(6 Years Later)
China
"Mommy, why am I always at home? Hindi po ba ako puwede sa labas like other kids?"
Hindi iyon ang unang beses na nagtatanong ang anak ko tungkol sa bagay na iyon. Lately, palagi niya na akong pinipilit na gusto na raw niyang maranasan ang maging normal na bata.
Iyong nakalalabas, at nakikipaglaro kasama ang ibang mga bata.
Hindi ko naman siya ikinukulong rito sa condo. Sadyang hindi lang siya nakalalabas kapag hindi ko alam, at lalo naman na kapag hindi ako kasama. Sa apat na buwan naming pananatili rito sa Pilipinas simula nang lumipat kami mula Espanya ay maayos naman ang buhay namin. Walang anumang gulo.
He was also home schooled. Sa takot ko na baka masundan kami ng ama niya na alam kong maraming koneksiyon ay hindi ko siya pinagaral sa mga eskuwelahan.
Alam kong nakakalungkot at hindi 'yon healthy para sa kaniya, pero ayaw ko lang na dumating ang araw na kinatatakutan ko.
I took a deep breath as I bent my knees for our faces to level.
At a young age, my baby Voreios could digest things easily. Madali siyang matuto at makaintindi ng mga bagay-bagay kaya hindi ako nahihirapan sa pagpapaliwanag sa kaniya, lalo na ganitong mga sitwasyon.
"Baby…" I gently caressed his soft cheek. Ngumiti ako sa kaniya, at saka ko hinuli ang kaniyang munting kamay upang hawakan at dalhin iyon sa aking labi upang halikan.
Marami na akong pinagdaanan sa mundong ito, ngunit paulit ulit ko iyong gagawin kung si Voreios naman ang kapalit.
"Mama is very sorry for t-that." Nanubig ang aking mga mata. Alam kong darating ang araw na nagtatanong siya, pero hindi ko inasahan na ganito kabilis iyon.
"Alam naman ng big boy ko kung bakit sa house ka lang na-sstudy 'di ba?" I asked him and he immediately nodded his head.
"Kasi scared si Mama na baka may kumuha sa akin. Tama po ako, Mama?" Inosente niyang sinabi.
Minsan, napapaisip din naman ako. Nakokonsensiya dahil hindi man lang naranasan ng anak ko ang pagkakaroon ng normal na kabataan.
Dahil sa takot ko, pati ang anak ko nadadamay pa.
Tumango ako sa tanong na iyon ni Voreios.
"I'm sorry, baby…" I apologized, but instead of getting another set of whining, I felt his soft and small hands on the bottom of my eyes to wipe up my tears.
"It's okay, Mama. I understand. I'm sorry for asking, too. I think na-prepressure ko na po ikaw," he said.
After his words, I was stunned when he stepped closer to me for a warm and tight hug. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking leeg at marahang hinaplos ang aking likod na para bang inaalu ako sa mga bagay at pangyayaring nakapagpapahina sa akin.
Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya. I want him to feel the warmest hug I could ever give. Gusto kong malaman niya sa pamamagitan niyon na mahal na mahal ko siya, bukod pa sa sinuman sa mundong ito.
I would never trade him for something else. Si Voreios lang, sapat na sapat na sa akin iyon. I won't ask for more as long as it's my son.
Wala kaming ibang ginawa sa araw na iyon kung hindi ang manood ng paborito niyang palabas sa TV.
Sa ilang oras naming panonood ay hindi ko namalayan na nakatulog na siya na nakaunan ang kaniyang ulo sa aking hita.
Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang payapang natutulog, at masuyo siyang tinitigan habang marahan kong hinahaplos ang malambot at medyo may kahabaan na niyang buhok.
Naglahong parang bula lamang ang ngiti sa aking labi nang may napansin. Bigla kong muling naramdaman ang takot.
He looks exactly like his father. Mapa kilay na makapal at ang kurba nito, sa labi niyang mapula at sa hugis ng mukha pa lang, kapag nakita siya ni North, alam kong wala akong kawala rito dahil kahit hindi tanungin, nagsusumigaw ang pagiging Delacroix ni Voreios.
"Hindi pa ako handa, baby. Ayokong mawala ka sa akin sa oras na malaman ng ama mo kung nasaan ka. Hindi ko pa kakayanin…" bulong ko sa mahinang boses bago bumagsak ang mga luha sa aking mga mata.
Umalis ako noon sa galit ko. I let my anger took over me. Ni hindi ko man lang pinakinggan ang side nila. I didn't even gave them the chance to clear their names. Nabulag ako noon sa galit, kaya ngayon… isa pa iyon sa dahilan kung bakit ayaw kong makita sila— dahil sa kahihiyan.
Hinayaan ko ang posisyon namin ni Voreios na gan'on. Nakakalungkot isipin na parang ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang ay hinehele ko pa siya para makatulog, ngayon ay kaya na niya ang kaniyang sarili. Minsan pa nga ay ayaw pang makialam ako sa mga bagay na dapat ay ako pa ang gumagawa para sa kaniya.
Iyon pa, kahit ang karamihan sa mga ugali at habit ni North na alam ko ay nakuha niya rin. It was like he's the exact replica of his father.
I kissed his forehead and continued caressing his cheeks. I used to believe that he's a mistake, but now… I finally understood that he never was a mistake. Sa katunayan, I could finally say that he's a blessing from above. Hindi man sa tamang paraan at pagkakataon, I am still beyond happy to think that I am his mother.
Maggagabi na nang nagising si Voreios. Mabuti na lang at hindi siya makulit matulog kaya naiwanan ko siya sa sofa kanina para makapagluto ng dinner.
Hindi ko na kasi siya kayang buhatin. He's so heavy.
Naghihikab pa siya nang naabutan ko sa couch. Iniunat niya ang kaniyang mga kamay at nang mamataan ako ay sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
"Food is ready, baby. I cooked your favorite," I happily informed him as I place a kiss on his lips.
Mas lalong lumapad ang kaniyang ngiti. "Really, Mama? Tinolang manok?" He asked. His voice was full of energy and enthusiasm.
"Yep." I pinched his nose.
Kaagad siyang bumalikwas paalis sa sofa. He looks so excited and happy at the same time. Iniwan niya ako roon at mabilis na tumakbo patungong kitchen.
Napailing na lang ako at natatawang tumayo upang sundan siya.
On my way to the kitchen, the door bell rang. Kumunot ang noo ko nang natantong wala naman akong inaasahan na kung sino ngayon.
Si Charlie lang naman ang inaasahan ko, pero sa Sabado pa iyon kasi iyon lang ang off niya sa work. It's just Friday today.
Nagdalawang isip pa akong lumapit sa pinto. Sumilip ako sa maliit na butas doon. It was indeed Charlie. Mas lalo akong nagtaka.
What's he doing here?
Kaagad kong binuksan ang pinto para papasukin siya. We've been best of friends a long time ago. Actually, sa Greece pa kami nagkakilala. We got close to each other, at isa pa… isa ring Filipina ang kaniyang Ina kaya narito rin siya ngayon, partly because he wants to visit his mother.
His father owns a company here in the Philippines, too. Actually… doon din siya nagtatrabaho. His father wants to hire him as the company's COO, but he refused his father's offer dahil aniya ay gusto niyang maranasan ang mababang puwesto para mas lalo siyang mahasa at matuto.
"What's up, C? Hindi mo pa day-off, a?" I asked, confused of his presence.
He snorted as he shook his head sideways. "Wala man lang greetings? Question agad?" He raised a brow on me. I rolled my eyes on him.
"O, e 'di hello, Sir. Kamusta?" I sarcastically said. Yumukod pa ako na para bang binibigyang puri ko ang presensiya niya.
"You're always that sarcastic. Kaya walang pumapatol sa'yo, e." He pinched my cheek.
"Personalan na naman tayo, baks ha?"
"Totoo naman, a? Also, could you stop calling me 'baks' na? Baka akalain ng mga chiks na bakla ako. Baka hindi pa ako magka-asawa dahil sa'yo, e. Idadamay mo pa ako," he stated.
Pumasok siya sa loob ng aking condo. Wala na nga siyang hiya-hiya, e. Basta na lang pumapasok. I don't mind, though.
"By the way, where's Voreios? Tulog ba?" Tanong niya habang tinatanggal ang kaniyang coat. Inilapag niya iyon sa likod ng couch sa sala.
"Nasa kusina, boss. Malamang tinolang chicken na naman ang niluto ko sa kaniya. Kaya ayun…" Nagkibit balikat ako at inginuso ang kusina.
One thing that I like about my son is that he can take care of himself. Ayaw niyang nakikialam na ako kaya hinahayaan ko siya, lalo na kung alam ko namang kaya niya naman. Lalo na sa kusina.
Mahilig din kasi siyang magluto sa murang edad niya marami na siyang mha dishes na alam lutuin, particularly Greek dishes dahil doon siya lumaki.
"Ba't ka nga pala nandito?" Tanong ko.
"Gusto lang kitang yayain mag-clubbing. Namiss ko na kasi. Just wanna try. Malay mo, baka makahanap tayo pareho ng love life doon?" He gave me a wicked grin on his face.
Nakatunganga ako sa sinabi niya. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Clubbing? Really, Charlie? Alam mo naman na may anak ako 'di ba?" Napahilot ako sa aking sentido.
"Oo na nga, Chi. Nagyaya kasi yung isang ka-trabaho. Kung ayaw mo sa clubbing, baka sa beach with Voreios payag ka na? Ilabas mo naman minsan 'yang anak mo. Hindi na nga yata 'yan nasisinagan ng araw, e."
Humalukipkip ako at nagpakawala ng malalim na hininga. Napaisip ako sa sinabi niya.
Wala pa naman akong gaanong ginagawa dahil papasok pa lang ako sa trabaho. May savings pa naman ako kahit paano sa pagtatrabaho ko sa Greece noon.
Naaawa na rin naman ako kay Voreios. I think he needs a vacation, too.
"Don't worry 'bout the expenses. My call," dagdag niya pero tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Go ako sa beach with Voreios, but sa call mo ang expenses? No."
"Fine, Miss Independent. Kung 'yan ang gusto mo."
Marami pa kaming mga pinag-usapang mga bagay. Natapos na rin sa pagkain si Voreios ay hindi pa kami tapos.
"I also need a vacation bago ako mag-focus sa ibinigay na big project sa akin ni Dad." He lazily said.
"Big project?" Kunot noo kong tanong.
"Yup. May meeting nga ako with the eldest heir of the Delacroix next week, e."
Para akong natapunan ng malamig na tubig sa narinig ko. Pakiramdam ko ay luluwa na sa gulat ko ang aking mga mata.
"S-Si North Delacroix b-ba?" Malakas pa ang kabog ng aking dibdib nang tanungin ko iyon.
"Oo. You know him?"
I bit my lowerlip. Bumilis ang tahip ng aking puso. Sadyang lumiliit ang mundo para sa amin, and it made me more scared. I wasn't prepared for this. Kahit anim na taon na ang nakalipas.