Rainbow
MALIBU, USA
Humahangos kaming magkakaibigan upang saklolohan sina Shayla, Gerard, at Percival dahil may isang grupo ng mga lalaking pumaligid sa kanila, sa beach na nakatapat sa mala-mansion na bahay ng pamilya nina Gerard at Percival.
"Shayla!" Sigaw ko at agad na pumunta sa tabi niya upang protektahan siya sa nagra-rambulang mga lalaki sa buhangin.
"Honey, stop! Mga pinsan ko yan!" Pigil ni Shayla sa mapapangasawa nito na si Gerard.
Honey... that word stung my heart whenever I would hear her say that to him. Masakit pa rin!
Binitawan ko si Shayla, at hinayaan siyang lumakad papunta sa mapa-pangasawa at humawak sa braso nito. Ipinakilala ni Shayla ang mga lalaki na naroon. Mga kamag-anak pala ni Shayla ang limang lalaki na naroon at ngayon lamang nagkakakilala ang nga ito matapos mabalita na ang anak ng lider ng bansa ay magpapakasal na.
Matagal na palang hinahanap nina Ambassador Migoel na tiyo pala ni Shayla si Shayla. Ipinakilala naman ni Shayla sa amin sina Matteo at Marcus na panganay na mga anak ni Ambassador Migoel, at kambal ang mga ito. Sina Malik at Maximillan naman ang bunso na kambal rin.
Napatingin ako sa tatlong kaibigan kong babae na single pa din. For sure, naglalaway na ang mga ito sa mga mala- adonis na lalakeng nasa harap namin ngayon.
Sa apat na mala- Adonis ang kakisigan, kay Maximillan ako napatitig. Naka-loose t-shirt at khaki cargo shorts kasi ako, pero kung makatingin ang unggoy akala mo nakakita ng chics.
Ul*l niya! Ako, chics? Sapakin ko kaya 'to?
"Dude!" Tinangoan ko siya at bahagya lamang siyang ngumiti, bago umiwas ng tingin.
Then, he approached each one of my friends, and shyly shook their hands. He politely said his name and asked for their names.
He said their names like he was doing a sort of mental note to himself.
Ako ang hinuli niyang lapitan.
Saka ko lamang siya napakatitigan. He has beautiful eyes like that of Shayla. And his nose as long and proud as Shayla's. His lips... s**t! Why am I even observing how Pink his lips are and how perfect his set of teeth are? If I know, pustiso yon!
"Max, " aniya at inabot ang kamay sa'ken.
His voice... It sounded familiar pero hindi ako makasigurado.
"Rain," sagot ko na lang at inabot din ang kamay ko para bigyan siya ng machong handshake. Pero nagulat ako nang hindi ko mabrusko ang pag-hawak sa kamay niya, dahil maayos niya akong kinamayan na tila ba minaneuver niya ang puwesto ng aming nga kamay upang mag-handshake kami ng pormal.
Nang maglapat ang kamay namin, naramdaman ko ang kanyang palad. Malaki ang kamay niya at parang nagmukhang feminine tuloy ang kamay ko. Kainis!
Tapos yung init ng palad niya, may soothing sensation. Yung sakto lang pag nanghagod. Napaisip tuloy ako kung gaano kasarap para sa mga babae ang hawakan ng ganitong mga palad.
Pakshit! Anong merun sa kamay at naiisip ko ito?
At ang nakakahiya, napatingin pa ako sa dibdib niya, sa washboard abs, at sa... paa niya. Sa tingin ko nasa taas na 5'11" ft. ang height niya.
Malaki! Lalaking-lalaki! Bigla tuloy ako na-insecure na 5’5” ft lang ang height ko. Nainggit ako! Hindi ako nakakibo. Nakakaintimidate ng kaluluwang lalaki ko ang nasa harap ko. He was an epitome of a handsome man that can menace with any woman's head and heart.
But he was a different kind of guy. He seemed shy. Like Shayla. And I felt a different stir inside, like a flipflopping butterfly turning my insides into haywire.
Hindi ako nakakibo at tumingin na lang ako sa baba para maitago ang pamumula ng aking mukha.
Shit! Am I developing a crush on Shayla's male version? Dang it! Magugunaw na yata ang mundo!
***
Sa mga random na kuwentuhan namin habang magkakasama sa mansion ay natuklasan ko na may-ari pala ang pamilya Pontes ng car manufacturing company sa Brazil at sa iba't ibang bahagi ng mundo. Si Matteo ang CEO, at si Maximillan ang Research and Development Head!
It means he knows a lot about cars. F*ck that's sexy-- err... if he were a girl, that is!
Samantala, si Marcus naman na kakambal ni Matteo ay may mga investments sa iba't ibang bahagi ng mundo. Si Malik naman na kakambal ni Maximillan ay may mga investments din sa iba’t ibang stocks, ngunit balak nitong mag-explore sa Pilipinas, lalo na sa pagtayo ng mga restaurants. Kasalukuyan nitong kinukumbinsi ang kaibigan namin na si Jackie na mag-syoso sila sa negosyo.
Ako naman ay nagka-ideya na mag-import ng mga sasakyan. Sa tingin ko, magandang ideya yun at matutuwa sa akin ang tatay ko. Siguro naman kung makita ng tatay ko na tumutulong ako sa family business ay hindi na siya magiging strikto sa akin.
Gusto ko rin naman pagkatiwalaan ako ng tatay ko, hindi yung parati na lang siyang naniniwala sa sumbong ng stepmother ko at ng mga wicked stepsisters ko.
My stepmother and wicked stepsisters have always terrorized me. Sinisiraan nila ako sa aking ama. Na-bad shot tuloy ako sa tatay ko.
Mabuti na lang naniniwala ang mga kapatid kong lalaki na sina Kuya River, Ryder, Riley, at Reed sa akin. Sila lang ang kakampi ko. Namimiss ko na nga ang mga iyon. Naka-base kasi sila sa air force, navy, at ang dalawang huli ay SAF sa Mindanao. Ang tatay ko naman ay isang general na may negosyong distributor ng mga imported na sasakyan, at ako ang inaasahan niyang magpatakbo noon kasama ang stepmother ko at wicked stepsisters.
Ayoko ngang makita o makausap ang mga iyon, tapos makakasama ko pa sila sa negosyo? 'Nak ng teteng talaga!
Pero what if I just work for Pontes Manufacturing company?
I thought about it and naaaahhh... it would give my father a heartbreak. I mean, his biggest heartbreak was my mother's death after she gave birth to me. Ayoko na dagdagan pa iyon, dahil ang gusto ko nga ay yung bigyan niya ako ng kalinga at pagmamahal.
It's just that I could not seem to find a chance or way to do it.
But if I'm able to get Pontes Brothers Manufacturing Company to partner with Dela Merced Distributorship, that would make my father happy. Definitely.
Nakikinita kinita ko na. "My son...I'm so proud of you." Na-imagine kong sinasabi ng aking tatay. Just thinking about almost made me teary eyed.
Napa-buntong hininga ako at napatingin kay Shayla na ngayon ay binibigyan ng supportive words ng mga kaibigan namin upang magka-ayos na ito at si Gerard.
How I wanted to tell Shayla na huwag ng suyuin ang mapapangasawa, mag-back out sa kasal nila, at umuwi na kami ng Pilipinas. Gagawin ko naman ang lahat para suportahan sila ng kaniyang magiging baby.
Pero alam ko naman na mali iyong sulsulan ko si Shayla para sa personal kong interes, kaya pinabayaan ko na lang na sundan ni Shayla si Gerard sa kuwarto nila upang makipag-ayos. Sina Percival at Rori naman ay kausap ang magkakapatid kaya inaya ko na lang ang mga barkada ko na mag-bilyar. Nang tumungo naman kami doon ay sumunod naman ang mga Pontes boys. Nagreklamo ang kaibigan ko na si Tanya kay Rori. Sinabi ni Rori na gusto din daw kasi maglaro ng Pontes boys kaya wala na kaming nagawa.
Nauwi sa pustahan ang paglalaro namin ng bilyar. Dahil matatalo na namin ang mga boys sa bilyar ay umisip ng pang-distract ang mga lalaki sa tuwing titira kami ng mga barkada ko. Nang titira na ako ay pinapalapit ng Pontes boys si Maximillan sa akin. I knew he was reluctant and shy. His brothers were teasing him na hindi pa nga raw nakakapanligaw si Max ay basted na raw ito kaagad sa akin.
Potek! Bakit ba kasi pumapayag si Maximillan na tinutukso siya ng nga kapatid niya sa akin? Asar!
Nag-pokus na lang ako sa pagtira ko nang naramdaman ko na palapit na sa akin si Maximillan at parang nanakawan ako ng halik. Mabilis akong umayos ng tayo at humarap sa kaniya. Itinutok ko sa kanya ang kamao ko.
"Subukan mo!" Banta ko.
Napakamot siya ng ulo at lumayo sa akin. Panay naman ang kantyaw sa kanya ng mga kapatid niya. Kung tutuusin, nakakaawa naman si Maximillan dahil sa inaabot niyang pangangantyaw.
Nang turn naman niya na tumira ay ako ang itinulak ng mga kaibigan ko na mang-distract sa kaniya. I guess they thought Maximillan would be distracted. Wala naman akong ibang naisip kungdi ang gayahin ang mga kaibigan ko kanina. Iniharang ko ang sarili ko kay Maximillan at bahagyang nagtaas ng suot kong cargo shorts, upang makita ang ang aking hita.
Potsa! Tumigil naman si Maximillan! Ano 'to? Trip ba talaga ako nitong lalaking ito?
I immediately moved away, while his brothers ranted to him in Portuguese.
Natapos ang pustahan nang dumating ang kanilang ama. Natalo ang mga babae dahil kay Gerard.
Naknampotsa! Selos na selos ako kasi... kasi mas magaling sa akin si Gerard sa bilyar. At kitang kita ko sa mata ni Shayla na na-impresss siya lalo sa kaniyang mapapangasawa.
Wala ba talagang panget sa lalaking yon?
Naghihinagpis akong lumabas ng billards room, dala ang bote ng alak at lumakad papunta sa beach. Nag-yosi ako at nilagok ang alak.
Kusang dumaloy ang mga luha ko habang nakatitig sa dagat, nang mapansin kong may lalaking umupo sa buhangin di kalayuan sa akin. Naaninang ko dahil sa bilog na buwan na parang isa sa mga Pontes boys ang naka-upo doon. He didn’t seem to be contemplating. Instead, he was watching me and seemed he was just on standby.
I rubbed my eyes to clear my vision. Sinisigurado ko lang kung pinapanood ako ng isa sa mga Pontest boys, dahil buwisit ako sa kanila at pa-beast mode na ako kaya ayoko ng istorbo.
Nakatingin na ang lalaking iyon sa dagat kaya hindi ko na ito pinansin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag inom, pagyoyosi at pag-iyak. Halos maubos ko ang isang bote, nang maalala ko na naman ang maamong mukha ni Shayla, at kung gaano nito gustong puntahan kaagad ang mapapangasawa upang makipag-ayos dito.
"Poshang buhay 'to!" Hikbi ko. "Hindi ba puwedeng ako na lang ang bumuhay sha inyo ng baby mo?" sambit ko. "Kailangan ba talaga mag-conspire ang universe at magkita kayo ulit ni Gerard?" kausap ko ang dagat at muling lalagok ng alak nang may pumigil na sa kamay ko.
"Tama na yan, tol." Anito.
Napatingala ako. Madilim pero parang pamilyar ang pabango at boses na iyon.
His perfume and voice reminded me of Illan! Agad akong tumayo para i-confront sana siya, pero nadulas ako sa lambot ng buhangin at natumba papunta sa kaniya.
"Hey, easy!" Aniya at sinalo ako.
"Tarant*do ka! Ashan si Akie?" pilit kong tumayo upang suntukin siya pero pinigilan niya ang mga kamay ko. Kakapigil sa akin ay napatumba kami sa beach.
Napatingin ako sa langit at parang umiikot ang paligid ko hanggang sa nawalan ako ng malay. Nang magmulat ako ng mata ay parang karga na ako ni Illan.
"Shan mo ko dadalin?" sinubukan kong suntukin siya sa dibdib ngunit nanghihina ako.
"Ihahatid na kita. Wag ka kasing umiinom kung di mo kaya ‘tol." Payo pa niya.
I felt concern in his voice. s**t! Lasing na nga yata ako at nasusuka pa ako! Sukahan ko kaya ito sa buwisit ko? Nge-ngealam kase! Pero, wag na lang! I like the feeling of being carried like a girl.
At the thought of being a girl, made my senses half-awake, even if I felt dizzy.
"Baba mo ko!" Sabi ko at marahan niya akong ibinaba.
Pagewang gewang akong lumakad malapit sa isang poste na may ilaw at duon dumawal, pero wala naman lumalabas. That was when I remembered that I did not have dinner because I didn’t want to eat, while watching Gerard and Shayla do lovey-dovey stuff.
Hinimas nito ng lalaki ang likod ko. I felt it was out of concern, more than suspect him of being a pervert. Ngunit, kinuha ko pa din ang pagkakataon na iyon upang isandal siya sa poste ng buong lakas upang masilayan ang mukha nito.
Una kong natitigan ang mga maamo niyang mata, matangos na ilong, pink na labi at magandang set ng ngipin. Parang si Shayla... na walang boobs... kungdi matigas na chest plate at pandesal na abs...
Mabagal ang proseso ng aking isip dahil sa alak pero na- recognize ko siya.
"M-Max?" sabi ko. "I-ikaw? At nagtatagalog ka?"
"Yes, nagta-tagalog ako but I don't understand your question. Ako ang alin?" nalilito niyang tanong.
"Ikaw ba si Illan?"
"The-what?" tanong niya.
"Huwag kang mag-deny!" Angil ko.
I was sure of my gut feel. Kahit lasing ako, pamilyar talaga ang boses at pabango niya...pati na din ang mahaba niyang buhok.
"Your voice and your perfume...and your long hair…"
"Voice? Perfume? Long hair? Did you mistake me for one of your girl friends?" he teased.
"No! I mean, your voice!” Inilapit ko ang mukha ko sa leeg niya. “And this... this perfume you’re wearing! Pamilyar!"
“What do you mean my voice? And what about my perfume?” He seemed confused with me.
"Ito! Itong amoy na ito!" Sabi ko habang sinasamyo yung amoy niya. Nilapit ko pa lalo yung ilong ko sa leeg niya.
For a brief moment, gusto ko ngang nandun ang mukha ko sa lugar na iyon. Nakaka-adik! Parang... parang gusto kong lasahan. And I did. And... I found that he tasted sweet. Not salty. Sweet.
"Rainbow, stop." He groaned, as I strangely pressed myself on him. For some strange reason, I felt something bulging in between us. "Lasing ka lang." He held on to my waist and gently pushed me away from him.
Doon ko lamang na-realize na hinahalikan ko pala siya sa leeg at sa tenga.
"s**t!" Napaatras ako. " Sorry, dude. Kala ko si Shayla ka..." pagsisinungaling ko just to save my face, pero f*ck! Mas hindi yata magandang rason yon, hindi ba? Dang it!
Napalayo at napahiga ako sa buhangin. Lalo tuloy akong nahilo at nagdilim ang paningin ko.