Rainbow Pagkabihis ko ay inaya ko nang tumayo si Jackie sa upuan nito, dahil gusto kong takasan ang conversation na binuksan nito tungkol sa relationship naming ni Maximillan. It was just going to give me a headache. Tumayo na si Jackie nang maalala kong balikan ang kama at ayusin. Nakakahiya naman kasi sa mga helpers ng Ponce Family kung iiwan kong magulo ang kama. At habang inaayos ko ang kama ay may narinig akong tumunog na mobile phone. "Cellphone." Nasambit ni Jackie at hinanap naming dalawa kung saan nanggagaling ang tunog ng cellphone. Nakita ko ang mobile phone sa ilalim ng kama at pinilit ko itong abutin. Nang makuha ko ito ay hindi ko sinasadyang mapindot ang answer button. "s**t!" Nag-panic ako dahil nakita ko din sa screen na overseas call iyon. Naisip ko kaagad nab aka emer

