"Imposibleng magkagusto siya sayo kahit ikaw na ang pinakamayamang tao sa mundo. Choosey si Professor Lovely dahil marami na siyang awards sa edad niya. Tsaka alam naman nating lahat na bawal makipagrelasyon ang mga estudyante sa mga professors." pagpapatuloy ni Tyler.
Tinanggihan ni Bryant ang sinabi ni Tyler. "Geez, ang ganda ni Ma'am Lovely pero wala naman akong plano na ligawan siya kahit na lumuhod pa siya sa harapan ko."
Pag-uwi ni Bryant, tiningnan niya agad ang friend list ni Tyler at nakita niya ang profile picture ni Professor Lovely. Taliwas sa sinabi niya kay Tyler, ini-stalk niya ang magandang professor at maingat siya na wag pindutin ang like button. Sa isang maling like sa photo, alam niyang buking ang pang iistalk nya.
Lahat ng posts ni Lovely ay naka public at natuklasan ni Bryant na marami na talaga siyang narating sa murang edad. Naging cumlaude, valedictorian, at first honor, noong nag-aaral pa siya. Nakatanggap din siya ng maraming mga parangal sa Annex University, tulad ng pinakamahusay na propesor ng buwan, perpektong attendance, at marami pang iba. Pinindot niya ang gallery ni Lovely at nakita niya itong nakangiti sa mga larawang kuha sa kanyang travel goals.
Napagtanto rin ni Bryant na isang introvert si Lovely at madalang itong may kasama sa mga larawan niya.
Marami pa siyang natuklasan tungkol kay Lovely tulad ng hilig nito sa pagbabasa ng mga libro, pagpunta sa simbahan, at panonood ng mga Korean drama. Pero sobrang na-turn on siya nang matuklasan niyang singer si Lovely at naging champion sa ilang singing contest. Dahil doon, nahulog ang marupok na puso ni Bryant sa kanya at nagpasyang mag-effort para mas makilala pa siya nang personal.
Sa kalagitnaan ng pagba-browse, biglang nagchat si Tyler kay Bryant na ikinagulat niya. "Bro, kumusta ka na? Nasa friend's list ko yung babaeng pinagpapantasyahan mo. Kung tutuusin, pwede mo siyang i-stalk since public ang mga post niya. Though, just a fair warning, ingat ka kasi baka click mo ang like! Sigurado akong lagot ka hehehe."
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Bryant. "Duhhh... I'm fine. Tsaka, I swear hindi ko tiningnan profile niya. I am not interested to look at the profile picture of our terror prof lol," chat ni Bryant. Muli niya itong binasa para siguraduhing tama ang pagkakasulat ng mensahe para maiwasan ang pagdududa ni Tyler.
Sa sandaling nagpadala si Bryant ng kanyang mensahe, pinadalhan siya ni Tyler ng isang link.
"Bro, click that link. No worries, that is not a p*rn hehe," sabi ni Tyler sa chat na may laughing emoji sa dulo. "Yan ang profile link ng terror nating prof hehe," dagdag niya pa.
Kinabahan si Bryant pero pinindot niya pa rin ang link. Muli siyang na-redirect sa profile ni Professor Lovely ngunit sa kasamaang palad ay biglang dumulas ang kanyang cellphone sa kanyang kamay na pawis na pawis.
"F*ck, bakit nangyari ito ngayon?" gulat na sigaw ni Bryant.
Sinubukan ni Bryant na pindutin ang kanyang cellphone hanggang sa bumalik ito sa normal. Nang tingnan niya ang kanyang social media account ay nasa timeline pa rin siya ni Lovely at nagulat siya dahil napindot niya ang add friend button. Pipindutin na sana niya ang cancel friend request pero tinanggap ni Professor Lovely ang friend request niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"F*ck, f*ck, bakit ang malas ko ngayon?" malakas na sigaw ni Bryant. Agad siyang humiga sa kanyang kama at tinatamad na bumangon. Sa isip niya, kailangan niyang mag-isip agad ng paraan para makapagbigay ng sagot sakaling tanungin siya ni Lovely kung paano niya nalaman ang kanyang social media account.
Muling tumunog ang kanyang cell phone at bumangon siya sa kanyang kama para sagutin ang chat ni Tyler.
"Hey bro, bakit ka nawala? Busy ka ba? Nagustuhan mo ba yung link na pinadala ko sayo? Send a friend request to Ma'am Lovely, she usually posted any school related agenda on her social media account, walang malisya sa pag add mo sa kanya sa social media account. Gusto mo bang i-chat ko siya para ma-accept yung friend request mo?"
Medyo gumaan ang loob ni Bryant sa sinabi ni Tyler. "No, you don't need to do that, thank you. Nagfriend request lang ako kay Ma'am Lovely at sana matanggap niya ako!"
Isang minuto ang nakalipas ng magreply si Tyler.
"Lol, sinungaling ka, mutual friend natin siya. Siguro matagal mo na siyang friend noh?" Mabilis na sagot ni Tyler na para bang binabantayan ang bawat kilos ni Bryant.
Nagpadala ng laughing emoji si Bryant. "Baliw ka, hehehe... I just sent her a friend request after reading your message, silly. Tulungan mo na lang ako sa explanation bukas baka sakaling tanungin niya ako.
"Okay fine, I'll believe whatever you say. Ganyan din ako nung may crush ako, I also deny my feelings until I decided to confess with her," pang-aasar ni Tyler. "Anyway, ang ganda talaga ni Ma'am Lovely kahit bata pa siya. 25 years old pa lang siya at lahat ng pictures na ina-upload niya ay walang filter kaya palagi siyang may likes. Cheerleader din siya at dati bukod sa pagiging honors students, medyo kahanga-hanga di ba?"
"Mukhang mas stalker ka pa sa akin Tyler, paano mo naman nalaman ang lahat ng 'yan? Sa pag iistalk lang ba?"
"Hindi, madalas niyang ikwento ang buhay niya sa klase kaya halos lahat ng estudyante niya ay kabisado na ang bawat tiny detail ng existence niya. Anyway, pwede mo ring i-zoom in sa cellphone mo para makita ang mainit niyang katawan," giit niya. Tyler.
Pinadalhan siya ni Bryant ng crying emoji. "Don't worry, I'm fine, she's our professor, so I don't want to spoil things. I just take my courage para maka-chat ko siya!"
Nagpadala ng goodluck emoji si Tyler at nag react ng heart emoji si Bryant dito. Huminga siya ng malalim at buong tapang na nagpadala ng mensahe kay Professor Lovely kahit na kumakabog ang dibdib niya.
"Hi, Ma'am Lovely... ahhh, can I join our group chat po? Tyler told me add you para makasali ako, thank you in advance!"