NABIGLA si Kaitlin sa hiling ni Khalid nang makausap niya ito bago siya umalis papasok sa casino. “Kate, alam ko na marami kang ginagawa, ngunit nalaman ko na madalas si Gabby Yong sa casino para ligawan ka. Gusto kong paibigin mo si Mr. Yong kung saan malululong siya sa sugal.” “Paibigin?” ulit niya sa hiling nito. Matapos niyang naisin na lumayo kay Gabby ay hihilingin sa kanya ni Khalid na akitin ito? Naloko na! “I am asking this favor as a friend, Kate. His brother did something to Angel. He almost r*ped her! Hindi ako titigil na hindi makaganti. Si Gabby ang suporta ni Gavin at nag-utos dito na hawakan ang construction business nila sa Busan. Kailangan kong putulin ang sungay ng gago na iyon at may kinalaman iyon sa magkapatid na Gabby at Emma. Please…” “Emma?” Who was that? Nga

