“ODETTE?” Iniikot ni Kaitlin ang kanyang katawan at natagpuan si Amanda, ang kapatid ni Dmitri. Halatang mas nadagdagan ang edad nito. Kasama nito si Isabel na walang bahid ng kahit anong kademonyitahan sa mukha. Nagkrus ang mga braso ni Amanda habang pinasadahan siya ng tingin mula paa hanggang ulo. “So, it's true. Narito ka nga!” Ipagkakaila niya sana ang sarili kaya lang ay kasama nito si Isabel. Sigurado rin siya na nagpunta roon ang babae para suyuin ang huli dahil sa isyu nito kay Dmitri. Alam niya noon pa man na ayaw sa kanya ni Amanda, ngunit dahil nakakakuha ito ng mamahaling gamit sa kanya ay hindi nito ipinahayag ang kung anong damdamin. Everyone in his family used her. “Amanda, huwag mong isipin na sinundan niya rito ang kuya mo. Hindi gano’n yon,” sabad ni Isabel na mun

