Third Person PoV "Ang lakas ng loob mong sabihin iyan sa anak ko! Ang kapal ng pagmumukha mo!" Malakas na sigaw ng Ina ni China habang malalaki ang hakbang nitong palapit sa kaniya. Kung ang dating China lang ang kaharap ng ginang ngayon, baka tumakbo na ito dahil sa takot, ngunit dahil hindi, nanatiling nakatindig si China sa kinatatayuan niya. Hinintay niyang makalapit sa kaniya ang ginang. Nang nakalapit ito sa kaniya ay habol ang hininga nito habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao nito. She looks scary, but for some reason, China couldn't feel anything. Not like before. "You love her so much, don't you? Hindi ko yun maramdaman sa buong buhay ko. Si Dad lang ang kasangga ko sa anumang bagay simula pa lang noong una," China uttered every word with her utmost sincerity. " Now,

