Kabanata 17

1258 Words
Kabanata 17 China waited for North outside. Nakadungaw lang siya roon kagaya ng bilin nito sa kaniya. She can see how much North longed for his son. Parang may humahaplos sa puso ni China habang pinapanood niya si North na paulit ulit na hinahalikan si Voreios sa noo at sa mga pisngi nito. Then, he'd whisper words to him. Ilang sandali pang ganoon bago ito humalik muli sa noo ng anak bago nito inayos ang kumot na nakatabon dito. He dimmed the light of the lampshade bago tuluyang tinalikuran ang anak. China swallowed hard upon seeing North's sharp glares. Dinig na dinig ni China ang malakas na kalabog ng kaniyang puso. "Let's go," North spoke. Kalmado iyon ngunit may diin. Walang nagawa si China kung hindi ang sundan si North na nilagpasan siya. Only a few steps away from the room where Voreios is, tumayo siya sa harap ng isang malaking pinto, sa likod ni North. North punched in the password, then the door opened. Itinulak nito ang pinto pabukas. China thought that he'd come in, but when his eyes averted on hers, she swallowed the bile on her throat, hard. Para talaga siyang natutuyuan ng lalamunan sa tuwing tinititigan siya nito. "Pasok." North ordered. Mabilis man ang tahip ng dibdib at kulang na lang ay matumba, sinunod niya ang gusto ni North. The lights of the room immediately lit up when she entered. Nakatalikod siya sa pinto na pinasukan niya. Walang lakas ng loob para humarap dahil alam niya kung gaano nakakatakot ang bawat titig na ibinibigay sa kaniya ni North. His silence was scaring her more. Mas okay pa sa kaniya na sigawan na lang siya nito, kaysa naman sa tahimik ito. Mas delikado para kay China kung gan'on. She's glued on the spot she's standing on. Para siyang estatwa na hindi gumagalaw doon. Mas lalo lang siyang kinabahan nang narinig ang pagsara ng pinto. Then, a few beeps dahil sa pag-lock ni North sa pinto. The only noise she could hear was her breathing and a few beeps from the airconditioner. "We need to talk." North uttered. China tightly shut her eyes. Huminga siya ng malalim bago taas noong humarap kay North. *** China "Go on. Ask away. Para matapos na 'to. I don't want to stay here for long. May mga gagawin din ak—" "Sinong nagsabi na papayag akong umalis ka ulit?" Naputol ang dapat ko pang mga sasabihin sa sinabing iyon ni North. Kung kanina ay kabado pa ako, ngayon ay wala na. "Hindi kita asawa, Mr. Delacroix kaya wala kang pakialam sa akin," I fired at him. Naiinis ako dahil sa ipinapakita niya. Ang kalmado na parang nangaasar! He's leaning on the wall. Nakahalukipkip habang nakabalandra ang mayabang niyang ngisi sa akin. Mas lalo nagtagis ang bagang ko sa iritasyon. "Well at least that's not yet. May I remind you na may anak tayo, Miss Tan." "So?" Salubong ang kilay kong sagot sa kaniya. Pati ba naman siya gagamitin sa akin iyon? "If you want to spend some time with Voreios, e 'di sige. Basta akin pa rin siya," matapang kong sinabi. "Voreios, huh?" He smirked. He even have the guts to eye me from head to toe. "Miss Tan, you see here…" He bit his lowerlip. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader ng kaniyang silid. "You should remind yourself that you won't get to decide on everything about our son anymore starting today. Anak ko rin si Voreios. My flesh and blood. Kung kailangan kong ilaban pa ito sa korte, gagawin ko." He confidently said. Mas lalong kumulo ang dugo ko roon. I want to badly punch him in the face pero pinigilan ko ang sarili ko dahil kahit papaano ay may kasalanan din ako. Ipinagkait ko rin sa kaniya ang anak namin. Huwag lang siyang sumobra dahil baka mahampas ko talaga siya. "Every decision, dapat kasali ako roon. Hindi lang ikaw," he added. Palapit siya nang palapit sa akin. "Dito rin kayo titira ni Voreis. As his father, iyon ang gusto kong mangyar—" Kaagad ko siyang pinutol. "No. At bakit desisyon ka, ha? Akala ko ba desisyon ng isa, desisyon rin dapat ng isa? Teka, ha? You… saying that Voreios and I should live here was your decision alone. Nasaan ako d'on?" I complained. "That's your punishment for running away from me." "Palusot mo bulok!" Sigaw ko sa kaniya. "Sa tingin mo ba madali sa akin 'yon? I was hurt. G*go ka ba?" Lumalim ang paghinga ko. Gusto ko na talaga siyang saktan physically. Ang kapal din naman ng isang 'to. Sa tingin ba niya huminga lang ako sa pagdedesisyon kong umalis noon? "Let's not argue about this anymore." Kalmado niya na ngayong sinabi. Ngayon pa na nanggagaliti na ako sa galit? "Papayagan kitang makita si Voreios, oo. Pero ang kunin mo siya sa akin… hindi ako papayag, Delacroix." I said in a warning tone. Hindi ko na rin napigilan ang mga butil ng luha mula sa pagtulo ng mga ito sa gilid ng aking mga mata. "I didn't say that. I just want you both here, China. Hindi ko aagawin sa'yo ang anak natin. Masama bang gustuhin kong nandito kayong pareho sa tabi ko?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig kong iyon. Pati ang mga luha ko ay nabitin pa para lang salubungin ang nga mata niyang namumula dahil sa nagbabadyang mga luha. Gone the playful aura he's sporting earlier. "Ilang beses ko mang sabihin sa sarili ko na pagbabayarin kita sa ginawa mong pagiwan sa akin noon pagkatapos mong malaman ang katotohanan kapag nakita ulit kita, pero tang*na, e. Ang hirap magalit sa'yo. Nakakasama ng loob, pero what the fvck? Pakiramdam ko ako pa yung kailangang magmakaawa sa'yo para lang mag-stay ka?" He said those words bitterly. For the nth time, I was frozen again. His words hit like a bullet on my chest. Ang...sakit. Ang sakit kasi pakiramdam ko, tama siya. Umalis ako noon pagkatapos ko siyang pagsalitaan ng masama. Did I listen to him? No. Did I gave him time to clear himself? No. Ang unfair ko sa kaniya. Pero ano'ng magagawa ko? Nasaktan din naman ako. Nakaramdam din akk ng sakit. I felt like I was betrayed by those people whom I trusted. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagkalma nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. On his both bended knees, he begged me to stay. Nakapulupot ang kaniyang mga braso sa bewang ko at ang mukha ay nakasubsob sa aking tiyan. "Hindi pa ba sapat ang anim na taon mong pagpaparusa sa akin? Please… stay beside me. Kayong dalawa ni Voreios. I promise I won't hide any secrets. I'm sorry, Chin. I'm so sorry. Pagbigyan mo lang ako na makasama kayong dalawa, please… I'll do better." Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko siyang gan'on kahina. Am I proud? No. Mas lalo kong kinasuklaman ang sarili ko. Why is he saying sorry when I was the one to blame? Hindi niya itinago sa akin ang totoo dahil sa pansariling kagustuhan. He hid the truth from me because he doesn't want me to get hurt. "Tumayo k-ka." Utos ko, pero mas humigpit lang lalo ang yakap niya sa akin. "I'm so sorry…" he said it again and again. *** Hello po! For those who are asking. Yes, daily update ko na po itong story. Pa-thank you po sa inyo sa pag-vote po sa mga stories ko huhu. I also just wonder. Paano niyo po binabasa ang name ni Voreios?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD