China's POV Kaagad kong kinuha si Voreios at niyakap. Hindi ko namalayan ang mga luha sa pagpatak sa aking mga mata sa oras na iyon. Wala na rin akong pakialam kung pareho kaming nakasalampak sa marunong lupa. Ang mahalaga sa akin sa pagkakataong iyon ay ang katotohanan na hawak ko ang aking anak. "V- Vida!" Tawag ko sa kasambahay. Mabuti at mabilis naman siyang nakadalo. Kaagad siyang nagtanong kung bakit ngunit hindi ako nakasagot kaagad dahil sa panginginig. "Madame, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya. Mas mahigpit kong niyakap si Voreios. Nang sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para nag-angat ng tingin sa kaniya ay wala na akong hinintay sa sandali upang magtanong sa kaniya. "Why… is t-there a written word like that on o-our wall?" I asked, my voice still trembling

