China's POV Hapon na nang umalis kami roon. Buong oras na naroon kami panay ang iwas ko at gan'on naman siya kung makabuntot. Napagbigyan naman nang naglaon pero hanggang halik lang muna dahil base pa rin sa bilin Dra. bawal munang gawin ang bagay na iyon dahil sa process of healing pa ako. "Maayos ka na po, Mommy?" Inosenteng tanong ni Voreios nang nasa kuwarto na kami at naghahanda para sa movie time (madalas nilang mag-ama). They'll watch a cartoon movie na bagong diskubre lang ng anak ko. Iyon ang bonding nilang mag-ama kaya kahit madalas naman akong antukin ay nakikisama na lang din ako sa kanila. I don't want my son to think that I'm some sort of killjoy. Well, hindi niya naman naiisip iyon, sadyang ayoko lang na mabuo iyon sa isip ng anak ko. North was busy setting up the scr

