bc

MY NINONG, MY LOVER

book_age18+
614
FOLLOW
4.8K
READ
city
like
intro-logo
Blurb

FIRST POV

"Ano bang problema mo, Bryant ha? Bitawan mo nga ako!" ang pagrereklamo ko ng gumapang ang kamay ng 3 years boyfriend ko sa dibdib ko.

"Teka lang! Akala ko ba ang sabi mo sa akin, kapag tumuntong tayo ng 3 years, ibibigay mo na sa akin ang virginity mo ha?" pagrereklamo pa niya.

Tumayo ako sa sofa sa apartment niya, "Sorry per nagbago ang isipan ko! I just realized na kailangan ko itong i preserve at kung ikaw man ang lalaking ihaharap ko sa altar, ikaw mismo ang makakakuha nito!" sambit ko pa sa kanya.

"Sus! Ayan tayo, Alexa eh! Para mo na akong niloloko sa ginawa mo! Sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa akin dito sa school, nagagawa mo pa talagang magpakipot sa akin!" pagyayabang pa niya, "Sayang naman ang pagiging champion namin dito sa school kung hindi ko makukuha ang inaasam asam kong trophy," sabi pa niya habang mainit na nakatingin ito sa dibdib ko.

"Eh di go! Magloko ka at mambabae ka, make sure na papanindigan mo ang sinasabi mo ha?"

"Talaga! Gagawin ko iyan, wag kang iiyak kapag nakita mo akong mayroong ibang bitbit na babae ha?"

Kinuha ko na ang notebook at libro ko sa mesa at tsaka ko ito isinalansan sa aking bag. Bago ako umalis, tiningnan ko muna ang boyfriend ko. Kahit na galit si Bryant, ang gwapo gwapo niya pa ring tingnan at ang tangkad pa! Pang athlete talaga ang katawan at sobrang mapupukaw ang kanyang mga mata.

"Go ahead and do it! Hindi ka naman kawalan eh, marami pa namang MAS GWAPO na lalaki kaysa sayo so bakit ako manghihinayang!?"

Lumabas ako at napasandal sa pintuan ng ilang sandali. Hindi ako makapaniwala na inaway ko mismo ang boyfriend ko isang araw bago ako mag boyfriend. Although, three years ding tago ang relasyon naming dalawa dahil bawal sa campus namin ang mag syota.

Binagalan ko lamang ang pag lalakad ko sa pag asa na baka bigla akong habulin ni Bryant. Isang sorry lang naman ang kailangan kong marinig sa kanya, handa naman akong magpatawad. Pero wala eh, hindi ko na narinig ang pagbukas ng pintuan at boses niya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Nag iimpake ako ngayon ng gamit ko. Wasak na wasak pagkatapos kong makipag break kay Troy. Ang dahilan ng break up naming dalawa? Hindi ko ibinigay ang hinihiling niyang virginity ko kahit na 3 years na kaming magkarelasyong dalawa. Ayaw ko kasing ibigay ito sa kanya sa kadahilanang hindi ako sigurado kung totoong lalaki siya. Sa campus kasi namin, mayroong mga bali balita na mayroong lalaking kahalikan ang boyfriend ko. Athlete kasi siya ng school namin, swimmer kaya marunong siyang mag resuscitate. Noong praktis daw nila ng isa niyang kasamahan, muntikan na raw itong malunod pero nagawa niyang mailigtas kasi nag mouth to mouth sila. Kaya lang ang problema, medyo gay daw yung nakahalikan niya kaya nakipag break up ako kaagad sa kanya. Sayang, gwapong lalaki pa naman si Troy at sobrang ganda pa ng kanyang katawan. Pero kung paminta man siya, hindi siya ang lalaking para sa akin. Sakto ngayon at sem break na! Pauwi ako sa cabin kung saan kami magbabakasyong dalawa ni papa. Ang sabi niya kasi sa akin, wag raw muna kaming umuwi sa bahay dahil sa kakamatay lamang ni mama. Masakit parehas sa amin na umuwi doon kasi nga naman, masakit kapag naalala ko si mama. Two months lang naman kaming mag i stay sa cabin sa Batangas. Malapit ito sa beach kaya naman sulit na sulit na rin ang bakasyon naming dalawa. Samantala, hindi naman malayo ang lugar na ito sa school kung saan ako nag aaral kaya isang bus lang at isang private traysikel ay makakarating na ako rito. Nagsimula na akong mag biyahe at mahigit dalawang oras ay nakarating na rin ako sa sinasabi ni papa na Cabin. Medyo horror vibe lamang ang dating nito sa akin dahil maraming sapot ng gagamba yung labas. Medyo luma na rin yung cabin dahil gawa lamang ito sa kahoy. Gayunpaman, hindi naman kami mayaman ni papa kaya ayaw ko nang magreklamo pa. Malapit naman ito sa dagat kaya pwedeng pwede ko nang isuot ang two piece ko. Pero nagtaka ako kasi mayroong nakaparadang kotse sa labas na kulay itim. Sa pagkakaalala ko, wala namang kaming kotse ni papa. Hindi ko ito pinansin kasi baka sa may ari itong sasakyan na ito. Nang pumasok ako sa loob, bumungad kaagad sa akin ang masarap na amoy ng sinigang kaya nagutom akong bigla. May ilan na ring kagamitan sa loob kaya feeling ko ay at home na at home pa rin ako. Nang magtungo naman ako sa kusina, nagulat ako dahil bumungad sa akin ang isang lalaki na may bruskong pangangatawan. Naka shorts lamang siya. Mayroon siyang tattoo ng agila sa kanyang kaliwang braso. Maputi ito at matangkad. Para bang pamilyar siya sa akin kaya lamang ay hindi ko masabi kung sino ito. Pinatay niya ang kalan at tsaka ito lumingon sa akin. Tumigil ang mundo ko sa mga sandaling ito. Isang gwapong lalaki pa naman ang bumungad sa akin. Mapupulang labi, malalim na dimples sa magkabilang pisngi, makakapal na kilay at matangos na ilong. Parang nalaglag na ang panty ko ng makita ko siya... nang makita ko ang lalaking una kong naging crush simula noong 18 years old ako. "Kamusta ka Audrey? Ang laki laki mo na ha?" nakangiting sabi niya, ang ganda pa ng ngiti niya at pantay na pantay ang kanyang mga ngipin. "Ninong George?" ang tanging nasambit ko makaraan ang ilang minutong pagtitig ko sa kanya, "Ba-bakit po kayo narito? Di ba nasa New York po kayo?" tanong ko pa sa kanya. "Ahhh ehhh... na miss ko kasi ang Pilipinas kaya bumalik ako rito. Summer pa naman ngayon kaya gusto kong magtampisaw sa dagat. Eh nagkataon din kasi kaka break namin ni Sheila, yung girlfriend ko for 10 years kaya nagpasya akong pansamantalang umuwi rito sa Pilipinas!" "Ganun po ba?" lumalakas ang pintig ng puso ko sa mga sandaling ito, hindi ko pa rin lubos akalain na ang lakas lakas na ng dating ni Ninong George na kumpare ni papa. "Si... sige po... hintayin na lang natin si papa kasi baka parating na po siya rito." Lumapit sa akin si Ninong George at hinawi niya ang buhok ko, "Wag na natin hintayin ang papa mo kasi sinabi niya sa akin na hindi siya makakauwi ngayon dahil may paparating raw na bagyo. Baka bukas o sa makalawa siya makakabalik rito." Gumuhit ang pagkagulat sa aking mukha. Hindi ako labis makapaniwala na dalawa lamang kami ngayon ni Ninong George sa cabin. Solo naming dalawa. "Ahh... sige po... magbibihis lang ako..." "Siya nga pala... isa lang ang kwarto rito sa cabin. Syempre para hindi ka naman mailang, solong solo mo naman ang kwarto. Dito na lamang ako sa sofa matutulog mamaya." "Nako Ninong, ayos na ayos lang po sa akin," sambit ko pa sa kanya. "Hindi naman po ako nahilik kapag natutulog kaya kahit magkatabi po tayo ay ayos lamang sa akin." "Sige... ikaw ang bahala... siya nga pala... nagluto ako ng sinigang para sa ating dalawa. Alam ko naman na paborito mo pa rin ito hanggang ngayon kaya gusto kong ipatikim sayo ang sinigang ko." "Salamat po, Ninong! Wag kayong mag alala, titikman ko po ang sinigang ninyo. Magbibihis lamang po ako." Nag ngitian lamang kami ni Ninong at pagkatapos ay nagtungo na ako sa kwarto. Sinarado ko ang pintuan nito, tiniyak ko na naka lock kasi gawa lamang ito sa kahoy. Pagpasok ko sa loob, ang linis linis nito. Malamot yung kama at nasa gilid ng table yung mga gamit ni Ninong George. Nakakatuwa lang kasi kahit na lalaki itong si Ninong, malinis naman siya sa bahay kahit noong bata pa ako ay ito ang tinuturo niya sa akin. Nilapag ko ang mga gamit kong inimpake kanina sa dorm at nilagay ko ito sa tabi ng mga gamit ni Ninong. Pumunta ako sa cr at nagpalit ng damit, bumugad naman sa akin ang isang seksing babae na model ng isang calendar. Siguro si Ninong ang naglagay nito. Ang nakakaloka pa ay napansin ko rin na nandito sa cr nakalagay ang picture ni Ninong noong kabataan niya. Ang gwapo gwapo niya talaga lalo na't may abs pa siya. Napahimas akong bigla sa p********e ko na tila ay naging hayok ng makita ang larawan niyang ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook