Kabanata 20

1338 Words
Kabanata 20 China Alas tres na ng madaling araw, pero walang may balak na matulog sa aming dalawa. I can't sleep, because of my insomnia, at siya naman ay hindi ko alam. "You won't sleep, yet?" He asked that broke the silence between us. "Insomnia." Bumuntonghininga siya at mas lalo akong idiniin sa kaniyang dibdib. "Even if you're tired from what we did?" Pamimilit niyang tanong. "Yup," I answered. Hindi ko na rin alam. Gan'on na talaga ako simula noong napadpad kami sa Greece. Nasanay na rin siguro ang katawan ko sa pagod kaya hindi na ako nakakatulog sa tamang oras. Gustuhin man ng katawan kong magpahinga, my mind just doesn't want me to and that svcks. "E, ikaw? Bakit hindi ka pa matulog?" Tanong ko habang hinahaplos ang kaniyang braso. Hindi siya sumagot. He kissed the top of my head as he started to caress it. May ideya ako kung bakit siya gan'on, pero hindi ko na lang iyon sinabi sa kaniya. Grabe rin naman ang trust issue ng lalaking ito, e. "Chin?" He called my name. "Hmm?" Isang buntonghininga muna bago siya muling nagsalita. "Are we okay now? I mean… at least?" May pag-aalinlangan niyang tanong. At dahil nakaunan akonsa dibdib niya, dinig na dinig at ramdam ko ang pagbilis ng takbo ng kaniyang puso. Hindi ako nakasagot. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko. Siya ang gusto kong tanungin ng gan'on, pero naunahan niya ako. Ngayon tuloy, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. "I hope we are…" he assumed. I tightly closed my eyes. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya. I can't just utter the right word for now lalo pa't kakikita lang namin sa isa't-isa. We just had s*x, and now we're cuddling on his bed. Okay na nga ba talaga kami? I can't just say it, right? Masyado pang maaga na sabihin. But, really… what are we doing then? Hindi ko namalayang nakatulog na ako habang nakayakap kami sa isa't-isa. Umaga na nang nagising ako. Mataas na ang sikat ng araw. I groaned in pain when I tried to get up. Masakit ang katawan ko na para bang binugbog ako ng isang dosenang wrestler kaya naman umupo ako sa paanan ng kama para sanayin ang sarili ko. I moved little by little until I can tolerate the pain. Daig ko pa ang sumali sa marathon dahil mukha na akong seventy years old na paika-ikang naglalakad. Wala na rin doon si North. Mabuti na lang at may damit naman na ako. Sa tuwing hahakbang nga lang ay para akong nabibiyak sa sakit. Sobrang bigat din ng katawan ko. Napahikbi ako nang muling dumaan ang sakit. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang maupo sa pinakamalapit na sofa mula sa kinatatayuan ko. I can't even reach the fvcking door! Ilang beses kong nasabihan ng masasamang salita si North sa utak ko. My goodness! Ano bang ginawa sa akin ng lalaking iyon? Para akong inararo ng sampung truck sa sakit! Mariin akong napapikit. It just really hurts! Napasandal na lang ako sa likod ng sofa at tumingala sa kisame. Huminga ako ng malalim bago napagpasyahang subukan muling tumayo. With shaking legs, I tried to step a foot. Masakit pa rin talaga pero… medyo hindi naman na gan'on kalala sa kanila. Kailangan ko ring makalabas dito para i-check si Voreios. Sigurado ay gising na iyon at hinahanap na ako. Mabuti na lang at hindi naman ako nahirapan sa password ng kuwarto niya dahil may iniwan si North doon na note. Akala ko rin kasi ay sa labas lang password, pati pala kapag lalabas. Binati ako ng katahimikan nang tuluyan na akong nakalabas. Wala akong ibang nakita kundi ang isang ginang na maingat na pinupunasan ang mga wall paintings. Tumikhim ako para kunin ang kaniyang atensiyon. Lumingon naman siya kaagad sa akin. Gulat pa siya noong una, ngunit kaagad naman niya akong nginitian. "Ay, hi, Ma'am! Good morning. Gising ka na pala." She awkwardly laughed. Ngumiti na lang din ako. "Nasaan si North?" I asked. Inilibot ko rin ang paningin ko sa buong paligid. Nasa ikalawang palapag pa lang pala ako. "Nasa pool side po yata, Ma'am. Kasama yung anak niyo raw na si Vor…" Napangiwi siya nang hindi niya mabigkas ang pangalan ng anak ko. "Voreios," I said. "Yun nga, Ma'am," aniya. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang kinikilala niya ako. "Ikaw pala si Ma'am China. Palagi ko kasing naririnig 'yon kay Sir kapag may mga pumupunta rito na member yata ng men in black. 'Lam mo 'yon, Ma'am? Minsan nga, iniisip ko na nabubuang na si Sir kasi puro siya China. E, wala ka naman dito," kuwento niya. Para lang siyang iyong mga chismosa sa kanto kung makapagkuwento. Naaliw talaga ako lalo na sa mga facial expressions niya. "What was your name again?" Tanong ko dahil natutuwa talaga ako sa kaniya. "Yuri, Ma'am. Ang ganda mo talaga, Ma'am. Kung lalaki lang din ako, baka maging magkaribal kami ni Sir North. Mas crush pa kita kesa sa kaniya, e!" Aniya. What the heck? Pinigilan ko ang pagtawa. How could she say that in front of me? Sobrang prangka naman ng babaeng 'to! But, I like the way she talks… Masyado akong na-entertain sa pakikipagusap kay Yuri na nakalimutan ko na iyong talagang sadya ko. "I'll talk to you later. Naaabala na kita sa trabaho mo. Puntahan ko lang sina Voreios sa pool side," I excused myself. Pinigilan ko talagang maglakad nang paika-ika dahil baka kung anong sabihin niya. Masyado oa namang honest. "Sige lang, Ma'am. Interview-hin na lang kita mamaya. Invite na rin ako ng mga guest. Yung mga kasambahay rin dito, Ma'am. Mga co-chismosa ko rin yung mga 'yon. Parehong mga curious simula noong nakita nila si Voreios kanina. Okay lang ba, Ma'am?" She even asked for my permission. Napaawang na lang ang labi ko. Ilang sandali rin bago ako makabawi sa sinabi niyang iyon. "Di naman namin isheshare sa iba, Ma'am. What's inside the house, stays in the house," she proudly said. Napailing na lang ako. I can't believe this girl! *** "You're really good at this, huh?" Dinig kong sinabi ni North kay Voreios. Pareho silang nakatampisaw sa tubig at mukhang nag-eenjoy naman sila sa pagligo. "Yes po. Ninong Charlie thought me how to swim very well," my son proudly said. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan silang dalawa. They seem close to each other. Parang matagal na silang magkakilala. Nakahalukipkip ko silang pinagmamasdan sa malayo. I just want to enjoy the sight of them talking to each other. "Ninong Charlie?" Tumango ang anak ko. "He's Mommy's friend. He often visit us sa apartment to check on us." Bahagyang nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni North. "Are you sure he's just Mommy's friend?" Voreios nodded. Kunot noo niyang binalingan si North. Pati paraan ng pagkunot ng noo, pareho sila. There's just no doubt that Voreios is North's son. Nagtataka na rin siguro ang anak ko kung bakit nagtatanong ng gan'on si North. "As far as I know po. Why are you asking?" Umiling si North ngunit madilim pa rin ang kaniyang mukha. Umiling ako at nagpasyang magpakita na sa kanila. Pero nakakaisang hakbang pa lang ako ay halos tumilapon na ako nang may kung sinong bumangga sa akin. Tumilapon ako sa sahig ng bermuda grass. Mahina akong napamura at napangiwi nang sumigid na naman ang sakit. Walanghiya naman o! Sino ba kasi 'yon? Hindi ba siya marunong magpasintabi? "North!" Matinis na sigaw noong kung sino man iyon. Just upon hearing that, I figured that it was a girl. Txnginang 'to! Bulag ba siya at hindi niya ako nakita?! "I miss you so much! Oh my gosh. Don't you miss me, too?" Pinilit kong tumayo para makita ang babaeng iyon na nakadipa pa ang kamay habang tumatakbo patungo kina North. Pinagpag ko ang damit ko at ilang sandali silang pinagmasdan. My breathing went wild. Nangati bigla ang kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD