Kabanata 21 Lumapit ako sa kanila. Hindi ako umimik habang nakatayo ako't nakahalukipkip sa tabi noong babae. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na hindi hilahin ang buhok niya kahit pa kating-kati na ako. Ni hindi niya ako napansin. Wala pa yatang balak humingi ng tawad sa panunulak niya sa akin. Hinintay ko na lang sina North na ngayon ay umaahon na sa tubig. Binuhat niya si Voreios at nilagay sa kaniyang batok. Mukha pa rin siyang gulat. Palipat-lipat ang mga mata niya sa amin ng babae, ngunit mas nagtatagal lamang sa akin. "North!" Maarteng sigaw ng babae na kumaway pa. I tried so hard not to roll my eyes in irritation. "What are you doing here?" He asked with his cold voice. Ni hindi niya man lang tinapunan ng tingin iyong babae. Nilagpasan niya pa nga! Ibinaba niya si Vor

