Rainbow Dumating kami sa clinic kung saan ko ipinapacheck up ang aking anak. Nauna kami ni Maxene na pumasok sa clinic dahil kinailangan pang maghanap ni Maximillan ng parking. Ang bungad na tanong sa akin ng doctor ay kung naihanda ko na ang kakailanganing pera para sa operasyon. "Demi Moore, my offer still stands." Pasimpleng paalala nito. Hindi ito nakatingin sa akin at may sinusulat lamang sa papel. Tinatawag niya akong Demi Moore dahil kamukha ko daw ang artistang iyon at ikinuwento pa nito sa akin noon na paborito nito ang mga pelikulang Ghost, Indecent Proposal, at Stripped Tease ng aktres. "Ah eh..." nasambit ko at naupo sa silya sa harap ng lamesa ni Doctor Giron habang nakakandong sa akin si Maxene. I felt stressed with interacting with him because of his personal offer t

