CHAPTER 11

1074 Words
RAVEN'S POV "BEATRICE Salcedo. Ang babaeng nag-udyok kay Chloe na talikuran ang bestfriend niya. Ikaw ang naging dahilan kung bakit nahiwalay si chloe sa mga royalties" sabi ko at lumingon ako sa direksyon niya. Napaupo siya sa sobrang takot. Ngayon nasan na ang tapang mo? "Y-you! You're a d-demon! A monster! The r-royalties need to know about this!" natatakot na sabi niya "Alam mo para sa taong mamatay na masyadong matabil ang dila mo. Do we need to cut it? Or we just need to pull it out so that you can never use that sharp tongue of yours" malamig na sabi ko at ngumisi habang tinitignang ang katana ko na punong-puno ng dugo Nakita kong mas lalo pa siyang natakot. "Please! Spare me! I'm begging you! Pangako di ko ibubunyag ang sikreto just spare me! I'm begging you please! Have mercy on me!" umiiyak na sabi niya. "Shhhh.. My dear. Don't cry it makes me more happy. Nasan na ang tapang mo kanina? Ang lakas ng loob mong patamaan ako ng kunai kanina at gumawa ng mga pranks para mapahiya ako sa harap ng marami. Halimbawa na lang ng invisible thread" sabi ko at nagkunwaring pinatatahan siya pero sa malamig na boses. Mabilis siyang lumuhod. "P-please I'm s-sorry! Pro-promise di ko na uulitin! Just- just spare me! I'm begging you!" umiiyak na sabi niya "Ofcourse! I would spare you" sabi ko at nakita kong nakahinga siya ng maluwag "Thank you Raven! Thank you! I promise you I won't revealed your secret" sabi niya habang bakas ng tuwa ang mukha niya Bigla naman akong napatawa. Yung tawang walang laman. Nakita ko siyang napatingin sakin na para bang nagtataka. "If only I have even just a little mercy but sorry dear a demon like me has no mercy" sabi ko Dahilan para unti-unting mawala ang mga ngiti niya. Bakas ang takot sa mga mata niya. Di siya magkanda ugaga sa pagtayo para makatakbo. "Run! Run beatrice! Run as far as you can! But I assure you wherever you hide I can find you. You can never escape on me" malamig kong sabi at nagsimula ng maglakad pinadausdos ko ang katana ko sa lupa sanhi para magkaroon yun ng tunog. Nakita kong mas binilisan niya pa ang takbo niya at halos nadapa-dapa na siya sa katatakbo. BEATRICE'S POV Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo dahil nakikita ko ng nahahabol niya na ako. Mabilis akong nagtago sa likod ng isang puno. Itanakip ko ang kamay ko sa labi ko para pigilan ang paglikha ng ingay ng pag-iyak ko. Sumilip ako sa likuran at nakita kong nandun si raven at iniikot ang paningin. "Beatrice where are you? Lumabas kana. Mas pahihirapan lang natin ang isa't-isa kung magpapatuloy kang makipagtaguan sakin. Ikaw din baka mainip ako at alam mo ba pagnaiinip ako mas lalo akong ginaganahang pahirapan ang mga biktima ko" sabi niya Mas lalong nagtuluan ang mga luha ko. Takot na takot na ko. Sumilip ako sa unahan at nagulat ako ng makitang nasa malapit na siya. Kaunti na lang ang distansya namin ng katana niya. Tinignan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa harap at nililibot parin ang paningin niya. Akala ko nakita na niya ako. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. "Baka maisipan kong idamay ang nakababata mong kapatid o di naman kaya ang mga magulang mo" sabi niya at saka tumawa na parang isang demonyo hindi pala parang! Demonyo talaga siya mali pala higit pa siya sa isang demonyo! Isa siyang demonyo na nagtatago sa likod ng mala anghel niyang mukha! Hindi maaring madamay ang pamilya ko! Wala silang kinalaman dito! Wala siyang kasingsama! Wala siyang awa! Sumilip ulit ako sa harap pero wala na siya dun. Teka! Nasan na siya?! Sumilip ako sa likod pero wala din siya! Pagkaharap ko nakita kong may patalim na nakatutok sakin. Napahagulgol na ko dahil doon. "Shhhh.. Don't cry. You should be thankful to me dahil tatapusin ko na ang lahat ng paghihirap mo" sabi niya sa malamig na tono. Yung boses niya parang galing pang impiyerno pero yung sa kanya hindi nagbabagang apoy ang meron kundi yelo. "Please! Huhuhu Parang awa muna! Ayoko na! Pakawalan mo na ako! Hayaan muna akong makaalis" sabi ko habang umiiyak "Para ano? Para makapagsumbong ka sa King of Darkness? Tapos ano? Mabubunyag na ang sekreto ko? Hindi ako tanga beatrice. Hindi ako nagpakahirap magpanggap sa harap ng lahat para lang mabuko ako ng ganun kadali ng dahil sayo. Wala ng thrill yun kapag nangyari yun" sabi niya Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. She knows! She knows that I'm a spy! "Please! Pangako hindi ko sasabihin kahit kanino! Just let me free!" pakiusap ko sa kanya habang umiiyak "Dapat nga matuwa ka eh mas pinadadali ko na nga ang lahat para sayo. Mas maganda ng mamatay ka sa kamay ko kaysa naman sa mamatay ka dahil sa pagtataksil mo sa sarili mong lahi hindi ba? Don't you see beatrice? Halos wala tayong pinagkaibang dalawa. Ang pinagkaiba lang nating dalawa ay ginagawa mo ang lahat ng ito para sa lalaking mahal mo na binihag ng mga tenebris habang ako ginagawa ko ito para lang magsaya" sabi niya Pati ba naman iyon alam niya?! Ano ba talaga siya?! Bakit ang dami niyang alam?! "I'm begging you please!" pakiusap ko habang patuloy ang pag-agos ng mga luha ko "Alam mo ang pinaka ayoko sa lahat yung katulad mo. Isang mahina at walang kwentang nilalang. Akala mo kung sino kang malakas noong una wala ka rin naman palang ibubuga" sabi niya saka tumayo at tumalikod Mabilis akong gumalaw at sinamantala yun para atakihin siya ng kunai ko. Isaksak ko na sana sa kanya yun ng mapigilan niya ang kamay ko habang nakatalikod. Humarap siya sakin at pinilipit ang braso ko dahilan para mabitawan ko ang kunai ko. "Aahhhhh!" daing ko dahil mabilis niyang tinuhod ang tiyan ko. Nalasahan ko na ang dugo sa bibig ko dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya Napahawak ako sa tiyan ko at napahiga sa sakit. Kinuha niya ang kunai ko. Saka sinugatan ang mukha ko. Ilang beses niya akong pinagsasaksak sa katawan ko. Ayoko na! Di ko na kaya! Gusto ko ng mamatay! Ayoko na! "Die" malamig na sabi niya saka ako sinaksak sa dibdib. "See you in hell" sabi niya at tuluyan na kong napapikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD