Rainbow
A month after of making out and dating Jaja at paminsan minsan ay yung iba kong mga ka-on, naging busy na ako sa soccer practice dahil nakuha ako sa varsity.
In our first game, siyempre nanood lahat ng levels sa school soccer field habang nakikipaglaban kami with another different school.
"Go Rain!" Cheer nung ka-on ko na 1st year high school! "I love you!" Kinikilig na sigaw nito.
"Naku, lagot na!" Nasambit ko habang tumatakbo at sinisipa ang bola.
Napatingin ako sa mga nanonood at nakita ko ang shock ng iba kong mga ka-on na magkaka-iba ang upuan.
Napatayo yung isang 2nd year hs level na ka-on ko. "Honey Rain! Go! I love you!"
"Patay!" Kinabahan na ako.
"Rain! Bebe ko!" Tili naman nung isang 2nd year pa na ka-on ko.
"Anung Bebe ko? Anung Honey?" narinig kong ni Camille na isa sa dalawang balak ko na sanang seryosohin. The other one is Jaja.
"Pota!" Asar kong sambit dahil napatigil bigla ang game. May nag-aaway kasi na mga babae sa bleachers.
Hindi na ako naki-usyoso kung bakit may nag-aaway. Basta ako lumabas na ng soccer field at tinungo na ang locker room.
Naligo na ako at mabilis na nagbihis dahil balak ko nang umalis sa school kesa maabutan pa ako nung mga ka-on ko.
Pero nang i-lock ko na yung locker ko, naroon na si Jaja. Kita ko kaagad ang galit sa mga mata niya.
"Pinagsabay sabay mo kami?" nakataas ang kilay niyang tanong, at lumapit sa akin. Sinampal niya ko. Hindi ako kaagad nakakibo.
It was the first time in my life that I was slapped in the face. But I kept mum because I felt like I deserved it. It was just that I couldn't believe that I got slapped dahil nga sa ginawa ko.
"Asawa ko," umpisa ko. "Let me explain..." sabi ko pero naghahagilap ako nang sasabihin.
"I hate you!" Sigaw niya at nag-walk out.
Gusto ko sanang habulin kasi sa lahat ng ka-on ko, siya yung parang nag-grow na deep inside kasi siya yung pinaka-sweet sa kanila at maasikaso.
Akala ko tapos na yon, pero nanlaki ang mata ko nang pumasok yung apat na ka-on ko. Aatras na sana ako at magtatago, pero nakita nila ako at pinagsasapak at sipa. Galit na galit sila sa akin. Kung tutuusin, kaya ko naman silang pigilan. Ako pa? Eh magkaroon ka ba naman ng 4 na lalaking kapatid, kakayanin mo talaga makipag-balyahan at tulakan. Pero di ko ginawa yun ngayon dahil alam kong sinasaktan nila ako sa ginawa kong panloloko sa kanila.
"Stop it!" Narinig kong may sumigaw. Tapos may ibang mga babae pang pumigil.
I was already on the floor with squinted eyes. I groaned at hearing the girls' voices. Baka na naman kasi mga babae na naman iyon na may crush sa akin.
Ewan ko ba kung bakit lapitin ako ng mga babae. Sa susunod talaga magpapahaba na ako ng buhok para hindi na ako mapunta sa ganitong trobol na feeling ng mga babaeng ito sa all-girls school eh potential syota ako.
"Tigilan niyo na siya kung ayaw niyong ma-Principal's Ofc!" Pananakot nung isa.
Tumigil naman yung apat kong ka-on at umalis ng locker room.
One of the girls aided me to sit up on the floor.
"Ayos ka lang ba?" worried na tanong nung isang foreign looking na babae na marunong magtagalog. Maganda siya at mukhang mahiyain, pero right now, alam kong nagri-reach out siya sa akin dahil sa tingin niya ay kailangan ko ng tulong.
Sa unang pagkakataon, pakiramdam ko ay namula ako. Nabighani ako sa ganda ng lumapit na babae. I must admit, I feel like tinamaan ako sa babaeng ito.
Nagtaka ako dahil pagala gala naman ako sa school, pero ngayon ko lang nakita ang babaeng ito. From that moment, I knew I had to know her. I had to get close to her. I had to find out if I could get her to be mine.
"Rain ang pangalan mo diba?" Sabi naman ng isa na kulot ang buhok at parang friendly. Inalalayan pa ako nitong tumayo at maupo sa bench.
"Ha?" napabaling ang tingin ko sa sunod na kumausap sa akin.
"Oh, darling, what have you done to those meany girls? They seem to hate you." Ani naman ng isa na nagbi- British accent.
"Kaya mo ba maglakad papuntang clinic?" tanong naman ng isa pang babae na sobrang haba ng palda.
"Rain, gusto mo bang magpakuha na ako ng stretcher or wheelchair?" alalang tanong nung isang naka-salamin na parang goggles. If I remember correctly, the girl with the goggles is running for Student Council President, and she was in 2nd year. Same level as I was.
"Hindi na. K-kaya ko naman." Sagot ko at pinilit tumayo. Inalalayan ako ng mga babaeng sumaklolo sa akin at inihatid ako sa clinic.
Gabi na ako nakalabas sa clinic nang linisan ng nurse ang sugat ko sa pumutok kong labi at mga galos sa braso. Sinabi ng nurse na uminom daw ako ng anti-pain reliever para hindi manakit ang katawan ko tonight.
Nagulat na lang ako nang paglabas ko sa clinic ay naroon pa rin ang limang babaeng sumaklolo sa akin kanina. Una ko kaagad pinagmasdan yung mukhang foreigner na babae mahiyain.
"Do you have sundo ba?" tanong ng babaeng Chinita na nagbi-British accent.
"Rori, huwag ka ngang matanong mashado. Baka mailang sa atin eh." Paalala ng nakamahabang palda na uniform.
"Jackie, I was just going to offer her a ride with me and Shayla." Paliwanag nung nagngangalang Rori duon sa babaeng mahaba ang palda na nagngangalang Jackie.
Shayla! Shayla pala ang pangalan niya. Bagay sa kaniya, mukha siyang mahiyain. Pero f*ck! Ang ganda niya. Gusto ko siya! Tinamaan ako sa kanya.
"Ako nga pala si Pinkie." Introduce naman nung kulot ang buhok na mukhang friendly. Napa-isip ako. Kung sakali lang na ayain akong sumama ng mga ito sa grupo nila, papayag ako dahil nandoon si Shayla. At ang babaeng kulot na nagngangalang Pinkie ang kakaibiganin ko dahil mukha naman siyang friendly.
"We watched your game and we're very impressed." Sagot naman nung naka-goggles na salamin. "Dahil sa'yo, baka hindi na lampasuhin ang school natin ng ibang school pagdating sa soccer!" Excited na sabi nito. "Ay, ako nga pala si Tanya, Student Council President. And these are my friends since first year high school. Sina Shayla, Pinkie, Rori, and Jackie." She introduced.
"Rain," sagot ko lang, pero lumapit yung nagbi-british accent na Chinita.
"I'm Rori. How do you do?" she extended her hand to me. Reluctant and feeling awkward with formality, I just shook hands with her. Sumunod naman ang iba nitong mga kaibigan na sina Jackie na mahaba ang palda na parang manang, si Pinkie na friendly at curly, si Tanya na ang kapal ng goggles, at ang pinakagusto kong mahawakan-- si Shayla.
"Hi Rain." Halos nakayuko nitong pakikipag-kamay sa akin. Unconsciously touched her chin.
"Bakit mo tinatago ang mukha mo sa buhok mo?" tanong ko.
"Naku, mahiyain talaga yang si Shayla." Sumagot si Tanya. "Pero once she's used to you na, hindi na yan mahiyain. Malalaman mong baliw baliwan din yan."
Tumawa ang ibang mga kaibigan nila.
"Sobra naman kayo," nahihiyang sambit ni Shayla.
"Oh, Shayla, dear. We are just teasing you, but you know we love you." Malambing na akbay ni Rori kay Shayla.
I felt a little jealous but realized that I shouldn't be. Mukhang hindi naman talo sina Rori at Shayla dahil girl na girl si Rori.
Eh si Shayla kaya? Girl na girl din kaya siya o puwede kayang may posibilidad na maging close kami, at mahulog ang loob niya sa akin?