“AFTER ALL this time, virgin ka pa rin?” sabi ni Chris. Sumunod pala ito sa kanya sa shower. Akala niya ay nakatulog uli ito kaya maingat siyang bumaba sa kama. Medyo ‘struggle’ ang pagpunta niya sa banyo. Nararamdaman niya ang hapdi sa pagitan ng mga hita niya. Wala siyang balak na aminin iyon pero paglingon niya kay Chris, nakita niyang hawak nito ang sapin ng kama. Kasing-liwanag ng sikat ng araw ang katibayan ng sinasabi nito. Ibinaba nito sa lababo ang sapin at sumandal doon. Wala itong anumang saplot. At gusto man niyang magsalita, ang atensyon niya ay mas natuon sa kahubdan nito. Guwapo ito kapag nakabihis at guwapo rin kapag ganoong nakahubad. He was quite a hunk. Mga siksik na muscles na nasa tamang lugar at tama lang din ang laki at umbok at flat na tiyan. If there was some

