bc

FORBIDDEN LOVE AFFAIR

book_age18+
191
FOLLOW
1K
READ
mystery
campus
like
intro-logo
Blurb

Dalawampu't limang taong gulang na si Professor Lovely na isang napakagandang babae na may katulad na utak, siya ay isang mahusay na propesor ng mga mag-aaral sa Militar at talagang nagsumikap na maabot ang kanyang posisyon. Ang kanyang napakarilag na batang mukha ay hinahangaan ng maraming lalaki, kabilang ang mga propesor at estudyante. Kahit na siya ay isang uri ng isang seryosong babae na hindi ngumingiti kahit isang beses at madalas sa kanyang sarili. Maraming lalaking nagtangkang ligawan siya ay tinanggihan.

Nalulungkot ang mga estudyanteng militar sa Annex University dahil magiging guro na naman nila si Professor Lovely. As usual, kapag naglalakad siya sa hallway na may dalang pink na bag sa balikat at dalawang libro sa kamay, nagtatago ang mga estudyante dahil sa nakakatakot niyang mga mata.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Dalawampu't limang taong gulang na si Professor Lovely na isang napakagandang babae na may saksakan ng talino, siya ay isang mahusay na propesor ng mga Military students at talagang nagsumikap na maabot ang kanyang posisyon. Ang kanyang napakarilag na batang mukha ay hinahangaan ng maraming lalaki, kabilang ang mga propesor at estudyante na talaga namang gustong gusto siyang iskoran. Sa kabila ng kanyang taglay na kagandahan, tadtaran naman siya ng sungit at lahat ng nagtangkang manligaw sa kanya ay binasted n'ya. Lahat ng military student ay walang lusot dahil karamihan ng hawak ni Lovely ay major subjects. As usual, kapag naglalakad siya sa hallway dala ang kanyang pink handbag, nagtatago ang mga estudyante dahil sa nakakatakot sila sa pinaka terror na teacher. Pagpasok niya sa classroom ay bumalik na sa kani-kanilang upuan ang mga estudyante at napuno na naman ng takot ang mga mata nila habang pinagmamasdan sila ni Lovely. Naglakad siya papunta sa desk at ibinaba ang kanyang bag, pagkatapos ay humarap siya sa mga estudyante at nagsalita. “Alam kong ayaw nyo na akong maging guro at muntik niyo na akong isumpa dahil sa pagiging istrikto ko sa klase,” sabi ng masungit na guro. Mahina ang boses niya pero alam ng lahat na kabaligtaran iyon ng tunay niyang ugali. "But, I want to congratulate you all because you are one step closer to becoming the new militars of this country." Nagpalakpakan ang lahat ng estudyante pero bakas pa rin sa mukha nila ang takot sa kanilang Professor. "Anyway, as per our dean's advice, expect that we will be stricter now in the midterm. Lahat ng magtatapos ay dapat competent para hindi tayo pagtawanan. You need to improve your studies if you want to graduate. Kailangan palagi tayong handa sa gera." Sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Professor Lovely, may dumating na estudyante sa front door. Hinihingal siya at basang-basa ang uniporme niya sa pawis. Halos kiligin ang lahat ng mga babae nang makita ang hitsura ng bago nilang kaklase sa heartthrob. Maputi, matangkad, asul na mata, matangos na ilong, makapal na kilay, at higit sa lahat, kaakit-akit siyang tingnan at hawig na hawig niya si Zac Efron noong kabataan nito. "Good morning Ma'am, sorry I'm late," nakangiting sabi ng estudyante. Tinaasan ni Lovely ng kilay ang binata. "Teka, hindi ko namalayan na may transferee pala sa klase ko. Baka maling room lang ang napasok mo?" Hindi nawala ang ngiti ng estudyante kahit nakita niya ang nakakatakot na tingin sa kanya ni Professor Lovely. "I'm Bryant Montegroso and I'm a new student of yours," tiningnan niya ang kanyang mga kaklase at binati ang mga ito. "Hi guys, nice to meet you!" Tinitigan ni Lovely ang binata at nilapitan ito. "I don't need to know who you are, please find your designated classroom dahil malabong isa kitang estudyante. Tsaka nasa kalagitnaan tayo ng klase and I hate being interrupted!" Kinuha ni Bryant ang kanyang touch screen na cellphone mula sa kanyang bulsa. "Pwede kong kontakin ang dean para maniwala ka po sa sasabihin ko, Professor Lovely!" "Fine, and make sure to put it in a loudspeaker," hamon ni Professor Lovely. Habang maraming babae ang pinipicturan si Bryant, napatingin si Lovely sa kanyang mga estudyante dahilan para matigil sila sa nakaw na pagleletrato sa bagong transferee student. Nang sagutin ng dean si Bryant, tumahimik ang lahat maging si Professor Lovely. "Hello, Bryant? Bakit mo ako tinawag? May problema ba?" tanong ng dean. "Opo Ma'am Annabelle, hindi po ba room 143 ang kwartong pupuntahan ko? Parang I love you!" Sambit ni Bryant habang nakatingin kay Lovely. "Yes Bryant, magiging professor mo si Lovely at sinabihan mo siya na ikaw ang bago niyang estudyante," sambit ni Annabelle. Tumingin si Bryant kay Lovely at ngumisi. "Maraming salamat po Ma'am Annabelle, papasok na po ako!" "Okay good luck sa first day mo and like what I told you, tadtadran ng sungit yan si Lovely but she is one of the best professors here at our school. I'm sure marami kang matututuhan sa kanya!" Awkward na napangiti si Lovely nang sabihin ng dean na isa siyang masungit na teacher, bagama't na-appreciate niya ang papuri ng dean dahil bihira siyang magsalita ng ganoon kagandang mga bagay tungkol sa mga propesor ng paaralan. Ibinaba ni Bryant ang telepono at ibinalik sa bulsa. "So, may welcome party ba para sa isang estudyanteng katulad ko?" Tiningnan ni Bryant ang mga kaklase n'ya at napangisi. "I am glad, I am the most handsome guy in this room, there no competition and all!" "Huwag kang masyadong sigurado diyan, silly boy. Hindi ko ibinase ang pagtrato ko sa mga estudyante base sa itsura nila, kailangan mo talagang magsumikap para makuha ang diploma mo!" "Wow, I am encouraged to study really hard. Can I sit down now? Halos dalawang oras na akong nakatayo at basang-basa ako sa pawis-" "Fine, you don't need to tell me unnecessary stories!" pagpuputol ni Professor Lovely. "Teka, baka pwede akong magpakilala sa klase? I think this is very common among transferees like me," ani Bryant. Humarap siya sa klase at inilabas ng mga babae ang kanilang mga cell phone para kunan uli siya ng litrato. Kinindatan niya ang mga ito at ngumiti ng nakakaloko. "Hello classmates, I'm Bryant, your new heart throb classmate and I'm here to study while flirting but no one should fall in love with me, understood?" Ang buong silid ay napuno ng mga hiyawan ng mga babae, dahilan upang kumulo ang dugo ni Professor Lovely. First time niyang marinig ang mga estudyanteng gumagawa ng ganoong ingay at nang hindi na niya makayanan ay sumigaw siya sa loob ng classroom. "STUDENTS? PWEDE BANG MANAHIMIK KAYO? NASA HARAPAN NIYO AKO!" Katahimikan ang biglang bumalot sa buong classroom at umupo si Bryant sa front seat at niyakap ang bag niya sa dibdib. Panay ang tingin ni Professor Lovely kay Bryant na aminadong nagwapuhan din sa binata. Para siyang anghel na nahulog sa klase at nasa kanya ang atensyon ng lahat. "Hoy, hindi ka dapat ma-late Bryant! Tignan mo ang ginawa mo sa mga kaklase mong babae, hindi na sila makapag-focus sa school!" Ngumiti lang si Bryant na parang immune sa sermon ng kanyang magandang guro. Ibinaling ni Lovely ang tingin sa ibang estudyante at nagpatuloy sa pagtuturo. Pero napansin niyang lahat ng babaeng estudyante ay nakatingin kay Bryant na nagpupunas ng pawis sa katawan. "Pwede po ba akong magpalit ng sando, Professor Lovely?" tanong ni Bryant. "Baka kasi magkasakit na naman ako kapag natuyuan ng pawis!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.6K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.1K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook