chapter 4

502 Words
"Oh, pulutan n'yo," saad ni Jaylyn at inilapag ang nilutong dinuguan sa lamesa. Habang nag-iinuman ang asawa nito at si Ronald. "Wow, sarap niyan, ah. Dinuguan," saad ni Ronald nang makita ang inilapag ni Jaylyn sa lamesa na pulutan nila. "Masarap talaga 'yan, basta ang asawa ko ang nagluto," pagmamayabang naman na wika ni Joey. "Love, dito ka muna," wika nito kay Jaylyn. "Oo nga, samahan mo naman kami," dugtong naman ni Ronald. "Sige na, love. Uminom ka naman ulit," wika pa nito. "Oo nga isang shot lang ulit," dugtong muli ni Ronald. "Sige na, love. Pagkatapos gawin mo na lahat ng mga gagawin mo," pagpupumilit ni Joey. Walang nagawa si Jaylyn kung hindi ang sundin ang asawa nito. "Akin na isa lang, ha?" napalitang saad naman ni Jaylyn. "Oo, love. Ito, oh," saad naman ni Joey at iniabot nito ang isang shot ng alak. Agad namang na tinunggal ni Jaylyn 'yon. Hanggang sa may napansin ito at nakita. "Teka, ano 'yan? Tablet? Gamot ba iyan? tanong nito na nagtataka. "Ah, wala ito, love. Huwag mo ng pansinin," agad naman na saad ni Joey. "Oo, nga.Wala 'yan," dungtong din ni Ronald. "Teka, akin na nga. Patingin ako," galit na saad ni Jaylyn at nakuha nito ang tablet. "Dr*gs 'to, ano? Love, gumagamit ka ba nito?! Saan niyo 'to nakuha?" nagagalit na tanong nito sa kaniyang asawa. "Ano? Sagutin mo ako, kanino galing ito?" muling tanong pa nito. "Ano--" "Sa akin galing 'yan. Huwag kang mag-alala. Hindi naman malakas ang tam* n'yan, eh," sagot naman ni Ronald. "Oo, love," dugtong din ng asawa nito. "D*yos ko naman, eh! Tigilan niyo nga 'to! Ikaw, Love, Ha! Pinapayagan kitang uminom tapos gagamit ka pa nito!" galit na saad nito sa kaniyang asawa. "Love, naman, eh. Susubukan ko lang, eh. Saka ngayon lang 'to. Promise." "Hay naku! Ewan ko sa iyo. Bahala ka sa buhay mo. Nakakainis! Ikaw Ronald, ha! Kung wala kang magandang maidudulot sa asawa ko. Puwede bang umalis ka na lang!" galit na saad nito. "Love, Love naman, eh. Susubukan ko lang naman. Kung ano añg pakiramdam. Saka, huwag ka namang magalit kay Ronald. Promise, susubukan ko lang talaga." wika pa ng asawa nito. "Susubukan! Eh, paano kung may mangyari sa iyong masama?" "Love, walang mangyayaring masama sa akin. Promise." "Oo nga, huwag kang mag-alala. Walang mangyayaring masama," dugtong pa ni Ronald. "Hay naku! Kahit naman anong sabihin ko sa iyo love. Hindi mo naman ako papakinggan, eh," naiinis na saad ni Jaylyn. "Susubukan ko lang talaga, promise." "Ikaw Ronald. Kapag may hindi magandang nangyari sa asawa ko, humanda ka sa akin," banta nito. "Ito naman, oh. Promise, walang mangyayaring masama kay Joey," paninigurong saad naman ni Ronald. "Sinisugarado ko lang!" paniniguro naman ni Jaylyn habang nakatingin ng masama kay Ronald. "Sige na, love. Pumasok ka na sa loob," wika rin ng asawa nito. Wala namanh nagawa si Jaylyn kung hindi ang pumasok sa kanilang silid. "Kainis talaga. Nakakainis. Makatulog na nga lang," saad nito at humiga na lamang siya sa kanilang kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD