Kabanata 18

1201 Words
China Hindi ko alam kung paano kami parehong kumalma pagkatapos niyon. Silence took over us inside his room, and the next thing I know… nasa kama na kaming pareho at wala pa ring imik. Nakokonsensiya naman ako ngayon, lalo na kapag naaalala ko iyong mga sinabi niya kanina. Kung paano siya nagmakaawa na hindi namin namin siya ulit iiwan. "Mag… bihis ka kaya muna?" Sabi ko nang sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para makausap siya. Hindi naman siya marumi o mabaho, hinulaan ko na lang na routine niya iyon para naman mabasag ko lang ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakabibingi kasi. Nilingon niya ako. His eyes were still red. Halata pa rin doon na kagagaling niya lang sa pag-iyak. "Hindi ka aalis?" Nahimigan ko roon ang takot. I swallowed hard. Siguro ay natatrauma na siya sa tuwing naiisip niyang baka takasan ko na naman siya kagaya noon. "Hindi, North," I assured him by nodding my head. Tipid ko rin siyang nginitian. The room's just feel heavy. Ayoko ng ganito… hindi ako sanay. Ilang sandali pa siyang nakatitig lang sa akin. Alam kong ayaw niya, pero dahil sinabi ko… gagawin niya. Imbes na matuwa ako sa pagiging obedient niya, mas lalo lang akong natatakot. Iyon mismo ang ayoko. I don't want him to do something he doesn't really like to do just because I said so or because it satisfies me. I know that most of the time, I am controlling, but I don't want him to fall for that trap of mine, too. Gusto kong mas matuto siyang humindi sa akin. I want him to know that it's okay to say no and reject me sometimes. Lalo pa kung makaapagbigay iyon ng gaan sa loob niya. He let out a heavy sigh. Tumayo siya at nagsimula ng maglakad patungo sa walk in closet. Pinanood ko siya habang papalayo sa akin. Mabibigat ang bawat hakbang niya at kung ako lang siguro iyong sahig, aaray ako. Papasok na nga lang siya ay muli pa siyang lumingon sa akin. He was very much hesitant to enter kaya naman nang hindi ko na napigilan ay napailing ako't tumayo para lapitan siya. "Sasamahan na nga kita." Hinablot ko ang kamay niya. I pulled him in. "It's not like I'll escape. When I said I'll stay, I mean it, okay?" Napahagikgik ako. Hay nako... "Alam kong maaaring hindi mo ako pinagkakatiwalaan, pero gusto kong malaman mo na ngayon… tutupad na ako sa sinabi ko. I won't promise, I'll just do it." I smiled at him. Nasa loob na kami ng walk in closet niya. I can't help but to admire how organized it was. Walang ni isang gamit doon ang hindi nakalagay sa tamang lagayan. Everything's just on their right places. Karamihan din sa mga damit niya ay itim, puti o hindi naman kaya ay gray. Iilan lang ang mga neon colors. "Thank you," I heard him say. Naramdaman ko rin ang dahan-dahang pagdausdos ng daliri niya para maipagsalikop iyon sa pagitan ng mga daliri ko. Dumapo ang mga mata ko roon. Napansin niya siguro iyon kaya naman sinubukan niyang kalasin iyon. Instead of letting go of his palm, mas hinigpitan ko ang pagkakasalikop n'on. I felt him stilled at my sudden move. Minsan, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Masyado akong pabago-bago. Walang kongkretong desisyon sa buhay, pero ngayon… may isang bagay na gusto kong pag-isipan talaga dahil ayaw ko ng magkamali. This time, I'll do it right. "For what?" Takhang tanong ko. Ibinalik ko ang mga mata ko sa mga damit at kagamitan sa loob ng walk in closet niya. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. Pakiramdam ko ay matutunaw lang ako. "For this… for everything," he replied. Sa bawat salitang binibitawan niya, ramdam ko na ingat na ingat siya. "No problem. At saka… you don't need to thank me. It's my choice, too—" "Sana hindi dahil naawa ka l-lang sa akin." He said in a hopeful tone. Natigilan ako roon. I slowly turned to face him. How could this man lose his confidence just because of that? Hindi niya ba alam na mas nakakatakot siya kanina at mas lalong ako dapat ang maubusan ng lakas ng loob dahil sa mga ginawa ko? Kinalas ko ang pagkakasalikop ng mga kamay namin. I saw how his eyes widened at that. Muli akong umiling. Hindi ako makapaniwalang ngumisi sa kaniya. Then, I raised my hands to cup his face. Ikinulong ko ang mukha niya gamit ang mga palad ko. "I want the confident and intimidating North Delacroix back. I want my North back…" I said those words while looking straight into his eyes. Gan'on din ang ginawa niya. Hindi ako kumurap dahil ayokong isipin niyang nagbibiro ako. "Don't doubt yourself, okay? For the nth time, hindi kami aalis. Dito lang kami ni Voreios. We'll stay, unless you want us ou—" "That won't happen." Putol niya sa akin. Tumango ako. "Then, that's good. Let's not talk about the bad things, okay? Let's go get you something to wear." I patted his cheeks gently. After that, tinalikuran ko na siya. Alam kong hindi pa rin siya gumagalaw kaya dumampot na ako ng kahit na ano sa mga damit niya. Basta iyong alam kong pambahay niya. "Sorry kung ginalaw ko na, ha?" Kaagad naman siyang tumango. "Thanks…" I said. Nang sa wakas ay gumalaw siya, nakahinga ako ng maluwag. Lihim na lang din akong napangiti nang mapansing medyo dumilim na ang timpla ng mukha niya ngayon. Ewan ko ba kung bakit mas gusto ko siyang nakikitang magkasalubong ang kilay at parang galit kahit ang totoo ay normal lang naman iyon na facial expression niya. "Wala akong damit na dala kaya magrerequest sana ako kung puwedeng magpasama sa apartment para kumuha ng damit?" Alam ko naman kasing hindi siya papayag na ako o kami ni Voreios lang ang pumunta. "Meron na kayong damit ni Voreios dito. Hindi ko pa naipapaayos, but I will… tomorrow." "Ha?" Naguguluhan kong tanong. "Nagpabili ako kanina kina Manang." Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "So expected mo na pala 'to?" I snorted in disbelief. "Ready ka, ha?" Pangaasar ko. Isang ngisi naman ang isinukli niya sa akin. "Not gonna lie, but yeah… kinda." Nagkibit balikat siya. "Ewan ko sa'yo, Delacroix." Inirapan ko siya habang patuloy sa pag-iling. "Chin?" He called so I lifted my gaze to him. He looks hesitant again. "Hmm?" Was the only reply I could ever mutter. "Puwede mag-request?" Gulong-gulo man ay tumango na lang ako. "Yep. What's it?" "Sabay tayong mag-shower, please?" Napangisi ako. "Thought you'd never ask," I said. "Why not?" *** Natawa po talaga ako sa mga pronunciation niyo sa name ni Voreios. Pero na-curious po talaga ako kaya ko po natanong. Actually, as the one who wrote it, I prefer to read it as "Vo-row" parang borrow na hiram. So, his whole name is pronounced as, "Vo-row Mi-ka-el Tan - Dela-croy" Wala po, ang arte ko lang. Hahaha. Anyway, nangangamoy anuhan sa Kabanata 19. The most challenging part of writing for me so far is prolly writing a Bed Scene huhu. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD