Part 3

1462 Words
“I’M REALLY looking for you. Pupuntahan nga sana kita sa bahay pagkatapos ko dito pero hayan at nakasalubong ko na kayo,” sabi sa kanya ni Chris. Tinaasan niya ito ng kilay. “May kailangan ka na naman?” “Kapag pinuntahan kita sa inyo, palagi ba akong may kailangan?” Natawa siya. “As far as I remember, yes. Iisa-isahin ko pa ba? Baka abutan tayo ng closing time nitong restaurant.” “Ouch.” “Since nakita mo na ako dito, sabihin mo na.” Sinulyapan ni Chris ang direksyon kung saan naglakad si Erica Mae patungo sa CR. “Mamaya na lang. Pupunta ako sa inyo.” “Bakit hindi mo pa sabihin ngayon?” “Nakakahiya, eh. Baka marinig ni Em kung paano mo ako pagsalitaan.” “Uy, tinubuan ka ng hiya. Kelan pa iyan?” “Kanina lang,” pabirong sagot nito. “After this, papunta na lang ako sa inyo.” “Kinakabahan ako sa iyo, Chris. Ano ba kasi iyan?” “Hihingi ako sa iyo ng pabor. Pero baka mamaya hingan mo ako ng mahabang explanation, ayoko naman mag-explain na naririnig ng iba. Basta mamaya na lang. Pabalik na si Em.” Pareho silang napasulyap dito na pagbalik na nga. “Aw, wala pa iyong food natin? Ang tagal, ha. Gutom na kami ni Bibi-O.” Naglabas ito ng crackers mula sa bag. “Crackers muna habang wala pa ang totoong food. Oo nga pala, Chris, the king, baka magkalimutan tayo, ha. Ninong ka din nitong baby ko.” “Sure. Kung gusto mo akong ninong niyan, eh.” “Oo naman, best friend ka ni Anj, kaya I’m sure bagay ka ring ninong nitong anak ko. Konti lang naman kayong ninong at ninang. Baka marami na ang three pairs. Ma-emote kasi ako sa pagpili. Gusto ko iyong ninong at ninang talaga sa totoong meaning niyon at hindi para sa pakimkim lang.” “I’m honored,” sincere na sabi ni Chris. “Basta ngayon pa lang, promise me ha. Be a good ninong to my baby. Alam mo naman ito, walang tatay. Sa mga ninong lang makakakuha ng atensyon. Malayo naman ang mga kamag-anak ko. Baka once a year lang kami magbakasyon sa Cebu.” “Don’t worry, Em. We’re here for your baby.” “Aw, thank you.” Pagkakain nila ay sinamahan nila si Erica Mae sa taxi bay. Kung hindi ilang ito mahigpit sa pagtanggi ay dalawa pa nga sila ni Chris na nag-aalok na ihatid ito. Pero out of way sa uuwian nila ang tinitirhan ni Erica Mae kaya mas praktikal nga na mag-taxi na lang ito. Hinintay nilang makasakay ito bago sila umalis. “Saan ka naka-park?” “Doon pa. Ang layo nga, eh.” “Okay lang iyan. Exercise mo na. Ang taba mo na, Anj.” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Ako, mataba? Napaka-ano mo.” “Anong ano?” “Harsh. You’re so harsh, Chris.” Tumawa ito. “Pikon ka lang agad. Alam mo namang buto-buto ka. Mapagpatol ka lang sa kantiyaw.” “Buto-buto. Ang sama mo talaga.” “You’re thin, Anj.” Huminto siya sa paglalakad at parang modelo na tumayo sa harapan nito. Inilagay niya ang kamay sa isang bewang at medyo inianggulo ang mukha. “Yeah, thin. Fashionably thin.” “Magpataba ka nang konti. Baka kapag humangin nang malakas, matangay ka.” “Hay, naku! Nakakainis ka talaga. Mamaya wala kang pabor na mapapala sa akin.” “Ito naman hindi na mabiro talaga.” Hinawakan siya nito sa kamay. He squeezed her hand a little before he closed his fingers on her wrist. Itinaas nito nang bahagya ang kamay niya. “Look, ang nipis mo. Kumain ka nang marami para magkalaman ka. You’re so skinny.” “At kelan mo pa naging problema itong figure ko?” “Hindi ko naman problema. But I want to think you’ll look better kung magkakalaman ka ng konti. Hindi ka naman ganyan nung bata ka. Chubby ka dati, di ba?” “Utang na loob, huwag mo nang ipaalala iyon. Ang dami ko ring effort para maitapon ko lahat ng baby fats ko.” Bumilis ang hakbang niya nang matanaw ang kotse niya. “There’s my car.”  “See you later, Anj,” sabi nito sa kanya. “Don’t be so late,” sagot naman niya dito. “May office pa ako bukas. Gusto kong matulog nang maaga.” “I won’t. Kukunin ko lang sa kabilang building ang kotse ko tapos pauwi na rin ako.” “Okay.” “Ingat ka.” Ito pa ang nagbukas ng pinto ng kotse niya nang pindutin niya ang remote noon. “You, too.” “Anj.” “Ano na naman?” Nabitin ang pagsakay niya sa kotse. “Wala ba akong kiss diyan?” She rolled her eyes at pagkuwa ay napangiti. “Dalawang linggo lang yata tayong hindi nagkita, nagkaganyan ka na.” He smiled sheepishly. Sumandal pa ito sa kotse niya. “I missed you.” Umarko ang kilay niya. “Ikaw kaya ang umalis. Nasaan ang pasalubong ko pala?” “Nasa bahay. Mamaya dadalhin ko sa inyo. Biglaan iyong alis ko, eh. Alam mo naman sa trabaho ko, on the go ako palagi.” Alam naman niya talaga iyon. Si Chris ang palaging pinapadala ng kumpanya nito sa mga kung anu-anong business engagements sa abroad. Bigla na lang ay mawawala ito at kapag dumating ay kung anu-ano na ang pasalubong sa kanya. It was always business and pleasure na alam niyang gustong-gusto din nito. “Anong pasalubong mo sa akin?” “Basta. Mamaya dadalhin ko na lang. Ano, kiss mo na ako. Hindi ka makakaalis dito kapag wala kong kiss.” “Nanakot pa ito,” amused na sabi niya. Lumapit siya dito at bahagyang tumingkayad kahit na naka-heels na siya dahil matangkad si Chris. It was supposed to be a simple kiss on his cheek. Kagaya ng karaniwan nilang batian. Pero na-out of balance siya habang inaabot niya ang pisngi nito. On instinct, she grabbed his arm. Maagap namang nahawakan ni Chris ang likod ng bewang niya. But on the process, his lips landed on her lips. She froze. At malamang ay ganoon din Chris.  Ilang sandali na hawak lang siya nito at nakakapit din siya dito para di siya mabuwal. Magkalapat lang din ang mga labi nila. Parang walang may gustong gumawa ng katiting mang kilos. Pero bumigay ang tuhod niya. Para hindi siya pulutin sa lupa ay mas maagap si Chris na sinalo siya. She felt a certain spell was broken. Nagmadali siyang makatayo nang maayos. “Sorry,” aniya. “Okay ka lang?” Hindi pa rin ito bumibitiw sa kanya. Pasimple niyang tinanggal ang kamay nito sa kanya at humawak siya sa pinto ng sasakyan. “Okay lang. It must be my shoes. Tama. Ang kitid kasi nitong heels ko.” “Ibabaling mo pa ang sisi diyan sa sapatos mo. Ang gaan mo kasi. Kung mabigat ka nang konti, hindi ka agad mabubuwal. Mahina ka pa naman magbalanse.” “Napaka mo talaga.” “Can you drive?” sa halip ay sabi nito. Bakas ang concern sa boses nito. “Oo naman,” mabilis na sagot niya. Inalalayan siya nito sa pagsakay sa kotse. “Are you sure you can drive? Puwede namang sabay na tayong umuwi. Bukas ko na lang babalikan ang kotse ko. Nasa secured parking naman iyon.” “Kaya kong mag-drive. Huwag kang makulit,” kunwa ay pagtataray niya dito. Hindi niya ipapahalata ditong nangangalog ang mga tuhod niya. At alam niyang hindi rin ang heels niya ang dapat na sisihin doon. Nabitin ang paghinga niya nang dumukwang sa kanya si Chris. Sumunod na sandali ay napuno ng bango nito ang pang-amoy niya habang pinapanood lang niya ito na kinakabitan siya ng seat belt. Magkalapit na magkalapit ang mga katawan nila. Dumadaiti sa kanya ang kamay nito. Parang inaalinsangan ang pakiramdam niya na kinikilig. She tried to look away. Pero parang higit na namamagneto siyang ituon dito ang tingin. Paglingon nito sa kanya, muntik na namang mag-abot ang mga labi nila. She almost gasped aloud. “Drive safely, okay?” Tango lang ang isinagot niya. Nang umunat ito ay mabilis na niyang kinabig ang pinto pasara. She inhaled and exhaled. Tinted naman ang bintana ng kotse niya. Hindi siya nito makikita lalo at sarado naman ang ilaw niya. Bumusina siya dito nang mapakalma niya ang sarili. Hindi rin agad umalis doon si Chris. Inihatid pa siya nito ng tingin hanggang sa umandar na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD