Kabanata 13

1059 Words
China "May sasabihin ka?" I asked North nang nakatitig lang siya sa akin. "May sasabihin ako pero, hindi puwede rito, it might..." nag-iwas lang siya ng tingin. "It might, what?" napatawa ako at sinubukang hulihin ang kanyang mga mata habang nakakunot ang noo. He held my hand at hinila niya ako paalis sa may dancefloor. "I think it's time for you to know." he said that confused me more. Josiah's PoV Nakapamulsa lang ako habang nag-uusap ang mga businessman sa lamesa namin. Mr. Del Mundo is busy talking about his proposal pero hindi ko maituon sa kanya ang atensiyon ko. Nilagok ko ng tuluyan ang wine ko nang makitang hinila na ni North si China paalis sa dancefloor. I took that as a signal to get up and follow them. "Excuse me." paalam ko sa mga nasa lamesa namin at nagmamadaling tumayo para masumdan sila. I think it's time for her to know that truth. China's PoV "The reason why I brought you here is to confess, China." Napawi ang kaninang ngiti ko. Unti-unti iyong napalitan ng pagtataka sa kung ano man ang aaminin niya. Pakiramdam ko ay nasa isa akong palabas pero walang commercial break, tuloy-tuloy. "W-what is it, N-north?" nanginginig kong sinabi. "First of all, I want to say sorry,China. Sorry for hiding and sorry for being an ashole." panimula niya na mas lalong nakapagpakunot sa noo ko. "Bago ko sabihin sa'yo lahat. Tatanungin muna kita. Ni minsan ba, hindi mo hinanap ang ama ng magiging anak mo?" nakayuko niyang tanong. "Anong...a-ano ba'ng ibig mong sabihin North?" I swear, hindi ko na talaga mapipigilan at baka mapasigaw na lang ako rito. "Paano kung nalaman mong ang ama ng dinadala mo ay nasa...harapan mo Lang? Na masyado lang naduduwag ang taong iyon para sabihin sa'yo ang totoo? " nag-angat siya ng tingin sa akin, and there I saw his tears falling down from his cheeks. "North, ano ba?!" I exclaimed out of frustration. "Paano kung sabihin kong ako ang nakasama mo sa gabing iyon, China? Things will change from now on, right?" pumiyok ang kanyang boses sa huli niyang sinabi. Sa gulat ko at umangat ang kamay ko at dumapo iyon sa aking bibig. "Don't you dare... Huwag mo naman akong biruin ng g-ganyan, North..." halos magmakaawa na ako sa kanya. "If this is a prank, it's not funny." I said as my tears flow like a river down my cheeks.Umiling siya. "Sana nga... sana nga prank na lang ang lahat para walang magbago..." nanghihina niyang sinabi. "North...paanong...paanong ikaw? Tell me?!" I shouted out of frustration for the nth time that day. Gulong-gulo ako. Para bang umiikot ang mundo ko sa lahat ng naririnig ko ngayon mula may North. Hindi siya sumagot kaya naman lumapit ako sa kanya at nahampas-hampas ko siya sa kaniyang dibdib gamit ang aking kamay. "China!" boses iyon ni Josiah na nanggaling sa kung saan. Ngunit hindi ako nagpatinag, nagpatuloy ako sa paghampas kay North na para bang doon ko inilalabas lahat ng nararamdaman ko. 'China!" isa pang tawag sa akin bago may humuli sa kamay ko at inilayo ako kay North. "Bitiwan mo nga ako!" Sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa aking mga mata. " Ikaw! Alam mo din 'to 'di ba?" harap ko kay Josiah at hindi ko na napigilan ang palad kong dumapo sa kanyang pisngi. "China, calm down! We can explain, okay?" pag-awat sa akin ni Josiah pagkatapos ng sampal na iyon. Ni hindi niya nga iyon napansin dahil masyado siyang tutok sa pag-awat sa akin. "I can't remember everything noong gabing iyon―" aniya na nakapagpatigil sa hininga ko. "Imposibleng wala kang alam!" Patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha at wala akong ibang gusto ngayon kung hindi ang malaman ang katotohanan. "Yes." Sa wakas ay umamin din siya. May alam ako pero maniniwala ka ba?" "Kahit ano pa 'yan paniniwalaan ko basta totoo!" hamon ko sa kanya. Parang pinipiga sa sakit ang aking puso dahil pakiramdam ko ay napagkaisahan ako. Ang masakit pa, akala ko ay makakapitan ko, iyon pala ay pinag-mukha lang akong kawawa. "It's your mother who drugged us!" sigaw niya na nakapagpatigil sa hininga ko. Sa mga oras na iyon ay napaaga ang pagguho ng aking mundo. Ilang beses kong hiniling na sana ay nabingi lang ako o iba ang pagkakarinig. Pero sa paraan ng pagkakasabi niya ay hinahatak ako ng aking sistema upang paniwalaan siya. "W-what did y-you just... say?" hindi makapaniwala kong tanong. Umatras ako at nakaramdam ng panlulumo at panghihina. Hindi muna siya sumagot. Yumuko siya at ilang beses na nagpakawala ng malalalim na paghinga. Para bang ito ang pinakamahirap na yugto ng kaniyang buhay. "S-Sinisiraan mo pa talaga sa akin a-ang Mommy... k-ko?!" Tiim bagang ko siyang itinuro. Mas naging desperado ang aking mga luha. Pinaghalong sakit at panlulumo ang aking naramdaman. "May naglagay ng kung ano sa inumin natin, China... without us noticing it," mas malinaw niya nang sinabi iyon. "Alam kong hindi kami magkasundo ni Mommy pero...hindi niya iyon magagawa!" Bakit ba nangyayari 'to? Ano bang nagawa ko at pinaparusahan ako ng ganito? Napailing ako. "I know," ani North "...dahil kapag nalalasing ako, hindi ako nawawala sa huwisyo, iba sa gabing iyon." paliwanag pa niya. "China―" si Josiah iyon na sinubukang lumapit sa akin ngunit tinuro kong muli siya. "Don't," pigil ko. "Don't you dare go near me. Pareho k-kayo! I don't want to see you. And you!" tinuro ko si North. "If this," I pointed on my stomach. "Kung anak mo nga ito. Ipinapangako ko sa sarili ko at sa'yo na hindi mo siya makikita hangga't hindi ko pinahihintulutan!" I said with finality before walking away from them. "China!" boses nilang dalawa iyon. Pero hindi ko na sila nilingon. I ran upstairs at sakto namang tinawag ako ni Talia. I locked the door nang nakarating ako sa kwarto. Hinahabol ko pa ang himinga ko kasabay ng luhang bumabagsak sa aking pisngi. I don't know why I'm this angry when they both have an explanation. Pinalis ko ang luha ko nang marinig ko ang katok sa pinto. It was Talia. "China, are you okay?" She asked. Imbes na sumagot ay mas lalo lang bumuhos ang luha ko. Nakatunganga lang ako roon, hindi pa rin nagsisink in sa utak ko ang mga sinabi nina North at Josiah. What the heck just happened to us?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD