bc

DESIRE TO BE YOURS, PROFESSOR

book_age16+
988
FOLLOW
3.9K
READ
mystery
actor
like
intro-logo
Blurb

Ipinagkasundo ni Kent ang anak niyang si Jeff kay Ivana na pinakasikat niyang artista. Pinangakuan niyang hindi mauubusan ng projects si Ivana. Pumayag si Ivana at Jeff sa gustong mangyari ni Kent at nagpasya silang i-announce ang kanilang engagment sa isang yacht party.

Subalit paano kung ang pinakamasayang gabi sa buhay ni Ivana ay mauwi sa isang bangungot dahil na frame up siya sa paglason kay Kent? Malinis pa kaya niya ang kanyang pangalan at masustentohan ang kanyang ina na may sakit? Mailigtas pa kaya siya ni Noah- ang kanyang professor na naka one night stand niya? Paano kung maraming lihim ang mabunyag matapos ang insidenteng gumimbal sa buhay ni Ivana?

chap-preview
Free preview
MET GALA
Sakay ng aking Ferrari, kasama ko ang aking PA na si Mike na siya ring driver ko at si Steph na personal make up artist ko. "Grabe madam, sobrang elegante ng suot mo ngayon sa inyong Met Gala. Iba talaga kapag ikaw ang Mega Star sa loob ng five years." Habang nireretouch ako ni Steph ay sumagot ako kay Mike. "Ano ka ba kutonglupa, alam mo naman siguro na hindi ako pwedeng magpatalbog sa kahit na sinong artista. Sa lahat ng artistang dadalo, alam naman natin na walang makakatapat sa atin!" "Naman," pag sangayon ni Mike. "Ikaw lang naman ang bukod tanging top endorser at lahat ng palabas mo sa tv, puro top rated at maging ang mga movies mo, talaga namang puro block buster. Sigurado ako na kaiingitan ka na naman ni Cindy kapag nagkita na naman kayong dalawa. Diba kaibigan mo yun?" I rolled my eyes in irritation, "Duh! Anong kaibigan ang sinasabi mo jan Mike? Wala akong tinuturing na kaibigan sa showbiz dahil ayaw ko na sumikat sila sa kakadikit nila sa akin. At yang si Cindy, may bad blood kami niyan at alam niya na hangga't nandito ang isang Ivana, mananatili lamang siyang second choice ng mga producers." "Grabe Ivana, halata namang mabait si Cindy-" Sa sobrang bwisit ko kay Mike, binatukan ko talaga siya sa ulo. "Tama na, ang dami mo pang sinasabi, mag drive ka na lang kutonglupa ka!" "Nako naman Ivana, gusto mo bang isumbong kita kay Sir Kent!" "Kahit magsumbong ka pa sa kanya wala akong paki, he knows naman na maraming mga managers ang gustong makuha ako dahil marami silang mga investors. At bukod doon, patapos na ang kontrata ko kay Sir Kent. Sa sobrang famous ko ngayon, halos lahat ng managers uhaw na uhaw sa akin." "Nako, sigurado ako na masakit kay Sir Kent ang mga sinabi mo, Ivana. Siya pa naman ang tumulong sayo simula't saput ng karera mo!" Suddenly, nakatanggap ako ng call kay Sir Kent at kaagad ko naman itong sinagot. "Hello, nasaan ka na Ivana? Mayroon kang press conference ngayon!" "Relax Sir Kent, 7 pm pa naman po ang start ng Met Gala at 6 pa lang ng gabi!" "Hays, sige ikaw ang bahala ha! Kasi si Cindy ang kasalukuyan nilang ini interview ngayon!" Kaagad kong pinatayan ng telepono si Sir Kent, nabubwisit kasi ako dahil masyado talagang bida bida itong si Cindy na kahit kailan ay hind magiging isang Mega star kagaya ko! "Hoy kutonglupa, bilisan mo ang pagpapatakbo mo ng sasakyan dahil yung sipsip kong kaibigan na si Cindy, umaakting na naman na feeling bida kahit na puro supporting roles lang naman ang nakukuha. Kapag hindi tayo dumating sa Met Gala on time, sisibakin kita on the spot!" "Sibak agad, di ba pwedeng suspension muna? Eh kung lumilipad lang itong sasakyan natin, malamang kahapon pa tayo nasa event!" Muli akong lumapit kay Mike upang batukan siya. "Ang dami mong sinasabi jan, mag drive ka na lang sabi!" "Nako talaga! Last na ito Ivana, nailipat na namin lahat ng mga gamit mo sa bago mong condo unit. Sigurado talaga akong wala ka nang magiging stalker niyan!" Napangisi ako sa sinabi ni Mike, paano ba naman kasi, marami akong stalker sa aking social media account at ang ilang mga obsessed fans, pinupuntahan talaga ako sa bahay ko and I need to take care of myself and my mom na nasa hospital kasama ng kapatid ko. Kung hindi nga ako nag artista, baka lalong lumala ang cancer niya. But now, bumubuti na ang lagay niya at iyon ay dahil sa aking pag-aartista. "Siguraduhin mo lang na hindi ka na papalpak Mike, last time na kinuhaan mo ako ng condo, marami pa ring fans na sumugod sa akin!" "Pangako Ivana, safe na safe ka na sa lugar na yun!" Tatlongpung minutio ang nakalipas, nakarating na kami sa labas ng SMX convention kung saan gaganapin ang aming Met Gala. Pagbaba ko pa lang ng sasakyan, biglang natuon ang atensyon sa akin ng media sa akin at lumapit naman sa akin si Cindy para makipag beso. "Hello, you looked so gorgeous with your red down!" sabi ni Cindy pagkatapos naming mag besong dalawa. Syempre, ramdam ko talaga na nagpaplastikan lang kaming dalawa ni Cindy at kung mas plastik siya, dapat ay mas plastik din ako! "I know right, ang red gown ko, kasama ng iba ko pang mga alahas sa katawan, sponsor yan sa akin and I am obliged to wear them during this event dahil marami ang makakakita sa akin and for sure, marami ang mga fans ko na tatangkilik ng ganitong products. I am not trying to brag or anything of that nature but we both know na ako ang top endorser at kahit million ang halaga ng talent fee ko, ako pa rin ang hinabol habol nila!" Pinilit naman ni Cindy na ngumit sa akin kahit bakas sa kanyang mga mata ang pagiging bitter. "Congratulations. Sobrang layo na talaga ng narating mo, anyway kamusta si tita Lucy?" "Bumubuti na ang lagay ni Mama sa hospital and I am hoping na ma discharge na siya within this week. She has been fighting cancer for five years at sobra lang akong natutuwa dahil pagaling na siya!" Lumapit sa akin ang mga media at tsaka biglang nawala si Cindy sa paningin ko. "Ang ganda mo naman, Ivana!" "Bagay sayo ang gown mo." "Kumikinang talaga ang ganda mo ngayong gabi! Sigurado akong maglalaban na naman kayo ni Cindy sa star of the night." "Ang mamahal naman ng alahas mo!" Ilan lang ito sa mga komentong naririnig ko sa media at talaga namang nakangiti ako sa buong press conference at katabi ko ang aking manager na si Kent. Sobrang saya ng gabing ito at talaga namang naparami ako ng inom. I don't care kung ano ang sabihin sa akin ng mga bashers ko. Lasing na lasing akong umuwi at nang makita kong papasara ang elevator, bigla akong tumakbo papunta sa loob at nakita ko ang isang gwapo pero batang lalaki. Nasa 25 siguro siya at naka coat, ipinaalala niya sa akin ang mga stalkers ko na parehas na parehas sa suot niyang damit. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ng makita ako pero ayaw ko namang mag assume na hindi niya ako kilala dahil imposible ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook