FIRST CHAPTER
Nakaupo ako sa isang mahabang sopa, kasama ang lima pang aplikante na naghihintay ng final verdict ng HR na nag-interview sa amin. Pero isa lang sa amin ang pipiliin para sa posisyon bilang administrative assistant. Mahirap ang buhay para sa akin dahil sa mayroon pang karamdamang iniinda ang aking ama.
Biglang umiyak yung guy na nakaupo sa tabi ko, "Yes! I passed the interview!" excited niyang sabi.
Akala ko ako ang pumasa pero I was wrong. I congratulate him like the rest, but deep inside my mind, naiingit ako sa kanya. Tumalikod ako at umiyak.
4 p.m na. sa hapon. Habang tumatawid ako sa pedestrian lane, may lalaking nasa 30's ang naglalakad sa harapan ko. Mabagal siyang naglakad, kaya napagdesisyunan kong unahan siya. Maya-maya, lumingon ako at nakita ko ang isang malaking trak na mabilis ang takbo, ngunit tila hindi narinig ng lalaki ang busina ng trak at naglalakad siya na parang may sariling mundo.
Tumakbo ako papunta sa kanya at itinulak para sagipin. Buti na lang at nakaiwas kami bago pa kami mabundol ng truck. Humiga ako sa ibabaw niya at parang gulat na gulat siya sa nangyari.
"Ayos ka lang ba sir?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.
"Salamat sa pagligtas sa akin. Mahina kase talaga ang mata at pandinig ko. Ano ang iyong pangalan?"
Ngumisi ako, "Ang pangalan ko ay Sarah!"
Bumaba ang driver at sumigaw, "Ano bang problema mo, manong? Baliw ka ba?"
Tumayo ako at ipinagtanggol ang ang lalaki. "Sorry sir, may problema siya sa mata at pandinig!"
Ibinaling ko ang tingin ko sa lalaki at inilahad ang kamay ko. "Tumayo ka na, tutulungan kitang maglakad!"
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ko siya sa kabilang kalye. Bago kami maghiwalay, nagpasalamat siya sa akin.
"I really appreciate your help. By the way, my name is Dan. It's nice to meet you, Sarah!"
"Don't mention it, Sir. Please be accompanied by someone when you are traveling para hindi ka maaksidente!"
"Magiging maingat ako sa susunod," aniya.
Naghiwalay kami ng landas. Naglakad na ako pauwi at biglang sumulpot si Kent na parang kabote, isang street food vendor na sinusubukang makipag-romantic relationship sa akin. Hininto niya ang bike niya sa harap ko at nginitian ako ng wagas.
"Good evening, Sarah, sakay ka sa bike ko. Ihahatid na kita pauwi!"
Napatingin ako sa kanya at pinilit ngumiti ang labi ko. "Salamat sa alok, ngunit hindi ako pagod!"
"How about street foods? Gusto mo ba? May pinareserve ako sayo!"
"No thanks," sagot ko.
Si Kent ay isang pursigido na tao, kaya nung naglakad ako, nagpedal ulit siya ng bike niya para sundan ako.
"By the way, kamusta interview mo? Hired ka na ba?"
Huminto ako saglit sa paglalakad at sumagot ako ng seryoso ang mukha. “Isa na namang masamang araw para sa akin. Anim na araw na ang nakalipas mula nang mag-apply ako pero nabigo pa rin akong matanggap sa trabaho."
"Ganyan talaga ang buhay. Please don't pressure yourself. Gusto mo bang makipag-date bukas? It's my treat!"
Naglakad ako ng mabilis. "Pass ako. Sorry Kent pero kailangan mo na yatang umuwi sa inyo."
"Alam mo nagtatampo na talaga ako sayo, Sarah. It has been two months since niligawan kita pero wala pa rin akong nakuhang sagot. Pero bago ka pa man mag react, I'd like to say na naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo. Alam ko naman na priority mo pa rin ang tatay mo kaya nandito ako para sandalan mo sa oras na kailangan mo!"
Binigyan ko siya ng appreciative na ngiti. "Maraming salamat sa pag-unawa, talagang na-appreciate ko ang pasensya mo, Kent!"
"Hindi yan big deal, pero please ride my bike. Alam kong mahirap maglakad ng naka-heels!"
Walang sabi-sabing sumakay ako sa bike niya.
"Guess what? Sold out na lahat ng products ko at kumita ako ng malaki ngayon. Pwede kitang pautangin kung gusto mo!" nag-alok siya. "Alam kong kulang ang budget mo sa paghahanap ng trabaho!"
Tumanggi akong tanggapin muli ang kanyang mabait na alok dahil nananatili pa rin akong may utang sa kanya. "No, you should save that for yourself. Kapag nakahanap na ako ng trabaho, I swear mababayaran ko rin lahat ng utang ko sayo."
"Hindi, ayos lang iyon. Gustong-gusto kitang tulungan kahit sa maliit na paraan, kaya please allow me!"
Mariin kong tinanggihan ang alok niya.
"Please you'd better keep that to yourself, Kent. May natitira pa akong pera. By the way, habang pauwi na ako, may lalaking na mukhang nasa 30's. Muntik na siyang mabundol ng truck pero nagawa kong iligtas siya!"
"Ano? Bakit mo itinaya ang buhay mo para iligtas ang iba? Paano kung ikaw ang nabangga ng trak? Magiging malungkot ang tatay mo habang buhay!"
Bakas sa boses ni Kent ang pag-aalala.
"Saving the life of someone isn't bad at all. At least, bago ako umalis sa malupit na planetang ito, may nagawa akong mabuti sa ibang tao nang hindi humihingi ng kapalit!"
"Ang pagiging life saver ay kahanga-hanga, pero hindi lahat ng tao ay worth it na iligtas. Hindi ko kayang hayaang may mangyari sa iyo na masama!"
"Wag kang mag alala, Kent, hindi na 'yan mauulit!"
6 p.m. kinagabihan nang makauwi ako. Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot. Sinubukan kong tawagan ang aking ama ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Napatingin ako kay Kent dahil sa labis na pagtataka. "Pambihira naman. Kakatext ko lang sa tatay ko na pauwi na ako!"
Bumaba siya sa kanyang bike at nagtanong, "Okay lang bang umakyat sa gate?"
"Sa tingin ko walang ibang paraan para makapasok sa loob kundi umakyat," sagot ko.
Umakyat siya sa gate at binuksan ito mula sa loob. Pumasok kami sa loob ng bahay ko at laking gulat ko nang makita ko ang aking ama na nakahandusay sa sahig, walang malay!
"Dad anong nangyayari!?" Kunot noo kong tanong habang kumakabog ang dibdib ko sa kaba.
Ipinatong ni Kent ang ulo ng aking ama sa kanyang kamay at sinubukan siyang gisingin, ngunit walang epekto. Hinarap niya ako na may pag-aalalang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Dalhin natin ang tatay mo sa ospital!"
Tinulungan ko siyang buhatin ang aking ama at, sa kabutihang palad, nakahanap ako ng taxi. Nang makarating kami sa ospital, isinugod ang aking ama sa emergency room. Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Kent sa akin dahil alam niyang durog na durog ang puso ko sa mga sandaling ito.
Makalipas ang ilang minuto, nakita ko si Dan sa gilid ng aking paningin.