Year 1987
FLASH BACK
Aalas otso ng umaga, marami ng mga bata ang naglalaro at nagbibilad sa ilalim ng di masyadong mainit na sikat ng araw. Merong naghahabol habulan sa laro na pinangalanan ng mga bata na " bente bente itlog ni vicente". Isang laro kung saan merong taya na siyang magiging si vicente na maghahabol ng mga itlog, at ang mga hahabulin nito ay ang mga kalaro nitong magiging mga itlog na tatakbo upang habulin ito. Kapag medyo hinihingal o pagod kana ay kailangan mo lang umupo at itaas ang kamay mong naka peaca sign sabat sigaw ng "taympeeeers" na sa totoo ay "Time ay freeze".
Nakakatawa man pakinggan pero yan talaga ang binigay nilang pangalan sa laro na yun. Hindi man nila alam kung saan nanggaling ang pangalan ng laro o di kaya kung sino ang nagbigay ng pangalan sa laro, pero wala na talagang pakialam ang mga batang makukulit na naglalaro dahil ang importante lang sa kanila ay ang makapag laro sila.
Takbo doon... takbo dito... sigaw doon... at sigaw din dito... yan ang eksenang makikita mo sa mga bata ngunit di mo maipag kakailang ang sarap makitang masaya silang lahat.
Ngunit ang pag tatakbuhan at pag hahabulan ng mga bata ay biglang natigil ng ang Nanay ng isa nilang kalaro ay sumigaw mula sa labas ng bahay nila malapit sa pintuan.
" Daisy puli na di dasiga" (translation: Daisy umuwi kana, bilis) sigaw ni aling Rossie na Nanay ni Daisy.
Mula sa malayo kitang kita ni Daisy ang nakatayo niyang ina na nakalugay ang mahaba at straight na buhok. Bigla ay nakaramdam si daisy ng takot sa ina niyang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata at parang sinasabi sa kanyang kailangan niya ng umalis papalayo sa kanyang mga kalaro bago pa mag umpissa ang fraternity na sinasalihan niya tuwing galit ang nanay niya. Kaya patakbo niyang pinuntahan ang direksyon kung saan nakatayo ang nanay niya.
"po...naaay?" Inosenteng saad ng batang si Daisy.
"meron akong ipapakilala sayo, siya ang tiya Ellese mo... asawa ni tiyo Carlos mo" sabay muwestra ng kamay nito sa babaeng mataba na nakatingin sa kanya. "At ito naman ang anak niya si Charlie" at itinuro ng kanyang ina si Charlie.
Taas noo namang lumapit ang batang si Charlie papunta sa tiya Rossie niya. Nang makalapit na ay agad namang pina kilala ng tiya Rossie niya ang kanyang anak na babae na nagngangalang Daisy. "Charlie ito naman ang Nagiisang anak ko na babae si Daisy". Pakilala nito sa anak niya na lumapit ng konti kay Charlie. Malapad ang ngiting inilahad ni Daisy ang kanyang kamay upang makipagkamay sa batang lalake na kaharap niya, ngunit tiningnan lamang ito ni Charlie at di man lang pinansin ang pakikipag kamay nito.
Madaling binawi ni Daisy ang kanyang kamay dahil sa naramdaman niyang napahiya siya tsaka nahihiyang ngumiti sa batang lalake.
(KINAGABIHAN SA BAHAY NINA DAISY)
"Nay bakit po ang sungit ng batang yun?" tanong ni Daisy sa kanyang ina, na nagluluto ng kanilang pagkain.
"Sinong bata anak? Si Charlie?"
Balik na tanong ng kaniyang ina sa kanyan, sabay tingin sa anak nito na inosenteng nakatingin sa kanya. Tinanguan lamang ni Daisy ang kanyang ina bilang sagot sa tanong nito.
"Di naman sa masungit siya pero... malay mo baka masama lang ang gising niya o... di kaya wala siya sa mood" sabi ng kanyang ina kaya napatingin lang siya dito at di na nagsalita.
Matapos ang ilang minuto ng panonood sa kanyang inang nagluluto ay nagumpisa na siyang kumuha ng mga pinggan, baso, kutsara at tinidor. Nilagay niya ito ng maayos sa mesa bago tinawag ang kanyang mga kapatid na lalake at ang kanyang ama.
Masaya silang lima na nagkwentuhan habang kumakain. Nang matapos nilang kumain ay nag tulongan silang tatlong magkakapatid sa pagligpit ng mga pinagkainan nilang mag pamilya.
Ang panganay na si Boy ay ang kumuha ng mga pinggan, kutsara, tinidor at iba pa tsaka dinala ito sa lababo.
Si Otic naman ang bunso sa kanilang tatlo ay siyang pumunas ng mesa.
At si Daisy naman ang pangalawa, ang naghugas ng mga pinggan.
Matapos nilang tatlong magligpit ng mga pinagkainan ay nag hugas na sila ng kani-kanilang mga mukha at paa tsaka natulog.
END