“PAYAG KA na?” tanong sa kanya ni Chris pagkaraan ng mahabang sandali na hindi siya kumikibo. Tumingin lang siya dito. Malinaw niyang narinig ang sinabi nito. Ni hindi nito kailangang ulitin sa kanya pero hindi siya makasagot agad. Bago sa kanya ang pabor na hinihiling nito. Kung sa ibang pagkakataong, malamang ay hindi siya pumayag. O kaya ay baka abutin sila ng mahabang pilitan. But it was a different story now. Naisip niya agad na pabor din iyon sa kanya. Hindi nga lang kailangan na malaman nitong may interes diyan siya doon. Kailangang maging lihim na lihim niya ang sarili niyang balak. May nasilip siyang pagkakataong para sa sarili din niyang interes. Maybe she wouldn’t have to go to a specialty clinic. Hindi na rin mag-aalala si Lolo Dadd

