MY NINONG, MY LOVERUpdated at May 12, 2024, 09:53
FIRST POV
"Ano bang problema mo, Bryant ha? Bitawan mo nga ako!" ang pagrereklamo ko ng gumapang ang kamay ng 3 years boyfriend ko sa dibdib ko.
"Teka lang! Akala ko ba ang sabi mo sa akin, kapag tumuntong tayo ng 3 years, ibibigay mo na sa akin ang virginity mo ha?" pagrereklamo pa niya.
Tumayo ako sa sofa sa apartment niya, "Sorry per nagbago ang isipan ko! I just realized na kailangan ko itong i preserve at kung ikaw man ang lalaking ihaharap ko sa altar, ikaw mismo ang makakakuha nito!" sambit ko pa sa kanya.
"Sus! Ayan tayo, Alexa eh! Para mo na akong niloloko sa ginawa mo! Sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa akin dito sa school, nagagawa mo pa talagang magpakipot sa akin!" pagyayabang pa niya, "Sayang naman ang pagiging champion namin dito sa school kung hindi ko makukuha ang inaasam asam kong trophy," sabi pa niya habang mainit na nakatingin ito sa dibdib ko.
"Eh di go! Magloko ka at mambabae ka, make sure na papanindigan mo ang sinasabi mo ha?"
"Talaga! Gagawin ko iyan, wag kang iiyak kapag nakita mo akong mayroong ibang bitbit na babae ha?"
Kinuha ko na ang notebook at libro ko sa mesa at tsaka ko ito isinalansan sa aking bag. Bago ako umalis, tiningnan ko muna ang boyfriend ko. Kahit na galit si Bryant, ang gwapo gwapo niya pa ring tingnan at ang tangkad pa! Pang athlete talaga ang katawan at sobrang mapupukaw ang kanyang mga mata.
"Go ahead and do it! Hindi ka naman kawalan eh, marami pa namang MAS GWAPO na lalaki kaysa sayo so bakit ako manghihinayang!?"
Lumabas ako at napasandal sa pintuan ng ilang sandali. Hindi ako makapaniwala na inaway ko mismo ang boyfriend ko isang araw bago ako mag boyfriend. Although, three years ding tago ang relasyon naming dalawa dahil bawal sa campus namin ang mag syota.
Binagalan ko lamang ang pag lalakad ko sa pag asa na baka bigla akong habulin ni Bryant. Isang sorry lang naman ang kailangan kong marinig sa kanya, handa naman akong magpatawad. Pero wala eh, hindi ko na narinig ang pagbukas ng pintuan at boses niya.