanila ang dalawang tasa ng brewed coffee. Dalawa iyon. Napakunot na lang sa noo ni Kaitlin dahil hindi tinanong ng lalaki kung ano ang nais niyang inumin. Hindi siya mahilig sa matapang na kape tulad nito dahil mas lalo iyong nakaka-trigger sa kanyang emosyon at stress. Sa kabilang banda, naisip niya na iniisip siguro nito na mahaba-haba ang duty niya at kailangan niya ng pampagising sa magdamag. “I hope hindi mo masamain ang imbitasyon ko ngayon,” pukaw ni Josh. “Ah… Wala ‘yon.” “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Kate. I like you, and I want to have a relationship with you. Hindi na ako bata at naghahanap na talaga ako ng mapapangasawa,” anang lalaki na diretso ang tingin sa kanya. Nag-iwas ng tingin si Kaitlin. May madilim siyang nakaraan at hindi nito alam ang buong pagkatao niya. Alam niya na mula sa magandang pamilya ang lalaki. Naging assistant ito ni Madam Helena bilang lawyer at alam niya na hindi maliit ang kinikita nito. Magandang lalaki si Josh at alam niya na ilan sa mga guest at kasama sa hotel ay pinagpapantasyahan ang lalaki. Ngunit alam ni Kaitlin na malabong magkaroon sila ng magandang samahan. May mataas na respeto si Josh at ayaw niya iyong kunin. Magiging lamat siya sa lalaki. “Sir Josh, hindi mo alam ang lahat ng tungkol sa ‘kin. Hindi ako nababagay sa ‘yo,” malungkot niyang sabi. Tumikhim ang lalaki. “Nasabi na sa ‘kin nang bahagya ni Madam Helena ang nakaraan mo. Alam ko rin na dati kang ballet dancer.” Naikuyom ni Kaitlin ang kanyang kamao na nakapatong sa kanyang tuhod. Nanginig ang mga iyon lalo na at ibinalik nito sa kanya ang nakaraan. Nagpatuloy si Josh. “You are Odette, the famous ballet dancer five years ago…The Swan Princess of the West.” Nais niyang masuka sa pagkakasabi nito. No! She’s no longer Odette nor the princess! She’s just Kaitlin—a nobody! “Nang malaman ko ‘yon ay nakaramdam ako ng awa sa ‘yo.” Awa? Nahilot ni Kaitlin ang sentido. So, naaawa lang si Josh sa kanya kaya siya nito nais maging nobya? Paano pa kaya kapag nalaman nito ang iba pang bagay tungkol sa kanya. Mas madilim at malalim na sikreto? “Mommy!” Nabigla na lang si Kaitlin nang makita si Gabriel na naroon sa kanyang gilid at nakatingala sa kanya. Nagniningning ang mga mata nito na halatang umiyak. Hawak nito ang handle ng kanyang silya. “W-what are you doing here?” At saka, mommy? Napalingon siya sa entrada. Wala siyang makitang bodyguard nito. Mawawalan yata siya ng hangin at hihimatayin sa nagaganap. Nawawala na naman ba ito? Paano ito nakatakas sa bantay? Kumunot naman ang noo ni Josh at pinagbaling-baling ang tingin sa kanilang dalawa ni Gabriel. “K-kilala mo ang batang ‘yan?” “Ah, yes…” nakangiwing tugon ni Kaitlin. “No! I mean, I do, but—” Naniningkit ang mata ni Gabriel kay Josh. Para itong cute na rabbit na po-protektahan siya laban sa kaaway. Nagkamot naman ng pisngi ang huli. May magandang ideya na pumasok sa isip niya habang nakatingin ang huli sa batang lalaki. Alam ni Kate na respetadong tao si Josh. Kung malalaman nito na may anak siya, siguradong hindi na nito iisipin pa na pwede siya nitong ligawan o kaya ay maging nobya. Tumikhim siya. “Baby, meet my boss. He’s Sir Josh,” aniya na nakisakay. Umaliwalas ang mukha ni Gabriel. “He’s not a boyfriend or a future dad?” inosente nitong tanong. “No, he’s just a friend.” “So, kaya pala ayaw mo talaga sa ‘kin ay dahil may anak ka na. Ito ba ang sikreto na sinasabi mo kanina? Hindi ito nasabi sa ‘kin ni Madam Helena,” anang lalaki na malungkot. “Ah, well…” Nag-iwas siya ng tingin. Hindi naman kataka-taka na posibleng may anak na siya sa kanyang edad. “Kung gano’n. Hayaan mo ako na maging tatay ng anak mo, Kate!” Wait! What? What the— May inubo sa kanyang likuran. “Naiintindihan ko na ngayon kung bakit masyado kang abala at walang oras sa pakikipagrelasyon. Sigurado ako na mahirap maging single mom at nagtatrabaho ka pa sa gabi para lang suportahan mo ang anak mo. Lalo ko tuloy gugustuhin na maging ka-partner mo sa problema. Kung makakatuluyan mo ako ay sigurado na ikukuha ko siya ng tagapag-ala. I will help you ease your burden!” anito na determinado. Saglit lang! Wait lang muna! Nag-ring ang telepono ni Josh bago pa siya makasagot. Sinagot nito ang tawag. Hinihintay naman ni Kaitlin na matapos ang lalaki para makapagpaliwanag siya rito. Hindi ito ang nais niya. Kung pagbabasehan ang sinabi nito kanina, sa palagay niya ay naaawa lang ito sa kanya. Single mom? Naloko na! Natapos ang tawag ni Josh na halatang hindi maganda ang balita o mensahe ng kausap nito. “Pasensya na, Kate. Iiwan ko na muna kayo ng anak mo. Sigurado ako na nainip siya sa paghintay sa ‘yo kaya naisipan niya nang sundan ka rito. I have an urgent matter to work on. Nice to meet you! Ano nga uling pangalan niya?” “Gabriel,” sagot ni Kaitlin. Natutop niya rin ang bibig matapos. Sigurado na iisipin lalo nito na anak niya ang anak ni Gabby Yong! “Nice to meet you, Gabriel! I will pursue your mom!” “S-saglit… lang!” usal niya, ngunit hindi na iyon narinig pa ni Josh dahil nakalabas na ito ng coffee shop. What the hell did just happen? “Looks like you had a nice date,” narinig niya mula sa mesa na naroon sa kanyang likuran. Napalingon siya at nakita niya si Gabby na humihigop ng kape nito. Napatayo si Kaitlin at naniningkit ang mata sa lalaki na prenteng nakaupo roon. “Did you use your kid to sabotage my date?” pag-aakusa niya rito. Hindi malabo na gawin nito iyon lalo at kinukulit siya nito sa date! “Tsk!” Napangisi si Gabby. “Did I, really? Ikaw ang nagsabi sa lalaking ‘yon na anak mo si Gabriel.” Binalikan ni Kaitlin ang mga naganap at namula ang pisngi niya dahil alam niyang may katwiran ang sinabi ni Gabby. Nagawa niya iyon dahil nais niyang layuan na sana siya ni Josh. “Since you used my kid, I believe you need to compensate me for his good acting.” “W-what?” She was speechless! Nawala na yata ang lahat ng katinuan niya sa isip dahil sa sinasabi nito. Una, hindi naman talaga siya natulungan ni Gabriel. Ikalawa, bakit kailangan niyang magbayad sa lalaki? “Listen here, Kate. Me, Gabriel’s father, who earns 600 million US dollars in a year, won’t accept free charge for the talent he rendered a while ago. You see, his acting isn’t bad.” “Saglit lang! Ang isyu dito, bakit ako magbabayad? At bakit sa ‘yo?” Ibinaba nito ang tasa. “Did you use my kid, pretending he was your son?” “Y-yes.” “As his dad, dahil bata pa ang anak ko at wala pang alam, ako ang magde-decide para sa kanya. Kaya sa ‘kin ka magbabayad bilang tatay niya.” “Pero hindi naman talaga niya ako natulungan.” “Sa mga trabahador, malinis o pulido ang gawa nila, nagbabayad pa rin ako sa oras na tinrabaho nila. Not unless, gusto mong makasuhan ng k********g. Nagpakilala kang nanay ng anak ko at alam natin na masama ‘yon. Tsk!” Kidnapping?! Umasim ang mukha ni Kaitlin. Paano nitong nakuha at napaikot ang sitwasyon na pabor dito? Sa palagay niya, kaya yumaman ang lalaki ay dahil sa ganitong gawain nito. Mapanlinlang! At talagang sinabi nito sa kanya kung magkano ang kinikita nito? Siyempre, para sabihin na mataas ang net value nilang magtatay! Nais mag-init ng ulo niya. “Wala akong pera, Mr. Yong,” katwiran ni Kaitlin na kinalmahan ang pagkakasabi kahit pa nga nais niya nang sikmuraan ang lalaki. “Good! Kailangan ng anak ko ng tagabantay sa loob ng ilang araw na kailangan kong maging abala sa trabaho. I don’t trust anyone. Aside from that, he likes you. You don’t have to worry because I will pay you.” Nilingon niya si Gabriel na tahimik na nakatingin sa kanya. Gusto niya sanang tumanggi dahil marami siyang trabaho. Abala siya sa maraming bagay at ayaw niyang magkaroon ng ugnayan kay Gabby. Ngunit pagkakataon siguro ang ibinibigay nito para maranasan niya kahit papaano na mag-alaga ng batang lalaki. Kumirot ang kanyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD