chapter 3

553 Words
"Uhm, mag-iingat ako," wika naman ni Joey at lumabas na ito ng bahay nila. "Ikaw ba iyong nagluto ng pulutan na pinapaitan?" tanong naman ni Ronald ng nakaalis na ang asawa ni Jaylyn. "Ah, oo." Tipid na sagot naman nito. "Sarap, ah. Parang ikaw lang," makahulugang saad ni Ronald. "Ahm, Ronald. Wait lang, ha. May kukunin lang ako sa kusina," wika na lamang ni Jaylyn na umiiwas sa binata. "Ahm, Jaylyn. Saglit lang," agad na wika nito at hinabol si Jaylyn hinawakan din nito Jaylyn. "Ronald, ano ba? Bitiwan mo nga ako! Ano bang ginagawa mo?!" galit na tanong ni Jaylyn nang hinawakan siya nito sa braso. At mabilis na itinulak ang binata. "A-Ah, sorry, Jaylyn," paumahin naman ng binata. "Oh, ano'ng ginagawa niyo?" takang tanong naman ni Joey nang makita nito ang kaniyang asawa at si Ronald na parang nagulat nang makita siya. "A-Ah, wala, p're. Tinanong ko lang kay Jaylyn kung may pinapaitan pa. A-ah, ano p're ang sarap kasi, eh. Kukuha pa ako," agad naman na sagot ni Ronald na nauutal pa. "Ah, gano'n ba. Marami ba 'yong niluto mo, love?" tanong naman nito sa kan'yang asawa. "A-Ah. Oo, marami pa, love," sagot naman ni Jaylyn na nauutal rin. Nakita naman nito na hindi nakahalata si Joey dahil nakangiti pa ito sa kaniya. "A-Ah, ako na lang ang kukuha, ha?" wika naman ni Ronald. "Sige lang," wika naman ni Jaylyn. "P're, ako na ang kukuha ng pinapaitan," wika rin nito kay Joey. "Uhm, sige lang, P're," wika rin ni Joey. "Love, okay ka lang ba?" tanong nito kay Jaylyn. "Ahm, Love. Mèdyo nahihilo na kasi ako, eh. Puwede bang mauna na ako sa kuwarto? Gusto ko na rin kasing magpahinga. Pagod na rin kasi ako," paalam nito sa kaniyang asawa. "Oh, sige, Love. Ikaw ang bahala, para mamaya may lakas ka," sagot naman ng asawa nito na may ngiting nakakaloko. "Sige, Love. Punta na ako sa kuwarto, ha?" "Sige, Love." Saad naman nito at nakita na niyang pumasok sa kanilang silid ang kaniyang asawa. Pagkaposok ni Jaylyn sa silid nito ay talagang natakot siya at nagulat sa ginawa ni Ronald sa kaniya. Gusto man niya itong sabihin sa kaniyang asawa ay hindi na lang niya sinabi. At pinalampas iyon. Dahil ayaw niyang mag-away ang mga ito at masira ang pagkakaibigan nila. Kaya sa tuwing nag-iinuman si Ronald at ang kaniyang asawa ay umiiwas na lamang ito. Dahil mapapansin din niyang iba na rin ang tingin ni Ronald sa kaniya. Na para bang may pagnanasa ito na hindi niya maintindihan. At para makaiwas kay Ranald ay sinabi nito sa kaniyang asawa na kung puwede ay bawasan na nito ang pag-iinum nila ng alak. Iyon nga lang ay talagang makulit ang asawa nito at ayaw magpapigil. Ayaw din naman ni Jaylyn na uminom ang asawa nito sa kung saan-saan dahil iniisip niya na baka gumawa ito ng kalokohan at baka ano pa ang mangyari dito. Lalo na't iba ang tama ng alak sa kaniyang asawa. Dahil mas lalo itong nagiging mapusok. Kaya no choice si Jaylyn kung hindi ang hayaan na lamang ang kaniyang asawa at si Ronald na mag-inuman sa bahay nila. At patuloy na lamang siyang umiiwas kay Ronald kapag naroon ito sa kanilang bahay, dahil naiisip din niya na walang maitutulong or bad influence si Ronald sa kaniyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD