Chapter 6: The kid

1357 Words
TINATAMAD at halatang walang tulog si Kaitlin nang pumasok siya sa staff area ng casino. Inilagay niya ang kanyang wallet sa loob ng locker at saka kinuha ang kanyang makeup kit. Plano niyang doon na mag-ayos habang wala pa ang mga empleyado. Maaga pa kasi kumpara sa aktuwal nilang oras ng trabaho. “Hi, Kaitlin!” bati sa kanya ng isang kasama. “Hi!” “Maaga ka yata?” tanong nito. “Hindi ako nakatulog masyado sa apartment. Kaysa maasar ay nagpunta na lang ako rito. May kakausapin din naman ako sa coffee shop bago ang shift ko.” “Sayang pala. Kailangan kasi ni Ma’am Eliza ng head count dahil may hinahanap silang importanteng tao. Lalabas na ako.” Importanteng tao? Lumabas na ang babae kaya hindi na niya naitanong kung sino ang tinutukoy nito. Naglagay ng face powder si Kaitlin, kinapalan ang kilay at pilik-mata. Nagpapahid na siya ng lipstick nang makarinig ng iyak sa loob ng isang cabinet. Sht! May minumulto pa yata ako. Kinakabahan siyang nagmadali. Gayunman, kinalma niya ang sarili. Walang multo sa lugar na iyon sa loob ng dalawang taon niyang pagtatrabaho. Isa pa, hindi siya naniniwala sa mga multo-multo. Aktuwal na hikbi ang naririnig niya kaya naman kuryosidad niyang hinanap ang pinagmumulan nito. Sa nakasaradong kabinet niya naririnig ang ingay. Lagyanan iyon ng panglinis sa kanilang silid. Inalis niya ang hook ng pinto nito na siyang pumipigil para iyon magbukas. Bumungad sa kanya ang batang lalaki. Nakayukyok ito habang yakap ang sarili. Naliligo sa pawis at luha. “Oh, my God!” bulalas niya na kinuha ang bata mula roon at inilabas. “Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa loob ng staff area?” Kinarga niya ito at iniupo sa cabinet. Kinuha niya ang kanyang paper towel na naroon sa kanyang locker at pinunasan ang basa nitong katawan dahil sa pawis. “I’m Gabriel. I played hide and seek with some kids earlier. I came here to hide, but someone locked the door,” katwiran nito. Magaan niyang pinunasan ang luha nito. His eyes are big, lighter than Filipinos. Naglalaro ito sa edad na apat kaya naman tila sumikip ang dibdib ni Kaitlin. “A-are you alright?” tanong niya habang pinupunasan ito. Tumango lang ito bilang sagot kahit pa nga ramdam niya na hindi pa ito nakababawi sa takot nito. “Ihahatid kita sa labas. Sigurado ako na hinahanap ka ng magulang mo.” “Oh no! My daddy! He would surely kill me!” natatakot nitong sabi. Napangiwi na lang siya. Sigurado siya na iniisip lang nito iyon. Normal naman sa edad nito ang malikot. “Kanina ka pa ba rito sa loob ng cabinet?” Tumango ito habang nagpapatuloy sa paghikbi. Gayunman ay sigurado rin siyang kailangan niya na itong i-report sa seguridad ng hotel. Inaya niya na itong lumabas ng staff area. “Halika! Ihahatid kita sa security. Siguradong natimbre na nila ang pagkawala mo,” aniya. Pinunasan niyang muli ang basa nitong mata at saka ngumiti. “Don’t cry.” “C-can you protect me against my dad?” tanong nito. Nalungkot siya. Hindi niya lugar kung sakali na pagalitan ito. May kasalanan din naman ito dahil napunta ito roon. Hawak ang maliit nitong mga kamay ay iginiya niya ito palabas ng staff area. Nasa daan na sila nang salubungin sila ng kanyang manager, si Eliza. “Kaitlin! Oh, my God!” bulalas nito matapos maibaba ang paningin sa kanyang kasama. “Alam mo bang kanina pa namin siya hinahanap? Bakit mo siya kasama?” Bakit? Anong ginawa ko? Nagsilapitan sa kanya ang ilang miyembro ng security team at basta siya in-escort-an na parang magnanakaw. “Pasensiya na. Kailangan naming kunin ang panig mo, Ms. Kaitlin.” Huh? “Wait lang!” Anong nangyayari? Anong kasalanan ko? Napatingin siya sa batang lalaki na kinarga ng isa sa miyembro ng seguridad. Wala na siyang nagawa nang igiya siya ng mga ito papunta sa isang malaking suite sa hotel na iyon. Anong nangyayari, Lord? Natagpuan niya si Gabby na nakaupo sa magandang single couch. Madilim ang mukha nito habang nakayuko at hilot ang noo. Ang assistant nito ay nakatayo sa gilid, at ilang miyembro ng security guard na nakatayo naman sa harapan ng lalaki. “S-sir Gabby, Gabriel is here,” anunsiyo ng assistant. Naguguluhan si Kaitlin na iginiya sa gitnang bahagi ng silid katabi ng mga guwardiya na nakayuko. Iniwan naman ng isa pang guwardiya si Gabriel sa kanilang bungad. “What the hell, Gabriel! Where did you go?!” Dumagundong ang tinig ni Gabby sa buong silid. “Come here!” Panay ang iling ng huli. Sa halip na lumapit kay Gabby ay tumakbo ito sa kanyang direksiyon. Kumapit ito sa kanyang binti. No! Wala po akong kasalanan! Kahit yata leon ay matatakot sa awra ng lalaki. “I told you he would be angry! Help me!” bulong ni Gabriel. What kind of situation is this? Kaitlin blinked her eyes. Naisip niya ang sinabi ni Gabriel na tatay nito kanina. Mabilis na nagbago ang kanyang takot matapos maisip na plano pa yata siyang paglaruan ng lalaki. “Ikaw ang tatay niya?” tanong niya kay Gabby. Nais niyang maasar. Ang galing nitong alukin siya ng date, gayong may sabit na pala ito! “Kate, hindi ka kasali rito!” inis nitong sabi na napangiwi. “Mr. Yong, Kaitlin! Una, ang galing-galing mong i-seduce ako gayong may sabit ka na pala! Ikalawa, bakit sa anak mo ikaw nagagalit gayong ikaw dapat d’yan ang may responsibilidad na alagaan siya? Alam mo bang nakita ko siya sa cabinet sa staff area?” “Anooo?” Nanlaki ang mata ni Eliza at ng ilan sa mga guwardiya. Napalunok ang mga ito na halatang hindi magandang paliwanag ang sinabi niya. “Nakarinig ako ng mga iyak kaya akala ko ay minumulto ako. But before that, I am so angry at you!” “Kaitlin! Fine, Kaitlin! Una, nakikita mo ba ang sets of bodyguards na pwedeng magbantay sa anak ko? Ikalawa, busy akong tao kaya ako nagbabayad ng pwedeng gumawa niyon para sa akin. Ikatlo, sino ba ang nagsabing may sabit ako? At ang pinakahuli—” Pinigil nito ang sarili, ngunit tumayo. Tinaas ni Kailin ang noo niya para harapin ito. Ngunit napapaatras siya kada hakbang ng lalaki. Hanggang sa makalapit ito sa kanyang harapan na iilang dipa lang ang distansiya. Naningkit ang mata nito habang nakatingin sa kanyang mukha partikular sa labi. Napapalunok siya. Maraming tao, baka bigla siya nitong halikan! “Kalahati lang ng labi mo ang may lipstick!” Nais niyang matumba sa narinig. Malayong-malayo iyon sa inaasahan niya. Iniikot ni Kaitlin ang mata sa silid. Napatingin siya sa kanyang gilid kung saan may mirror wall na sumasakop sa kabuuan ng pader. Kalahati ng kanyang labi ang pulang-pula habang ang kalahati ay maputla pa. Naisip niyang nagpapahid siya ng lipstick bago niya nakita si Gabriel. “Well, nakita mo na ang anak mo kaya goodbye, Mr. Yong!” Tinalikuran niya na ito na nagpabigla sa mga tao sa silid. Naiinis siya! Nais niya ring batukan ang sarili dahil sinabi niya na na-seduce siya nito. Hmp! “Kaitlin!” tawag ni Eliza na humahabol sa kanya. “Hindi maganda ang ginawa mo! Alam mong VVIP si Mr. Yong at nakatoka siya sa ‘kin! Anong kalokohan ang mga pinagsasasabi mo kanina? Gusto mo bang bigyan kita ng memo sa pambabastos mo sa guest ng hotel?” Kinalma niya ang sarili. Aminado siya na nagkamali siya sa parteng iyon. Nagpadala siya sa pagkaasar sa lalaki. “S-sorry, ma’am!” “Hihingi ako ng dispensa kay Mr. Yong, pero huli na ito!” Inirapan siya ng babae at saka siya tinalikuran. She was pissed! Kung plano ni Gabby na pagtripan siya, nagkamali ito ng taong naisip paglaruan. Bakit ba nagpuputok ang butsi mo d’yan?! tanong niya sa sarili. Bakit nga ba? She flipped her hair, and then dedma! Bumalik na siya sa staff area at ipinagpatuloy ang makeup. Tinapos niya ang lipstick na kasalukuyang kalahati lang ang may pahid. Lalo niyang tiningkaran ang kulay—mas mapula, mas maganda! Mas maalab! ‘Yong kaya siyang ipaglaban!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD