Kabanata 25 Third Person PoV Hindi na pinansin ni China ang malakas na kalabog ng kaniyang dibdib dahil sa kaba. Mas malakas ang kagustuhan ng kaniyang sarili na malaman ang katotohanan. Gusto niyang malaman iyon para naman matigil na sa pagtatanong ang kaniyang diwa at isip. Pagkatapos niyang malaman ang room number ng pasyente ay matyaga siyang naghintay sa labas ng kuwartong iyon. May bantay din kasi kaya hindi siya makapapasok basta basta. She waited for about fifteen minutes, bago niya namataan ang pagdating ng kaniyang Ina. Galing ito sa elevator at may kung anong sinisipat sa kaniyang cellphone kaya hindi siya nito kaagad na nakita. Huminga si China ng malalim. He pressed her palms together to calm herself, and when her mother finally lifted her gaze on her, China's world sto

