kabanata ikadalawa

604 Words
Gabi na noong dumating si Joey at kasama nito Ronald. "Tuloy ka, P're." Pumasok naman si Ronald sa loob. "Wow! Ang bango ng niluluto ng asawa mo, ah? Amoy na amoy ko," wika pa ni Ronald na nalalanghap ang amoy ng nilulutong pinapaitan ni Jaylyn. "Oh, andyan na pala kayo," wika naman ni Jaylyn nang makita ang mga ito. "Hi, Love. Ang bango ng niluluto mo, ah." wika naman ni Joey at hinagkan ang asawa nito. "Syempre, request mo, eh." Nakangiting saad naman ni Jaylyn at hinalikan din ang asawa nito sa labi. "Ano ba naman kayo? Baka nakakalimutan niyong may tao rito," wika naman ni Ronald ng nakatingin ng kakaiba kay Jaylyn. "Sige, Love. Pakuha na lang ako ng pulutan namin para masimulan na ang sesyon namin," wika naman ni Joey. "Okay, love." Agad na nagtungo si Jaylyn sa kusina at kinuha ang pulutan. "Love, huwag kayong masyadong magpakalasing, ah?" bilin nito sa kaniyang asawa. "Oo, love." "Ito naman si Jaylyn, ngayon lang naman eh." wika naman ni Lando. "Oo, nga," dugtong naman ng kaniyang asawa. "Ano'ng ngayon lang? Eh, tuwing linggo na nga kayo umiinom ng alak dito sa bahay, eh." Saad naman ni Jaylyn. "Love, hayaan mo na, ah. Eh, kaysa naman sa ibang lugar kami umiinom, 'di ba?" "Hay, naku! Oo na," buntong hiningang wika na lang ni Jaylyn. "Oy, P're. Bakit kaya hindi mo patagayin ang asawa mo ?" tanong naman ni Ronald. "Hindi umiinom 'yan." "Ha? Bakit hindi? Dapat turuan mo, para tatlo na tayong umiinom dito," wika pa ni Ronald. "Naku! Kayong tatlo na lang ang uminom diyan," saad naman ni Jaylyn. "Love, try mo na, oh. Kahit isang shot lang," wika naman ng asawa nito. "Ha? Ayoko," tanggi naman ni Jaylyn. "Sige na, try mo lang tatagayan na kita," pagpupumilit naman ni Ronald. "Sige na," pagpupumilit din ng asawa nito. "Sige, pero isang beses lang, ha?" "Sige." "Iyon, Oh!" wika naman ni Ronald. "Oh, ito. Bottoms up!" "Ang taas naman niyan," reklamo ni Jaylyn nang makita ang baso nitong nilalagyan ng alak. "Sige na. Inumin mo na," saad pa ng asawa nito. "Eh, hindi ko yata kaya 'to, eh," saad pa nito. "Kaya mo 'yan," wika naman ni Ronald. "Sige na, Love," wika rin ng asawa nito. "Oo na," walang nagawang wika ni Jaylyn. Unang lunok ng alak nito ay hindi maipinta ang kaniyang mukha at inubo pa siya. "Ubusin mo." "Grabi ang pait naman nito, eh." Pero nilunok pa rin nito ang natirang alak sa baso. "Oh, ano? Masarap ba?" nakangiting saad ni Ronald. "Oo gumuguhit sa lalamunan. Pero ayoko na, ha? Ang pait, eh," sagot naman ni Jaylyn. "Naku, P're. Baka puweding bumili ka pa ng alak. Konti na lang, oh? Mabibitin tayo sa alak," saad naman ni Ronald. "Naku, tama na 'yan. Nakakilan na kaya kayo," saway naman ni Jaylyn. "Love, last na 'to. Isang bote lang naman ang bibilhin ko, eh." "Love, naman, eh." "Pangpapaantok lang, love. Saka pang taggal na rin ng stress sa trabaho,," wika ng asawa nito. "Oo nga, sige na." dugtong naman ni Ronald. "Oh, sige na. Basta last na ha?" paniniguro naman ni Jaylyn. "Oo, love. Promise." "P're, okay lang ba na tanggalin ko itong t-shirt ko? Ang init kasi," tanong ni Ronald. "Oo sige, P're. Nasira kasi iýong electricfan namin. Bukas ako makakabili. Maghubad ka na muna diyan," sang-ayon naman na wika ni Joey. "Jaylyn, okay lang ba?" tanong din nito. "A-h. Eh, sige lang. Walang problema," sagot namab ni Jaylyn. "Oh, sige na. Bibili lang ako ng alak sa labas," paalam naman ni Joey. "Okay, Love. Ingat ka," wika naman ni Jaylyn sa asawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD