CHAPTER 10

1116 Words
"Thank you sa pagpapalakas ng loob ko. I really appriciate it. Here" sabi ko May kinuha ako sa bulsa ko saka ko inabot sa kanya. Nakita kong nanlaki ang mata nya sa binigay ko "Lollipop?" "It maybe childish but I like how it taste" It brings sweet. Well I loves sweet. Sapat ng puno na ng pait ang buhay ko hindi ko na kailangan pang pati sa pagkain ay maging bitter ako. Kahit man lang sa ganitong paraan magkaroon man lang ng kahit kaunting tamis ang buhay ko. Nilagay ko yung lollipop sa kamay nya saka kumuha pa ng isang lollipop sa bulsa ko saka iyon binuksan at sinubo. "Thanks. Alam mo may naalala ako sa pagbigay mo sakin ng lollipop" sabi nya habang nakangiti pagtingin ko nasa bunganga nya na yung lollipop. Nakatingin lang siya sa langit habang subo yung lollipop "What?" "Hindi what. Its who" "Then who?" "My first love. I met her in the mortal world. Alam mo ba may pagkakaparehas nga kayo eh thats why I was so happy that you became one of us" sabi niya I never become one of you and I will never be. "Thanks for accepting me even if you really don't know me that much" "Hindi ka naman mahirap tanggapin raven eh. At isa pa hindi ka namin pipilitin na mag open up samin. Naiintindihan namin na kakakilala mo pa lang samin kaya di kapa komportable na mag open samin. Handa kaming maghintay kung kailan handa kana. Nandito lang kami para sa iyo" "Thanks" "Let's go back. Baka hinahanap na nila tayo" sabi nya and he chuckled Tapos inabot niya ang kamay niya para tulungan ako. I look at him. What a gentleman. No wonder liana likes him. Inabot ko naman ang kamay ko sa kamay niya. Mamaya sabihin pa niyang rude ako baka magkaroon pa siya ng dahilan para pagdudahan ako. "Thanks" "Lets go" sabi niya at hinila ang kamay ko na hindi niya parin binibitawan hanggang ngayon Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa nakita na namin sila liana. I saw pain and jealousy crossed her face but she easily hide it. Bigla naman akong nakaramdam na para bang may nakatitig sakin. Pagtingin ko si Ash pala. Ano namang problema ng abo na ito at ang sama kung makatingin? Tusukin ko yang mata niya eh. Inirapan ko na lang siya. Narinig ko ang bulung-bulungan ng mga estudyante. Diba sila nagsasawang pagchismisan ako? "Yuck! Bakit sila magkasama ni prince brent and worst magkaholding hands pa! Eww!" "Tol wala pa lang taste si Prince Brent sa babae. Ang dami-daming magagandang nakapalibot sa kanya yan pang si ugly nerd ang napili niya hahaha" "Ewww! Sila na ba? Di sila bagay! Mas bagay si Prince Brent saka Prinsesa Liana" "I can't beleive this! Sabihin mo binabangungot lang ako! Hindi ito pwedeng mangyari!" "b***h" "w***e" "Gold digger" Marami pa kong narinig na komento pero di ko na sila pinakinggan pa. I will not step down to their level. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin ngayon dahil kapag natapos na kong makipaglaro sa kanila di na nila masasabi yan dahil wala na silang buhay bago pa nila masabi ang gusto nilang sabihin. "Don't mind them" sabi ni brent at ngumiti sakin at mas lalo nya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Ngumiti na lang ako at tumango. "Woah! Woah! What's going with the two of you huh? Why are you're holding each others hands? Is there something we need to know?" tanong ni troy pero halata ang pang-aasar sa boses niya. Kaya napabitaw si brent sa pagkakahawak niya sa kamay ko saka nagkamot ng batok. Namula pa. I fakedly laugh. Napahinto ako ng may makita akong paparating sakin. Bahagya ko yun iniwasan pero sinigurado akong madadaplisan parin ako. Nagkunwari akong nagulat at natakot saka napaupo. "Raven!!" Sigaw nila liana. Mabilis naman nila akong dinaluhan. Umalis naman agad si brent at troy para puntahan yung lugar kung saan nanggaling yung kunai. "Are you okay? s**t! We need to bring you to the clinic" nag-aalalang sabi ni chloe "Zach! Buhatin mo si Raven papunta sa clinic dali! Baka maubusan na siya ng dugo" sabi ni liana Napatingin naman ako sa sugat ko at nagkunwaring nasasaktan. Ang totoo hindi naman talaga ako nasasaktan. Sanay na ko sa ganito eh. Wala lang to kung para sa mga natamo ko noon. Nakita kong nakatitig lang siya sakin. Kanina pa siya nakatayo lang diyan. "Kayo niyo na yan. May iba pa kong dapat puntahan" sabi ni Ash at unti-unting naglakad palayo. Walang hiya talaga tong lalaki na ito. Wala man lang kagentle man gentle man sa katawan. Sakto namang bumalik sila brent. "Nakatakas siya! Pagdating namin wala ng tao" naiinis na sabi ni troy at ginulo pa ang buhok "Saka niyo na intindihin yan! Buhatin niyo na si Raven papunta sa clinic baka maubusan na siya ng dugo!" sabi ni chloe Mabilis naman akong binuhat ni brent saka nagteleport papuntang clinic. Mabilis namang ginamot ng nurse yung sugat ko. Wala namang komikasyon. Kailangan ko lang ipagpahinga yung braso ko dahil baka bumuka ang sugat ko. Wala naman kasing magic ang kunai na nakasugat sakin. Saglit lang to sakin bukas wala na to. Nakatulog ako saglit pero napadilat ako ng may maramdaman ako. Napabuntong hininga na lang ako. Can't they just give me a break? Mabilis akong gumawa ng ilusyon na natutulog parin ako. Mabilis akong nagtago sa gilid. Lumabas ako ng dorm ko. Saka pumunta sa gubat saka tinapos ang mga tenebris na kanina pa nakamasid sakin. Mabilis akong lumingon dun sa isang tenebris na natitira. Puro sugat na din ang katawan niya at halos gumagapang na lang siya palayo. Poor creature. Wag kang mag-alala tatapusin ko na ang paghihirap mo. "I-I need to r-report it to the k-king" nahihirapang sabi niya "Do you really think I would let you do that?" nakangising sabi ko Naglakad ako palapit sa kanya mabilis kong pinutol ang katawan niya mula sa ulo niya. Naging abo na ang katawan niya. Gumulong pa sa paa ko ang ulo niya. Mabilis ko yung tinapakan sanhi para mapisat at maging abo na din. Tinignan ko ang sarili ko at nakita kong puno ng dugo amg buong katawan pati na ang mukha ko. Mabilis kong tinanggal ang wig ko kasama ang fake skin ko sa mukha. Tinanggal ko ang contact lense ko. Napangisi na lang ako. Akala ba niya di ko siya mapapansin? Huh! Nararamdaman ko hanggang dito ang pangangatog ng binti niya sa sobrang takot. "Maganda ba ang palabas na pinakita ko? Alam mo bang para sayo talaga yun?" sabi ko Naramdaman kong napaatras siya. b***h! Masyado ka kasing pakialamera. "Beatrice Salcedo"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD